bc

LENA [R-18]

book_age18+
959
FOLLOW
6.3K
READ
others
forbidden
independent
student
bxg
small town
wild
Neglected
like
intro-logo
Blurb

LENA [R-18]

Lena|Lucho

Rating:18+

Genre:Erotic/Romance

Status:Ongoing(Daily Update)

There is no such "wrong love." Nagiging mali lang ito depende sa sitwasyon at sa taong paglalaanan mo .

Sabi nga nila, "love moves in mysterious ways." Hindi mo hawak ang tadhanang nakalaan sa'yo. Sa pagmamahal, walang sino at ano ang pagbabasehan.

Bawal?

Mali?

Hindi pwede?

Isang pag-iibigan na susubukin ng alon ng buhay. Pagmamahal sa pagitan ng isang alagad ng Diyos at isang bilanggo sa makamundong kasalanan. Pagtatagpuin ang kanilang mga landas upang maging sandalan ang isa't-isa.

Will they conquer their battle? Maipapanalo kaya nila ang kanilang pag-iibigan na nagsimula sa isang kasalanan? O ang pagmamahalan na kanilang ipinaglalaban ang siyang maging tunay nilang kalaban?

chap-preview
Free preview
Magdalene[1]
"Lena! Lena!" Isang malakas na boses ang siyang nagpagising sa mahimbing kong tulog. Mag-dadalawang oras pa nga lang akong nahihimbing dahil mas'yado akong napuyat kagabi kay Mayor Salcedo. Pabalibag binuksan ni Marya ang pinto nitong kuwarto ko at agad lumapit sa akin. Nararamdaman ko ang excitement nito na gisingin ako. Ano na namang i-chi-chismis nitong bruhang 'to? Ang aga-aga at nakakalap na naman ata ang isang 'to ng bagong chismis sa kanto. Suki na kasi si Marya sa mga kaganapan dito sa baryo. Walang isyung hindi nito nababalitaan kaya binansagan siya ng mga ka-baryo namin na "Marites," ang tawag sa mga chismosa. "Lena, gumising ka nga!" Niyuyugyog ng kaibigan ang balikat para gisingin ako. Nakatalikod kasi ako sa kan'ya kaya hindi nito nakikita na kanina pa ako gising dahil sa ingay ng bunganga niya. "Ano ba 'yon? Naku Marya! Siguraduhin mo lang na masisiyahan ako riyan sa ibabalita mo dahil kung hindi ibabalibag talaga kita," sagot ko. Marahan akong bumangon at sinandal ang buo kong katawan sa headboard nitong kama. "Ehhhhh! Kasi nga…" Napatili si Marya at hindi nito matuloy-tuloy ang sinasabi dahil malandi na itong napahiyaw. "Hoy? Ano na? Bakit kung makatili ka riyan ay para kang niroromansa?" pairap kong tanong sa kaibigan. Mainit talaga ang ulo ko ngayon dahil hindi sakto ang tulog ko tapos binulabog pa ako nitong si Marya. "Kasi nga beshy, dumating na 'yong bagong pari sa simbahan sa may kapitolyo!" pag-kukwento nito sa akin. Biglang tumaas ang isang kilay ko habang pinapakinggan siya. Ito lang ba ang ibabalita niya sa akin? Ginising niya ako para lang dito? "Hep, hep, hep! Bago mo ako tarayan diyan ay makinig ka muna sa akin," saad nito nang makita ang reaksyon ng mukha ko sa sinabi niya. "He's not your orderly fatherman!" pag-eenglish nito. Ano raw? Anong orderly at fatherman ang pinagsasasabi nitong babaeng 'to? "Marya, alam naman nating pareho na bobo ka sa English kaya huwag mo ng ipilit," ani ko atsaka mahinang napatawa. "Baka nakakalimutan mong -69 grades mo no'ng grade six tayo, atsaka hindi ka sana makaka-graduate no'ng highschool tayo kung hindi mo binigyan ng flower pot at orchids ang adviser natin, kaya mag-tagalog ka na lang kung may i-chichicmis ka." Napasimangot si Marya sa sinabi ko at napatawa na lang ako sa kan'ya. "Ano ba kasi english ng pari? Hindi ba fatherman, Lena? Lagi ko kasing naririnig na tinatawag sila na Father tas lalaki naman sila. So, fatherman ang tawag sa kanila?" inosenteng tanong ng kaibigan sa akin atsaka napahawak pa ito sa baba na parang nag-iisip. Napailing na lang ako. "Gaga! Priest 'yon hindi fatherman! Ginawa mo namang si Superman si Father," sagot ko habang tumatawa. "Seryoso nga kasi! Malay ko ba! Basta ang alam ko lang, guwapo ang bagong Pari sa kapilya!" Agad namang nakuha ang atensyon ko nang sabihin nitong guwapo raw ang bagong Pari sa kapilya. "Ayan! Nabuhayan agad ang malandi mong kaluluwa nakarinig ka lang ng salitang guwapo!" sumbat nito sa akin. "Pero talaga beshy, ang guwapo grabe! Nakita ko siya kanina na naliligo sa may sapa!" patiling saad ng kaibigan. Napahawak pa ito sa hita na animo'y sinasariwa ang nakita niya kanina. "Amoy baby powder ang dating! Sayang nga lang at hindi naghubad ng t-shirt. Pero sulit naman dahil nakita ko kung paano niya sinabunan ang birdie niya sa ibaba, safeguard pa ang gamit!" "Gaga! Bakit hindi mo ako agad ginising!" Mahina kong sinabunutan si Marya kaya napa-aray ito. "Aray! Ano ka ba? Linggo ngayon kaya magsimba tayo kung gusto mo makita 'yong papables na Pari," sagot ni Marya. Agad naman akong napangiti sa suhestiyon niya. Minsan talaga ay gumagana rin ang utak nitong kaibigan ko kapag kalandian na ang pinag-uusapan. Bumangon naman ako kaagad sa kama at agad kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto. "Saan ka naman pupunta aber?" tanong ni Marya. "Saan pa? Eh di maliligo!" Maliit lamang ang baryo ng Sta. Cruz, isa itong maliit na isla na nakahiwalay sa modernong mundo sa labas. Ang mga tao kasi rito ay parang nananatili pa rin sa panahon ng mga kastila kung makaasta. Wala ring mga modernong pasilidad at ang pangunahing pinagkukunan namin ng tubig ay ang sapa at balon. Kaya kung minsan ay pagtitinginan ka talaga kapag naliligo dahil makikita ka ng mga tao. Ang hirap naman kung mag-iigib ka pa ng panligo mo. May kalayuan kasi ang tinitirhan ko sa sapa kung saan kami naliligo at naglalaba. Habang naglalakad kami ni Marya ay hindi nakaligtas sa paningin namin ang mga mapanghusga nilang mga tingin. Sa araw-araw ay lagi kong nakakasalamuha ang ganitong eksena. Mga pagnanasang tingin ng mga kalalakihan at masasamang tingin naman mula sa kababaihan. "Anong tinitingin-tingin ninyo?" sita ni Marya. Mahina ko naman siyang sinaway at sinabihan na ipagpasawalang-bahala na lamang. Sanay na rin naman kasi kami. Sa trabahong meron kami, hindi talaga maiiwasang mahusgahan kami ng ibang tao. "Stopping your eyes everybody!" ani pa ni Marya na mali na naman ang english. "Marya? May chance ka pa para mag-tagalog. Tumahimik na lang kasi!" Atasaka mahinang binatukan ang kaibigan. "Huh? Tama naman di ba? Pinapatigil ko silang tignan tayo. Anong english ng mata? Di ba eyes? Tapos 'yong tigil is stop then 'yong sila is everbody?" At talagang pinaglalaban pa nitong ang english niya. "Ewan ko sa'yo." Hinayaan ko na lamang siya dahil alam kong hindi titigil si Marya kung pagsasabihan ko pa. "Lumabas na naman ang mga puta! Malaki ba kita kagabi?" rinig kong tanong ng isang babae. Nagkukumpulan sila sa may gilid habang matatalim kaming pinagmamasdan ni Marya na naglalakad. "Inggit lang kayo! Ang bababoy ninyo kaya iniiwan kayo ng mga asawa niyo, bleh!" Dumila pa si Marya para inisin pa lalo ang mga kapit-bahay naming nanggagalaiti sa galit. "Akala mo kung sinong birhen! Mga prostitute naman." Narinig na lang namin ang malakas nilang tawanan. Pinigilan ko kaagad si Marya dahil umuusok na talaga ang ilong nito sa inis. Kung hindi ko pa siya nahawalan sa kamay ay baka kanina niya pa nasabunutan 'yong kapit-bahay naming mataba. "Grrr, naku! Nag-iinit talaga ang ulo ko riyan kay Aling Bonjing!" galit na ani ni Marya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Aling Bonita kasi, hindi Bonjing Marya," pagtatama ko sa kan'ya. "Ano ka ba Lena? Hindi si Bonita 'yon, sinapian 'yon ni Majinbu! Nakita mo naman ang katawan nang intrimitidang 'yon, nahiya ang ilang layers ng cake sa bilbil niya!" Sabay kaming napahalakhak dahil sa sinabi niya. Kapag talaga bardagulan ay maaasahan mo ang kaibigan. Ako kasi, mas pinipili kong manahimik na lang. Basta hindi sila hahantong sa pisikalan at puro verbal lang, wala akong pakialam kahit ano pang sabihin nila. Basta ang alam ko lang, maganda ako. Nang makarating kami sa sapa ay marami-rami na ring tao ang naroon kahit maaga pa. Ganito talaga kapag sa ganitong lugar. Masyadong early bird ang mga tao. Nang makita nila kami ay agad nagbulungan ang mga babaeng naglalaba sa gilid at napatigil naman ang kalalakihan sa kanilang pagligo nang masilayan kami ni Marya. "Halika na Lena, mahuhuli tayo sa misa kapag tutunganga ka lang diyan!" Hinubad ni Marya ang suot nitong t-shirt at ang naiwan na lamang ay ang pula nitong bra. Nakabalandra na ngayon ang magandang hubog na katawan ng kaibigan habang halos lumuwa na ang kan'yang dibdib dahil sa kalusugan nito. "Ay ano ba 'yan!" Kan'ya-kan'yang angal ang naririnig ko mula sa mga tao nang maghubad si Marya sa harapan nila. "Mga bayaran talaga! Wala ng natitirang kahihiyan sa katawan, pati ba naman sa pagligo ay magkakalat pa." Hinayaan ko na lang sila at hindi ko pinansin at nagpasalamat naman ako na hindi narinig ni Marya ang sinabi nila dahil baka mabadtrip na naman ang isang 'to, wala pa namang zipper din ang bunganga nitong si Marya. Masyado talagang mapanghusga ang mga tao rito kaya dapat masanay ka na lang talaga sa matatabil nilang bunganga. "Marya, table ka namin mamaya ha?" nakangiting ani naman ng mga kalakakihan sa may kalayuan sa amin. Naliligo rin sila at namumukhaan ko ang mga lalaking 'to dahil lagi ko silang nakikita sa bahay-aliwan kung saad kami nagtatrabaho nitong kaibigan ko. "Sure ba, basta may datong, patong kaagad!" sagot ni Marya atsaka nag-flying kiss pa at kininditan ang mga kalalakihan kaya nagsigawan ang mga kalalakihan. "Ang ganda no'ng isa brad," bulungan nila na rinig ko naman. "Gago, kung gusto mo pa'ng mabuhay ay huwag na 'yang si Lena. Babae 'yan ni Mayor." Napabuntong-hininga na lamang ako. Kaya ayaw ko talagang naglalabas kapag umaga eh, lagi na lang kaming sentro ng chismis dito sa baryo at sa totoo lang naaapektuhan pa rin ako paminsan-minsan. Pero keber lang, hindi naman nila kami pinapakain para bigyan namin sila ng pansin. Bilang isang bayarang babae, ang masasakit na salita na nakukuha namin sa iba ay nagiging wala na lang sa paglipas ng panahon. Mabubusog ba kami ng reputasyon na sinasabi nila? Masasalba ba kami mula sa kahirapan kung pakikinggan namin sila? Hindi! Isang sampal mula sa reyalidad ang pumukaw sa pagkatao ko. Matagal na akong naulila, dahil matagal ng patay ang ina ko at ang tanging kumupkop sa akin ay si Mother Lily. Siya ang may-ari ng bahay-aliwan na pinagtatrabahuhan ko at ang matalik na kaibigan ng mama ko noon. Naisip ko na walang ibang tutulong sa'yo kung hindi ang sarili mo lang. Hindi ko sasayangin ang kagandahan ko sa mga lalaking sasaktan lang ako. I have the beauty that men can go crazy, why not use it to my advantage? Kabet, puta, maruming babae at kung ano pa. Wala akong pakialam basta puno ng pera ang bulsa ko kaysa maghirap at magdusa. Kung si Hesus nga ay napatawad niya si Maria Magdalena na isang puta. Anong karapatan nilang husgahan kami? Diyos ba sila?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook