"When you fell inlove, all you want to do is to be with the person who holds your heart but sometimes when it get's hard for some trials that will test your relationship, you need to be still that pure intention love wins at all." -MS. R.A Chapter 12 Nakasandal lang si Demon sa headrest ng kama nya matapos nyang ibaba ang cellphone na ginamit nya para tawagan si Ayane. Nang magising sya na wala si Ayane ay bahagya syang nangamba pero ng sabihin ni Devil kung bakit wala ito ay nabawasan ang pag aalala nya. Para sa isang lalaki nakakahiya na isang babae lalaban para sayo pero para kay Demon, humahanga at mas lalong lumaki ang pagmamahal nya kay Ayane dahil sa tapang nito bagamat may bahagyang pag aalala syang nararamdaman dahil mag isang sumugod si Ayane sa taong may dahilan kung ba