bc

Love Me Stranger

book_age18+
458
FOLLOW
2.1K
READ
HE
time-travel
arranged marriage
princess
tragedy
surrender
like
intro-logo
Blurb

An Roa Sanchez the owner of the papular Resto Bar and one of the best prosecutor of the country.she is also the leader of Black Omega Gang she is happy with her life,she did not even think that one morning can change her life.An Roa Sanchez is intelegent and independen woman she can stand all struggle in her life until one day nagising na lang siya na nasa katauhan na siya ng iba at nasa hindi pamilyar na lugar.paano niya haharapin ang pagbabago sa buhay niya?ano ang masusumpungan niya sa kasalukuyang buhay niya?nanaisin niya pa bang bumalik sa nakaraan O mananatili siya sa hinaharap?paano siya susubukin ng panahon sa lugar na kahit sa hinagap hindi niya miisip na puntahan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Maaga pa naghanda na ako papuntang korte, ngayun ang araw ng paglilitis sa kaso na hinahawakan ko laban kay Senator Delion. Nagtatrabaho ako sa isang public law firm. Ang kadalasang hawak ko na kaso ay ang mga kaso ng mga mahihirap na walang pambayad ng abugado, kaya mga hindi nakukuha ang hustisya para sa pamilya nila.kaya marami ang mayayaman O nasa katungkulan na kung gumawa ng katarantaduhan wagas. Kasi kayang kaya lang nilang magbayad, at alam nila na walang ilalaban sa kanila ang mga walang pera na kagaya ng mga mahihirap. Dun sila nagkakamali, dahil may mga kagaya namin na handang ipaglaban sila at hanapan ng hustisya ang mga pamilya ng inagrabyado nila. Pumasok ako sa loob ng court room kasama ang asawa ng biktima. Dating driver ni Senator Delion ang biktima, isa ito sa natanggal ng magbawas ng tauhan si Senator Delion. Nagkataon na nasa ospital ang bunso nitong anak, kaya naman tumawag ang biktima kay Senator Delion upang kuhanin ang tatlong buwang sahod na hindi pa naibibigay nito. Kinagabihan nagpaalam ang biktima sa asawa nito na makikipagkita daw ito kay Senator Delion, ngunit hindi na ito nakabalik sa ospital. Natagpuan ito kinabukasan na walang buhay sa isang basurahan. Dahil walang pera wala silang sapat na pangastos para sa kaso na isinampa nila laban kay Senator Delion, dahil din sa kakulangan ng ebedensiya binasura ng korte ang kaso ng asawa niya. Naisipan niyang lumapit sa opisina ko, nagkataon na kasama ang kaso ng asawa niya sa nakuha ko upang hawakan. Kaya ngayun nandito kami sa loob ng court room upang hanapan ng hustisya ang pagkamatay ng asawa niya. Naupo kami sa kabilang panig ng court room.Bago ako umupo tinanguan ko muna ang asawa ng biktima na nasa tabi ko. Nakita kong pumasok ang grupo nila Senator Delion, tumingin siya sa amin sabay ngisi.Dumating ang Judge nagsitayo kami. "I'm Attorney Luis Montano the lawyer of Senator Arnold Delion." Pagpapakilala ng abugado ni Senator Delion. Tumingin sa akin ang Judge. "Ako si An Roa Sanchez kumakatawan bilang Prosecutor ng kasong ito." Pakilala ko sa kanila ng matapos ay naupo na kami. Ng magumpisa ang paglilitis. Unang tinawag ang witness nila,tumayo ang abugado ni Senator Delion. na numpa muna sila bago nagumpisa ang pagtatanong sa witness. "Mapapatunayan mo ba sa loob ng hukumang ito na nasa bahay si Senator Delion, noong alas 7 ng gabi noong July 17 2023?" Tanong ng abugado ng kabilang panig. "Opo! may CCTV po ang gate ng mga Delion, kaya makikita po dun ang pagdating ng sasakyan ni Senator Delion nung gabing yun." Sagot nito. Binigay ng abugado ang kopya ng CCTV sa judge. Pina play ng judge ito Nakita dito ang pagdating ng isang sasakyan at pag pasok nito sa loob ng gate saktong alas 7:00 ng gabi. "Yun lang po your honor." Sabi ng abugado ng kabilang panig. "May katanungan ba ang kabilang panig?" Tanong ng Judge. tumayo ako ng marinig ang sinabi ng judge. "Meron po your honor." Sagot ko, saka tumingin kay Senator Delion. Ngumiti ito sa akin. Lumakad ako papunta sa harapan ng witness na nakaupo sa gitna. "Bakit ikaw ang nagbukas ng gate noong gabing July 17 2023 samantalang may sariling guard sa gate ang mga Delion?" Tanong ko sa witness. "Kasalukuyan pong naka leave ang guard noong araw na yun at hindi pa dumarating ang kapalit, kaya ako ang napag utusan na magbukas ng gate." Sagot nito sa akin. "Nakakasigurado ka ba? Na ang napagbuksan mo noong gabing yun ay sasakyan ni Senator Delion?" Tanong ko dito. "Opo" Sagot nito. "Nakita mo ba na lumabas ng sasakyan niya ang Senator?" Tanong ko uli dito. "Opo" Sagot nito uli. "Nakita mo ba ang oras noong pagbuksan mo ng gate ang sasakyan ni Senator?" Tanong ko sa kanya, saka nilaro laro ang ballpen sa kamay ko. Natigilan siya. "Hindi ko po tiningnan ang oras nun, saka wala naman po akong relos kaya hindi ko po nakita ang oras." Sagot nito sa akin. "Yun lang po your honor." Sabi ko, saka bumalik na sa pwesto ko. "Wala na bang katanungan ang magkabilang panig?" Tanong ng Judge. "Wala na po your honor!" Magkasabay na sagot namin ng abugado ni Senator Delion. "Meron pa bang witness na ihaharap?" Tanong ng Judge uli. "Meron po your honor." Sagot ko. Saka tumayo at tinawag ang witness na nakuha ko at pinaupo ko ito sa harapan. "Maari ka bang magpakilala sa amin.?" sabi ko sa witness ng matapos itong manumpa sa harapan. "Ako po si Rey Valdez isang technician." Pakilala nito sa amin. "Rey maari mo bang sabihin sa amin sa loob ng hukumang ito kung saan ka nagtatrabaho sa ngayun.?" Sabi ko uli dito. "Objection your honor wala na po sa kaso ang tinatanong ng prosecutor sa witness." Protesta ng kabilang panig. "May kinalaman po ito sa kaso your honor nais ko lamang linawin sa inyo kung ano ang trabaho niya upang hindi po kayo maguluhan." Paliwanag ko sa Judge tumango ito. "Objection sustained" Sabi ng Judge.kaya pinagpatuloy ko ang pagtatanong. "Inuulit ko maari mo bang sabihin sa amin kung saan ka nagtratrabaho sa ngayun?" Sabi ko dito saka nilaro laro ko na naman ang ballpen sa kamay ko. "Isa po akong technician sa oxford company." Sagot nito. "Ano ba ang negosyo ng oxford?" Tanong ko dito. "Sila po ang nag I installed ng wifi CCTV at telephone sa mga bahay bahay." Sagot nito sa akin. "At isa sa mga Costumer nila ay ang mga Delion tama ba ako?" Tanong ko dito. "Opo" Seryosong sagot nito. "May tendency ba na nasisira ang device na kinabit niyo?" Tanong ko dito. "Opo" Sagot nito sa akin. "At isa sa nasiraan ang mga Delion?" Seryosong tanong ko dito. "Opo" Sagot nito sa tanong ko. "Naalala mo ba kung anong araw nasiraan ng device sa bahay ang mga Delion?" Tanong ko dito. "Noong July 17 2023" Sagot nito tumango ako. "Ano ang nasira sa bahay nila at mapapatunayan mo ba sa amin?" Sabi ko sa kanya. "Tumawag po sa office si Mrs Delion noong umaga ng July 17 2023 dahil na sira ang CCTV nila. May Kopya po kami ng mga tumatawag sa opisina at sa mga Complain nila." Sabi nito at binigay ko sa Judge ang mga kopya ng record, binasa nila ito. "Sino ang nautusan upang ayusin ang sirang CCTV sa bahay ng mga Delion?" Tanong ko uli dito. "Ako po dahil kasalukuyan pong may aayusin din po ako sa kabilang subdivision." Sagot nito sa akin. "Naayos mo ba noong araw na yun ang CCTV." Tanong ko uli dito. "Hindi po dahil nung puntahan ko yung bahay nila ay alas 3 na ng hapon ng tingnan ko ito ay kailangan na nitong palitan kaya sinabi ko kay Mrs Delion nadadalhin ko ang device para mapalitan ng opisina pero kinabukasan ko na po maikakabit ang kapalit dahil hindi na aabutin ng oras." Sabi nito sa amin. Lumapit ako sa judge at binigay ang isang sirang CCTV. "Yan po ang CCTV na nasira sa bahay ni Senator Delion at ito po ang record kung kailan nasira ang device." Sabi ko sa judge. "Ito naman po ang kopya ng CCTV sa may gate ng katapat na bahay nila Senator Delion." Sabi ko sabay abot ng kopya ng CCTV na kinuha ko sa kapit bahay ni Senator Delion,nagkataon na kilala ng isa sa mga tauhan ko ang may ari ng bahay. Kaya walang kahirap hirap kong nakuha ang kopya ng CCTV. At pina play ito ng Judge, kita dito ang pagdating ng sasakyan ni Rey at ang pagbaba nito sa sasakyan nakita din dito ang pagbalik niya sa sakyan na may dalang device makikita din dito kung anong oras siya dumating at umalis. "Yun lang po your honor" Sabi ko sa kanila.pagkatapos magsalita ang Judge. pinatawag ko ang pangalawang witness "Maari mo bang sabihin sa amin kung ano ang nakita mo noong gabi ng July 17 2023 ?" Sabi ko dito. "Nakita ko po si Senator Delion na pumasok at umupo sa malapit sa lamesa namin, mga 6:45 na yun ng gabi. Sige kasi ang tingin ko sa relos ko kasi inoorasan ko ang pagdating ng kaibigan ko, kakantyawan ko sana ito. Maya maya nakita ko na dumating ang isang may edad na lalake umupo ito sa tabi ni Senator Delion,kilala ko po si Senator Delion dahil isa po ako sa bumoto sa kanya. Nakita namin na may pinagtatalunan sila at nakita namin na lumapit ang isang lalake hindi ko na po sila pinansin dahil dumatin na po ang kaibigan namin" Sabi nito. Lumapit ako sa Judge at binigay ang kopya ng CCTV sa nasabing lugar. Nagkataon na ang nasabi bar ay lihim na pagaari ko,kaya na kuha ko agad ang kopya ng CCTV dun. pina play na naman ng Judge ito. Makikita dito dumating si Senator Delion sa Bar ng 6:45 ng gabi, nakita din ang pagtatalo nila Senator at ng biktima at nakita din dito ang pag alis ni Senator Delion habang kaladkad ng tauhan niya ang biktima alas 7:00 ng gabi noong July 17 2023. "Makikita diyan na umalis si Senator Delion kasama ang biktima ng 7 o'clock ng gabi noong July 17 2023 kung saan huling nakitang buhay ang biktima kasama si Senator Delion, paanong nakauwi si Senator Delion sa bahay nila sa Cavite ng 7 O'clock ng gabi din noong July 17 2023 samantalang kung susumahin ang biyahe papuntang Cavite galing Makati ng walang traffic kakain parin ng kalahating oras yun. Yun lang po your honor." Sabi ko sa Judge. Nakita ko na namutla si Senator Delion. Hindi pa natapos dun may mga witness pa akong hinarap sinigurado kong wala na siyang kawala at mabubulok siya sa kulungan. "Salamat Miss Sanchez!' Sabi ng matandang babae na asawa ng biktima ng lapitan niya ako sa pwesto ko pagkatapos sabihin ng Judge ang hatol kay Senator Delion. "Wala po yun ginawa ko lamang po ang nararapat. Sabi ko sa kanya. "Congratulations Prosecutor Sanchez, ginisa mo na naman sa sarili nilang mantika ang kalaban mo iba katalaga pag kumilos kaya takot akong makalaban ka sa korte." Sabi ni Attorney Chavez sabay kamay sa akin nakipag kamay din ako dito at tinawanan lang ang sinabi niya, kung alam lang nila na kaya madali akong nakakakuha ng ebedensiya dahil sa mga conection ko at sa mga tauhan ko sa ibat ibang panig ng mundo.Dahil lingid sa lahat isa din akong leader ng sikat na organization sa Underworld society kung saan ang mga lihim naming negosyo ay ginaganap sa black market. Ng makaalis na ito saka inayos ko na ang mga gamit ko at ng palabas na ako sinalubong ako ng Abugado ni Senator Delion. "Ibang klase ka nga talaga, totoo ngang mahirap kang makalaban Congratulations Prosecutor Sanchez masaya akong naka laban ka sa korte" Sabi nito saka kinamayan ako. "Salamat! ako din masaya akong nakalaban ka sa korte.." Yun lang ang sinagot ko saka nagpaalam dito at tuloy tuloy ng umalis. ****** KINABUKASAN pag dating ko sa prosecutor office usap usapan ang nangyari kahapon sa korte dumeretso ako sa opisina ko. "Good morning ma'am" Bati ni Mina sa akin, ang secretary ko. "Ma'am balita ko mag lileave ka daw, buti naman naisipan mong magbakasyon." Sabi ni Sandro sa akin, ang isang abugado na kasama ko sa grupo ko. "Oo kailangan, para makahanap ako ng mga ebedensiya laban kay Congressman. Alam mo na siya kasi ang makakalaban ko sa susunod na kaso na hahawakan ko,saka kailangan ko pang pag-aralan ng maigi yun. Sabi ko sa kanila napatampal sa noo ang mga to. "Akala pa naman namin talagang magpapahinga muna tayo,yun pala maghahanda lang sa mas malaking kalaban." Sabi ni Sandro. "Uy,wag kang makaangal angal diyan yung pinagagawa ko sayo, sabi ko kausapin mo ang mga dating kaklase ni Anna pag may nakalap ka i report mo agad sa akin." Sabi ko dito. "Ano pa nga ba,sabi ko nga bukas na ang punta ko sa school niya e" Sabi nito na kakamot kamot sa ulo. "Pano tong mga bagong kaso na pinasa sa atin?" Tanong ni Mina. Sabay pakita sa akin ng sang tambak na papel na nasa lamesa niya. "Pagaralan mo kung madali lang, ipahawak mo kay George at kay Clark." Kapwa ko Prosecutor kasama din namin sa grupo. "Balita ko nilampaso mo na naman ang kalaban mo kahapon wala ba tayong blow out diyan.?" Maya maya sabi ni Rey sa akin. 'Sige bilisan niyo libre ko kayo sa Canteen,dun lang muna ngayun kailangan ko kasing umuwi ngayun hinihintay ako sa bahay." Sabi ko sa kanila, nag apiran pa ang mga ito saka niligpit ang mga kalat nila. "Mauna na ako sa inyo, sumunod na lang kayo sa Canteen." Sabi ko sa kanila. Pagpasok ko sa canteen narinig ko na naguusap ang dalawang nasa unahan ko. "Grabe talaga si prosecutor Sanchez, pinaliguan na naman ng mga ibedensiya ang kalaban niya kaya hindi na naka kilos, ayun sa kulungan ang bagsak ni Senator Delion." Sabi ng payat. Nailang ako sa kanila, para kasing hindi ko sila naririnig kung magusap ang daawa. "Sinabi mo pa kaya nga siya binansagan ng the thunder, kasi kasing bilis ng kidlat kung mangalap ng ibidensiya laban sa kalaban niya." Sabi ng mataba,tumikhim ako para malaman nila na nasa likod lang nila ako. Pero parang wala lang sa mga ito nilingon lang nila ako at nagpatuloy sa paguusap. "Uy teka, diba si Sanchez yun nasa likod pala natin siya." sabi ng mataba nung paalis na ako.hindi na ako kumain dahil naiilang ako sa kanila. Tingnan mo nga naman, hanga din ako sa pagiging marites ng mga ito biruin mo kanina pa ako nagpapansin ngayun lang ako napansin kung kailan paalis na ako. Napailing na lang ako. "Omorder na lang kayo sa canteen, sabihin niyo charge sa akin." Sabi ko sa mga kasama ko ng makasalubong ko sila sa hall way na palabas ng building. "Ha! paano ka?" Tanong ni Mina. "Kailangan ko ng umalis e." Pagdadahilan ko, pero sa totoo lang naiirita ako sa mga tao sa lugar na yun. Pagdating ko sa parking lot nakita ko ang salamin ng sasakyan ko na may nakadikit na papel kinuha ko ito at binasa. "Prosecutor Sanchez magiingat ka!!" Basa ko sa nakasulat sa papel, napalingun ako sa paligid. Wala naman akong nakitang tao kaya nagkibit balikat na lang ako saka binuksan ang sasakyan ko, sanay na ako sa mga threat sa akin. Malalaking tao ba naman ang binabangga ko sa korte e. Nang paandarin ko ang sasakyan ko naisipan kong pumunta sa Bar imbis na umuwi sa condo ko, matagal na akong hindi nakakapunta dun busy kasi ako lately sa kaso ni Senator Delion. Pagdating sa Bar binati ako ng isang tauhan ko, nagtatrabaho siya dito bilang guard. Halos lahat ng tauhan ko sa mga Resto Bar ko ay mga tauhan ko din sa Organization ang tawag sa grupo namin ay Black Omega Gang, mga tauhan ko lang din sa Organization ang kinuha kong tauhan sa Resto Bar ko para manatiling lihim ang tunay kong katauhan, kaya pati ang mga negosyo ko may mga tao ako na kumakatawan bilang ako. Pero sa black market ako mismo ang tumatayo bilang leader ng grupo at para mailihim ang katauhan ko pili lang ang nakakakilala sa tunay kong itsura sa grupo lagi akong nakatago sa isang maskarang ginto kapag humaharap ako sa kanila. Pero karamihan sa mga tauhan ko ay tapat sa akin kaya iilan lang ang hindi nakakakilala sa tunay kong itsura at pagkatao. "Kumusta na Banong sabi magaasawa kana daw?" Tanong ko dito. "Naku Boss pinagplaplanuhan ko pa Po Ang pag propropose ko sa kanya. Nahihiyang sagot nito sa akin,habang kumakamot sa ulo lahat ng member ko sa grupo mga walang asawa. Merong may mga anak pero walang asawa, dahil ang ginawa kong patakaran sa grupo kapag nag asawa na sila kailangan na nilang ayusin ang buhay nila. Kasi kapag nag asawa na sila ibig Sabihin gusto na nilang mag bagong buhay kasama Ang babae na napili nilang makasama sa bagong buhay na haharapin nila at sinusoportahan ko sila sa bagay na yun,hangad ko ang ikabubuti ng bawat member ko at hindi ko hahayaan na maulit uli yung nangyari sa unang pinag bago ko ng buhay pinatay ito kasama ng buong pamilya niya ng kalaban naming qrupo. Hindi ko mapatawad Ang Sarili ko nun,pakiramdam ko naging pabaya ako kaya naman inubos ko ang grupo na yun. At yung sumunud na tauhan ko na nagbagong buhay, binigyan ko Ng puhunan at pinabantayan ko na ito sa ilang mga tauhan ko at Yung iba pinapunta ko sa ibang bansa kaso nagtayo din ang iba ng grupo na Black Omega bilang branch daw ng grupo ko kaya wala akong nagawa sa pagiging sikat at paglaki ng grupo ko basta hindi sila gumagawa ng ikakasira ng pangalan ng grupo namin sa buong mundo. Hindi alam ng mga sindikato at ibang organization, kung sino ang pounder ng Black Omega Gang dahil hindi ako nakikipag kita sa kanila ng personal kahit sa mga meeting sila uncle lang ang pumupunta dun at pinasasamahan ko lang siya sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. Isa na ang kanang kamay ko na si Red, kahit sa paniningil sa mga ibang may ari ng Bar. Nagpapautang din kasi ako ng puhunan sa mga kagaya kong negosyante may tubo nga lang ito na 5% kapag binayaran nila. Pero kapag nagkakaprublema saka lang ako humaharap sa kanila kasama ang mga tauhan ko,suot ang maskara ko kaya Ang mga tapat na tauhan ko lang Ang nakakakilala sa akin, Ang tanging alam lang ng mga kalaban ay babae ako at anak ako ng dating Leader ng grupo. "Kung ganun pag usapan natin yan mamaya,sa palagay ko marami akong maitutulong sayo." Sabi ko sabay ngiti dito. Dating exconvic si Banong tinulungan ko siya sa kaso niya. Napatay niya ang dating amo niya at nalaman ko na may mabigat na dahilan kaya niya nagawa ang crimen na yun,pinagtangkaan nitong halayin ang kapatid niya. Dahil sa wala silang pera at mayaman ang kalaban nila nabaliktad ang pangyayari na hatulan siya ng panghabang buhay na pagkakakulong. Nilapitan ako ng kanyang ina kaya ginawan ko Ng paraan para makalaya siya at kumuha ako ng abugado na magaapila sa korte at mabigyan ng hustisya sa korte ang nangyari sa kanila.Ng matapos ang kaso niya at nalaman niya kung sino ako hiniling niya na gawin ko siyang tauhan ko, kagaya Ng ibang member ko. at kapag gusto na nilang mag umpisa Ng bago nilang buhay pinabubura ko Ang record nila sa kulungan dahil may mga member kami sa loob na nakakataas Ang katungkulan. Maging sa NBI at kung saan saan ahensiya ng pilipinas kaya madali lang sa amin ang baguhin Ang pagkatao mo at kumuha ng visa para makarating sa ibang bansa ng walang kahirap hirap at yan din ang secreto kung bakit napaka dali lang sa akin kumuha ng ebedensiya sa mga kaso na hinahawakan ko. "Naku salamat Boss!" Sabi nito sa akin, yumuko pa ito. "Haaays! Alam mo naman na hangad ko kung ano ang makakabuti sa inyo. Kung saan kayo masaya masaya narin Ako at ayaw ko sa lahat Ang inaagrabyado kayo ng iba dahil ako ang makakalaban nila, basta eto ang tatandaan mo kahit ikasal ka na kapag nagkaprublema ka wag kang mahihiyang lumapit sa amin dahil kahit wala kana sa grupo pamilya ka parin namin. Alam mo Naman kung saan mo kami matatagpuan diba." Sabi ko sa kanya mangiyak ngiyak ito na tumingin sa akin at nagpasalamat. "Boss, hindi ko po talaga kayo makakalimutan, kayo din po kung kailangan mo ako wag kayong magalinlangan na tawagin ako dahil ano mang oras darating ako." Sabi nito niyakap ko ito. "tssk.. Masaya na ako makita ko lang na maayos na Ang buhay mo kasama ng pamilya mo masaya na ako. Alam mo naman na kayo na ang pamilya ko wag mong igaya sa akin Ang mga anak mo na walang nagisnang pamilya. Iparanas mo sa kanila ang masayang pamilya yun lang na suklian mo na Ako." Sabi ko sa kanya a nagpaalam na papasok na ako sa loob. Bata pa ako ng pinatay ang mga magulang ko dating leader ng Black Omega Gang ang ama ko at kanang kamay niya si uncle Ben ng lusubin ng kalaban nila ang mansion na tinitirahan namin pinatakas ng ama ko si uncle kasama ako kaya si uncle na ang nagpalaki sa akin, siya din ang pumalit na leader ng grupo at humawak ng negosyo namin ng mamatay ang ama ko. binalik niya sa akin ang lahat ng maging ganap na prosecutor na ako. Pagdating ko sa loob binati Ako Ng mga waiter, dumeretso ako sa kusina. Nakita ako nina uncle Ben at Red kasalukuyang nasa kusina Sila. "Oh iha! bat nandito ka? Wala ka bang pasok ngayun?" Tanong nito sa akin, iniwan ang cook na kausap niya. "Ano ba kayo Boss Ben, hindi niyo alam na nag file ng leave na isang buwan sa trabaho niya si Boss" Sabi ni Red. Ang kanang kamay ko Isa siyang bayarang mamatay tao ng Isang sindikato dati, pero dahil marami na siyang nalalaman sa grupo. Pinapatumba na siya ng Leader. Hindi sinasadya na ang sindikato na gustong pumatay sa kanya ay Ang sindikato na pumatay sa member ko na nagbagong buhay. Nag kasabay kami sa pag lusob sa bahay ng dating amo niya at naging magkasanga kami sa laban nung araw na yun kaya napatumba namin ang malaking grupo ng sindikato na dating kinabibilangan nito. Hindi ko alam na kinausap pala siya ng uncle ko na sumali sa grupo, nagulat na lang ako kinabukasan pinakikilala na siya sa akin ni Uncle. Hangang sa tuwing lalakad kami lagi ko siyang kasangga sa laban dahil Hindi kami nagkakalayo sa kakayahan sa pakikipaglaban mas mabilis lang Ako sa kanya kumilos at mas magaling gumawa Ng Plano. Dahil masyado siyang agresibo nagustuhan namin siya kaya naman pinag-aral namin siya kagaya ng ibang member. lahat ng member ng grupo may mga pinagaralan dahil pinagaaral namin ito at yung iba nagseserbisyo na sa gobyerno. Nag-aral siya ng pagkasundalo Isa na siya ngayung captain kapag wala silang mission nandito Siya sa Bar at kagaya ko kapag may problem ang grupo bigla na lang siyang sumosulpot na may suot na maskara na gold,para itago ang katauhan niya. Lahat kami sa grupo may suot na maskara para itago ang katauhan ng lahat ng member ng grupo sa kalaban,kaya hindi kilala ng mga kalaban namin ang mga itsura namin. Kulay itim sa mga tauhan namin silver sa may mga katungkulan gold na man sa aming tatlo nila uncle at Red. "Edi maganda, naisipan mo din iha na magpahinga. Matagal ko Ng gustong Gawin mo yan,ewan ko Naman kasi Sayo. Hindi mo na kailangan magpakahirap sa pagiging Prosecutor, pero ginagawa mo parin yan at Hindi ka pa nagpapahinga, alam mo Naman na matanda na ako balang araw Ikaw na talaga Ang tatayo sa lahat sana pagisipan mo yan." Sabi ng Uncle ko. Nahinto ang pagsusuot ko ng epron kapag sinasabi sa akin ni Uncle yan na kukunsensiya ako dahil lahat na lang pinagbibigyan niya ang gusto ko kahit ayaw niya. Tulad na lang ng mag aral Ako bilang Prosecutor, ayaw niya na umalis Ako sa mansion pero umalis parin ako, kaya napilitan siyang bilhan ako ng sariling condo. Pati sa school na papasukan ko gusto niya sa sikat na private school ako magaaral, pero hindi na ako naka angal pa kahit ang gusto ko sana sa public lang mag aral. Pero hindi niya ako napigilan ng nag-aral Ako bilang scholar ng school. Masyadong protective ang Uncle ko sa akin, dahil isa daw akong babae na lagi naming pinag tatalunan. Sadyang matigas ang ulo ko lagi akong sumasama kapag may transaction siya dahil sa pagiging agresibo ko tinuruan niya ako ng ibat ibang klase ng pakikipag laban. Araw araw nakikipag sparing ako sa mga tauhan namin, pati sa pag hawak ng ibat ibang armas kaya nagdalaga ako na hindi pangkaraniwang babae. Napaka boyish ko palibhasa puro sang gano ba naman ang kasama ko sa paglaki, kasakasama pa nila ako sa tuwing napapalaban sila. Dahil kahit hindi nila pinapaalam sa akin ang mga lakad nila nagugulat na lang sila dumarating ako sa laban nila, habang lumalaki ako nagiging gamay ko na ang pamamalakad sa Organization. Kaya ng maging sikat na Prosecutor ako.ginawa na akong leader ng grupo. Wala namang tumutol dail kilala nila ako sa pakikipag laban, kahit babae ako at bata wala akong inuurugan. Pati ang mga Resto Bar na negosyo namin nadagdagan pa ito ng mga Resort, pinasa narin niya kaya magmula nun ako na ang nagpapatakbo nito. "Oo na po magpapahinga na po ako, sa huling lingo ng buwan ko na Lang pagaaralan ang kaso ni Congressman Vallente. Wag na po kayong mag tampo kundi malulungkot ako malapit na pa Naman ang kaarawan ko." Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Dyaske kang bata ka. Bitiwan mo nga ako kaya ako napagkakamalan na sugar daddy mo, dahil sa kakaganyan mo. Baka nakakalimutan mo na sikat na sikat ka ng Prosecutor ngayun dahil sa pinakita mong katapangan na harapin sa korte ang mga bigating tao at ipakulong ito, siguradong maraming paparatsi na Nagbabantay sayo diyan sa tabi tabi. Ang alam nilang lahat nag papart time job ka lang dito." Sabi nito habang pinahihiwalay ako sa kanya pero imbis na humiwalay ako mas lalo pa akong yumakap sa kanya kaya natatawa na lang ang mga tauhan namin sa amin. "As if Naman Boss Ben na hindi mo alam na walang kinatatakutan yang si Boss." Sabi naman ni Red na natatawa na Lang. "Talaga wala akong pakialam sa kanila basta ba wag lang Silang nangaagrabyado ng kapwa dahil AkoaAng makakaharap nila sa korte." Sabi ko sa kanila at humiwalay na kay Uncle Ben. "kapag nalaman nila na sa likod Ng matapang na aura na yan ay may nakatagong ka sweetan, haay." Sabi ni Uncle, nagtawanan Sila. "Hindi pa yun Boss Ben magugulat din sila kapag nalaman nila na Ang matapang at kinatatakutan nila ay may malaking puso kaso isip bata kung minsan" Sabi ni Red kaya binato ko siya Ng repolyo nasa tabi ko nagtawanan ang lahat na nasa kusina. Napailing na lang sa amin ang Uncle ko dahil totoo yun mas matured sa akin si Red. saktong nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ko ng nagmamadaling lumapit sa akin ang tauhan ko. "Boss may nagrereklamo na costumer sa labas, gusto daw po kayong makausap" Sabi nito na nakayuko, inis akong lumingon sa kanya. Ayaw na ayaw ko ang iniistorbo ako pag may ginagawa ako. "Bakit kailangan pang puntahan mo ako nandun naman si Red ah, simpleng problema hindi niyo kayang harapin kailangan pang tawagin ako ha.!" singhal ko dito, narinig kami ni Uncle na napadaan sa kusina. "Ano bang problema Roa at sumisigaw ka na naman diyan?" Tanong nito sa akin. "Eto kasing mga to, konting problema kailangan pang tawagin ako." Inis kong binalikan ang niluluto ko. "Ano bang problema sa labas?" Mahinahong tanong ni uncle dito. "Kasi po Boss Ben, may nagrereklamo sa labas marumi daw po ang pagkain at walang lasa hinahanap ang may ari ng restaurant" Sabi nito napalingon ako sa kanya ng marinig ang sinabi niya, ang ayaw ko sa lahat ang sisiraan ang negosyo ko. "Sino ba yan? Halika samahan mo ako sa herodes na yan, ang lakas ng loob niyang siraan ang negosyo ko" Sabi ko sa kanya.at lumabas ng kusina. Saka nagderetso sa loob ng restaurant. Nakita ko ang isang lalake na galit na galit habang kausap si Red, pinapakalma naman ito ni Red. "Anong problema dito?" Tanong ko ng makalapit ako,. Lumingon ang lalake sa akin. Nakilala ko ang lalake, isa itong sikat na blogger at minsan ng lumapit sa akin para hawakan ang kaso niya. Kesyo napagbintangan daw siyang nangmulestiya ng studyante, pero ng imbistigahan ko ang kaso nalaman ko na totoo ang kinakaso sa kanya at marami pa akong nalaman na kalokohan niya. "Asan ang amo niyo gusto ko siyang makausap, kasi marumi ang pagkain dito. May nakita akong uod at walang lasa ang pagkain, sino ba ang cook niyo dito?" Galit na galit na sabi nito. Napatingin ako sa mga tao sa paligid naka tingin sila sa amin. Hinawakan ako sa balikat ni Red, senyales na pinakakalma ako, huminga ako ng malalim. "Kilala kita ikaw ang sikat na blogger na si Butch Del Rosario." Sabi ko dito. Mas lalong nagyabang ito dahil sinabi ko kung sino siya. "Buti naman kilala mo ako" Sabi nito. "Kilalang kilala pero ako nakikilala mo, hindi di ba, lalo na ang may ari nito. Ngayun magpapakilala ako sayo, ako si An Roa Sanchez isang Prosecutor at part time cooked dito sa restaurant na to" Sabi ko sa kanya. Nakita ko na nanlaki ang mata nito ng marinig ang pangalan ko. "Ngayun tatanungin kita, ano nga uli ang nirereklamo mo. mapapatunayan mo ba yan sa korte. Dahil kung hindi, wag kang mag iskandalo dito at mas lalo ng wag kang gumawa ng kwento dahil lang sikat ka dahil siguradong malalaman ng lahat ang itinatagong lihim mo. Ang gusto pa naman ng mga paparatsi ay ang mga katulad mong sikat, ano gusto mo bang subukan." Sabi ko dito, naumid ang dila nito saka nagmamadaling umalis,natawa si Red. "Kinakausap ko siya ng mahinahon ayaw niya gusto niya si Boss pa ang kausap niya." Sabi ni Red na natatawa, na tawa din ang mga waiter na tauhan ko. Inis na bumalik na ako sa kusina,hindi lang isang beses nangyari ang ganito sa Resto bar ko. Nakakainis ang mga taong walang magawa kundi manira ng kapwa nila. SUMAPIT ang kaarawan ko ginanap namin ito sa malaking Resto bar ko sa makati, umattend lahat ng kasapi sa grupo ko na nasa kamaynilaan. Pero yung mga nasa malayo hindi lahat nakarating, yung iba nagpadala lang ng regalo at tumawag lang sa akin para bumati. Naging masaya ang gabi sarado ang Bar dahil nakalaan lang ito sa kaarawan ko. Bumabaha ang pagkain at inumin, madaling araw na nang magpaalam ako sa kanila. "Boss hindi ka ba talaga magpapahatid?" Sabi ni Red, nilingun ko siya kahit medyo nahihilo na ako. "Ulol!para kang aso na nagaalala na walang magaasikaso..umayos ka nga, kaya ko to noh...ako pa" Sabi ko, saka tumawa. Sabay labas na sa bar, napakamot na lang si Red ng batok saka umiiling na bumalik sa loob. Nung nasa kalagitnaan na ako ng highway naramdaman kong hindi gumagana ang break ng sasakyan ko. Ooops!!" Sabi ko ng muntik na akong masagi ng truck, saka ko kinabig pakaliwa ang manebela at tinapakan ang preno para bumagal ang takbo ng sasakyan. Pero nagulat ako dahil hindi talaga gumagana ang break. "teka lasing na yata ako wala na akong lakas..pati break hindi ko na kayang tapakan." Sabi ko sabay tawa, tinapakan ko ng ubos lakas ang break pero hindi parin ito gumana ng makita ko na malapit na ako sa trapick ligth tinapakan ko ulit ang break, pero hindi talaga ito gumagana. Ng makarating ako sa kanto, napamura ako ng makita ko na may masasalobong akong ten willer truck. Fuck!!" Mura ko, sabay kabig ng manibela sa kabila dahil sa pagkabig ko umekis ang sasakyan ko saka ito bumanga sa isang poste, nakita ko pa na bumaba ang mga sakay ng mga sasakyan na kasabayan ko papunta sila sa akin. Nakikita ko na nagsasalita sila pero wala akong maintindihan. Naramdaman ko na may tumutulo sa ulo ko pumatak ito sa kamay ko na nasa manibela, tiningnan ko ito nakita ko na dugo. Magsasalita sana ako para humingi ng tulong kaso unti unting nagdidilim ang lahat sa akin, hangang hinatak na ako ng kadiliman

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.5K
bc

His Obsession

read
87.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook