BATA pa lamang si Kristine pangarap niya ang maging isang magaling na chef. Magaling siyang magluto; kahit simpleng putahe lang kaya niyang maging masarap ito. Simple lang ang buhay ni Kristine lumaki lamang siya sa isang baryo na punong-puno ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Pinangako niya sa sariling oras na maabot ang pangarap niya babalikan niya para tulungan ang lahat ng mga taong sumusuporta siya.
Si Gino Sebastian isang CEO at magaling na chef sa iba't ibang restaurant na pagmamay-ari nito sa kalakhang Manila. Layunin niya ang tumulong sa mga taong may malaking pangarap na abutin ang lahat nang naabot niya. Isa na si Kristine Fernandez dito ang simpleng dalagang nangangarap na maabot ang kung ano ang mayroon siya. Tinulungan niya ito. Wala siyang sinayang na sandali para sa pangarap na hangad nito. Tinupad niya ang pangarap ni Kristine lalo na ang makilala ito sa larangang pinapangarap nito. Ang hindi niya alam na may iba pa palang pangarap ang dalaga walang iba kundi siya.
Makakaya niya bang tuparin ang pangarap ng babae sa kabila ng pagiging engage niya sa long time girlfriend niyang si Coleen? Paano niya maiiwasan si Kristine kung tuluyang nahulog ang loob niya rito. Gaya ng mga niluluto niya kumpleto rekados na ito.