"Ano? Sabihin mo! Anong ibig sabihin niyang mga pictures?!" Ang lakas niyang sumigaw at naiitimidate na ako sa kanya. Nakatayo na siya habang mahigpit niyang diniinan ang braso ko. Naiinis na naman ako sa pinapakita niyang ugali. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako!" Daing ko habang nagpupumiglas sa kanya. Kaso wala, lalo niyang hinigpitan. Napansin kong lumalim at umitim pa ang eyebags niya. Pero hindi nabawasan ang pagiging maamo ng mukha niya. "Damn! Just tell me! What does that mean?!" Mahina niyang sabi na parang susuko na. "Pwede ba, Caden. Wala kang pakialam sa akin, ha? Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko! Wala ka ng karapatan. " Lalong nagsumabog ang emosyon sa mga mata niya. "I care. I f*****g care. I do, Jorey!" Sigaw niya sa akin. May kumatok sa pinto at nari