Nakakatakot si South. Parang hindi siya yung taong kilala ko. Hindi ito yung nakilala kong kaibigan ko. Pero nakakahanga rin siya. Ang angas ng dating niya. Napatungo nalang ako ng hinila na niya ako paalis sa kumpol ng mga tao. Mga taong nang-api sa akin na nahihiya na ngayon sa balat nila. Napangiti ako. "Salamat, South." Pabulong kong sabi. Nasa may labas na kami ng campus at medyo lumuwag na ang mahigpit niyang kapit sa akin. "Look. I didn't mean to scare you a while ago. I was just... Just mad for their childish acts, throwing a lame egg on you. Hindi tama iyon. Bullying was never a right thing." Namumulang niyang sabi habang palingon lingon. Nakita ko naman na nakahabol na si East at West. Hingal na hingal. At ngayon ay kasama na si North. Kakagaling lang atang klase. "Okay ka