Lou's POV Awkward. Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay ‘yan agad ang naisip ko. Sht ang tanga ko! Bakit ako nagtapat?! Napasabunot na lang ako sa buhok sa sobrang frustration. Paano ko na ngayon s’ya haharapin?! Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Hindi pa man ako nakakalapit ay amoy ko na ang bango na nanggagaling doon kung kaya't dahan-dahan akong sumilip doon. And there I saw him... "Oh Lou! Good morning! Nag-cook na ako. Tara, kain na tayo." sabi niya habang naghahain na sa lamesa. Tiningnan ko iyong mga niluto n’ya. Sinangag Itlog Hotdog Tocino Bacon Corned Beef Cofeee Mukhang masarap, kumukulo na tuloy sikmura ko. Pero parang may mali... "Bakit ang dami yata nito, Trey? Mauub