Pinatakbo ko na ang sasakyan katulad ng pamamaraan ko. Katulad lang ng dating ako. Wala pa sa kalahati at dikit ang laban namin ni East. I saw him gripping so hard on his steering wheel hindi ko mabasa ang ekspresyon niya then suddenly.. Napapreno ako nang biglang may puting sasakyan ang humarang sa mabilis na pagpapatakbo namin. Nagpausok pa ito at nagdrift dahilan para mahinto ang pagpapatakbo ko nang kotse. Sumubsob naman ang gwapong mukha ni Caden sa harap. Kanina pa siya tahimik at natrauma under my control. Napansin ko ring natahimik ang mga tumaya at nagccheer sa amin. Bumaba ako ng maangas sa sasakyan at pabalibag kong sinara ito. Nabwisit sa driver ng sasakyan humarang sa amin. Nakita ko ring bumaba si East sa sasakyan niya at nakita kong nakikiusyoso ang mga manonood. Lumapit r