"Shock- a sudden upsetting or surprising event or experience. But then shock will be a reason for you to fall in love harder." - Ms. R.A Chapter 09 Padarang na binitawan ni Demon ang lalaking gumambala ng date nila ni Ayane na agad syang binigyan ng masamang tingin na balewala lang sa kanya. Agad naman itong dinaluhan ng apat nitong kasama na kung matatandaan ni Demon ay walo ang back up nito, but the fact na apat lang ang sumunod dito ibig sabihin naiwan kay Ayane ang apat pa na nakadagdag ng inis na nararamdaman ni Demon sa mga pang gulo sa unang date nya. Ang kailangan lang gawin ni Demon ngayon ay mabilis na patulugin ang limang pang gulo na nasa harapan nya at bumalik agad kay Ayane dahil isipin palang nya na ginugulo o binabastos ng naiwan pang kasama ng lalaking