“Knowing all truths will result of two things, it’s either you’ll hate it or you’ll be happy to know about it.” MS. R.A Chapter 23 Dahan-dahang isinara ni Ayane ang pintuan ng kwarto nya kung nasaan si Demon na naka-upo sa kama nya at nakayuko habang tulala sa pagkaka-kita nya sa mukha ng kanyang ina. Nag-aalala sya para kay Demon at kahit gusto nya itong samahan ay nararamdaman nya na kailangang mapag-isa muna nito dahil alam nyang nagulat ito na makita ang mukha ng ina na sa isipan nila ay matagal ng patay. Napabuntong hininga si Ayane na sumandal sa kanyang pintuan, hindi mawala sa isipan nya ang nakita nyang emosyon sa mga mat ani Demon, sakit at lungkot ang nakita nya na ayaw nyang makitang pagdaanan ng binata. Kung tama ang nasa isip ni Ayane at mapatunayan ito ng kanyang