Ginamit ni Marcus ang kaniyang connection. Matapos masigurong safe ang mag-ina sa pinagdalhan niyang lugar ay binayaran din niya ang mga nurse at ibang doctor para manatiling sikreto ang lahat. Malakas ang kaniyang pakiramdam na hindi mabuti ang kalagayan ng babaeng tinutulungan niya sa asawa nito. Ayon sa cctv na ipinadala ng kaniyang tauhan ay nahuli nito ang asawa na may ibang babae sa loob pa mismo ng pag aari niyang apartment building. Kung saan din nahuli nito na may babae ang asawa na naging sanhi ng pagbi-bleeding nito. Matapos makapag bilin sa dalawang babae na magiging kasama ng mag-ina ay plano na niya sanang umalis ng mag ring ang kaniyang cell phone.
"Yes, Hello?”
"Sir, pinaghahanap na ng mga Montemayor ang mag-ina. At kagagaling lang nila ng hospital,” nagmamadaling sambit nang kausap niya sa telepono.
"Siguraduhin mong mananatiling sikreto at walang magsasalita sa mga staff ng hospital,” paalala ni Marcus sa kausap.
"Yes boss, ako na ang bahala dito at babalitaan na lang kita,” tugon nito.
"Good,” sabay cut ng linya.
Nilingon ni Marcus ang tulog na babae. Ang sabi ng doctor nito ay anytime magigising na ito. At ang baby ay nagsimula na sa pag iyak.
Marcus is the grandson of the rich Ortega family. Naririto siya sa Pilipinas para sa kagustuhan ng namayapa niyang lolo sa side ng kaniyang ama. Hindi masyadong malinaw ang mga sinabi ng abuelo bago ito namatay. Basta ang alam lang niya ay may kapatid siya sa Pilipinas. Ayon sa kaniyang lolo ay na buntis lang ng kaniyang ama ang magandang modelo na isang Filipina. At ng ipinanganak siya ay pinalabas na namatay sa oras na iniluwal ng kaniyang ina. Itinago siya ng ama at dinala sa Europe, dahil nag iisa siyang lalaki sa angkan ng kaniyang ama. Nong mamatay ang ama ay saka lang ipinagtapat nang kaniyang lolo ang lahat. Three years ago ay nalaman niyang sa squatter area lumaki ang kaniyang kaisa-isang kapatid. At noong puntahan niya ito ay wala na. Ang sabi ay may lalaki daw na sumundo dito dahil buntis pala iyon.
Magmula ng araw na iyon ay hindi na niya nalaman kung saan nakatira ang kapatid pero hindi siya tumigil sa paghahanap. Until one day, may babaeng buntis siyang nakita na nakahandusay sa loob ng elevator na aga naman niyang tinulungan.
Malakas ang pakiramdam niya na may connection sila nito noong mabuhat niya ang buntis na babae. Nakaramdam siya nang lukso nang dugo nang magdikit ang kanilang balat, kaya naman agad na nag request siya nang DNA test sa pagbabakasakali na ito ang kaniyang hinahanap na kapatid.
Noong lumabas na ang DNA result, laking gulat ni Marcus nang napatunayan niyang ito na nga ang matagal na niyang hinahanap. Sisiguradohin niyang ilalayo ang mag ina sa asawa nito at sa buong Montemayor. Wala siyang pakialam kung ano ang kahinatnan ng lahat. Basta masiguro na ligtas at maging maayos ang mag-ina.
“Ugh…” bumalik siya sa realidad nang marinig ang daing nito. Lalo na ng lumakas na ang ungol na tila nahihirapan. Kaya mabilis na lumapit siya at inalalayan maka upo. Nilagyan pa niya ng unan ang bandang likuran nito para maging komportable sa pagkaka sandal sa headboard ng kama.
"W-who are you? Nasaan ako, a-ang anak ko?”
"Shhh… relax Miss, narito ka sa bahay bakasyunan ko sa mansion. And don't worry wala nang makakapakit sa inyo dito.”
Nagugulohan man si Gianne ay nanahimik na lang siya. Sa ngayon ay kailangan niya ng shelter para sa kanilang mag-ina.
"S-salamat ho, p-pero bakit ako naririto? S-sa inyo ba bahay na ito at s-sino ho kayo?” may pag alaalang tanong niya sa matangkad na lalaki.
"Sa ngayon hindi ko pa masasabi sayo, pero please wait kahit five days lang. May gusto lang akong masigurado at saka ko sasabihin sayo ang lahat. Basta sa ngayon ang masasabi ko lang ay safe kayong mag-ina dito.”
"Maraming salamat Mister”
"Marcus, ang pangalan ko, sige maiwan na muna kita. Kung may mga kailangan ka ay sabihin mo lang sa mga kamasa mo dito.”
“Salamat.”
Wala na ang lalaki ng marinig niya ang pag iyak ng anak. At kahit nahihirapan ay pinilit na tumayo. Maingat ang bawat galaw niya habang yumuyuko para kunin ang anak na nasa loob ng crib.
"Ma'am, kami na ho ang bahala sa bata, hindi ka pa magaling. Baka po mabinat ka at bawal ka pa pong magbuhat.”
"S-salamat.” tipid na sagot niya sa may isang babae.
Nakamasid lang siya sa ginagawa ng babae. Napangiti siya nang makita na malakas dumede ang anak sa baby bottle nito.
"Ma'am gusto ninyo po bang mag bath? Naririto ho ako para may umalalay sayo.
"S-sige salamat.”
“Neneng ho ang pangalan ko.” nakangiting ito sa kaniya.
Habang naliligo ay nagtanong siya tungkol sa lalaking amo ng mga ito.
"Yes mabait ho talaga si boss, sa pagkakaalam namin naririto siya sa Pilipinas dahil sa nawawalang kapatid. Saka sabi ni Sir, ay gusto daw niya dito ang climate kumpara sa doon sa lugar niya. Kaya nagtayo siya ng mga negosyo dito sa bansa batin.”
"G-ganon ba?”
“Yes po, Ma’am.”
Samantala sa mansion Montemayor, ay walang ginawa si JM, kundi ang umuwing lasing. Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang kaniyang asawa. At ang nakakapag pasakit ng kaniyang loob ay kung sino ang lalaking may buhat sa asawa niya. Hindi man lang niya namukhaan iyon dahil mabilis na nakasakay sa ambulance. Ang mga cctv sa hospital na pinag dalhan sa asawa ay kita niya ang lalaki. Ngunit halos lahat ng kuha ay nakatalikod ang lalaking iyon. Lalo nag-init ang kaniyang ulo ng maalala ang taong siyang may-ari ng building. Napaisip siya kung bakit ayaw ipakita sa kaniya ang cctv potage doon, at hintayin daw niya itong makabalik roon. The next day ay hindi na niya namamalayan na hapon na pala. At ang lahat ng papeles na dapat niyang pirmahan ay dapat na matapos na niya agad. Kahit gusto ng magalit ni JM, sa kuya niyang si Charles, dahil hindi pa rin ito umalis ng mansyon. At doon pa talaga nag stay sa kanilang bahay. Sa pagkakaalam niya ay semi-mansion ang bahay ng mga iyon. Pero mas gusto pang naririto sa mansion ng mga magulang nila. Hindi tuloy maiwasang magkita sila ni Yza.
“s**t!” Lihim siyang napapamura dahil parang nanadya na ipakita sa kaniya ang pagsasama ng dalawa.
Sumandal at nag iisip kung paano maiiwasan ang hipag niya na dati niyang asawa. Siguro dapat doon na muna siya sa penthouse tumira. Mas makakabuti sa kaniya na tuluyang hindi na niya ito makita pa.
“Pare, alak na naman ba? Baka sa susunod at sa ospital na ang bagsak mo niya?”
“Shut up! Ang mabuti pa ay samahan mo akong uminom! Huwag mo akong sermonan, okay?”
At sa araw araw ay alak ang kasama niya dahil hanggang ngayon ay walang makakapagsabi kung nasaan ang kaniyang asawa. Subalit wala naman siyang magawa. Kahit umiyak man siya sa pagsisisi ay hindi na iyon maibabalik pa. Halos mag-isang buwan na mula ng mangyari ang lahat. Lasing na lasing na siya nang marinig ng malakas na doorbell, pasuray suray na binuksan ang pintuan.
"W-wife!” hindi niya inaasahan na naroon ang kaniyang asawa.
Pumasok si Gianne, na parang wala lang nakikita at tumuloy sa mahabang sofa habang nakasunod naman si JM.
"Naririto ako para tapusin na ang ating relasyon. Ipauubaya na kita sa babaeng mahal mo. At mula ngayon ay kalimutan muna ako.” mabilis na tumalikod ng mapahinto sa narinig.
"Tandaan mo ito, once na umalis ka ay hinding hindi ka na makakabalik pa sa buhay ko!” matigas na pananalita niya sa asawang nakatalikod. Ang akala niya ay babalik ito sa upuan ngunit mabilis na tinungo ang pintuan. At nagmamadali nitong hinila iyon.
Samantala ay pigil na pigil ni Gianne ang mapahagulhol ng iyak. Hindi dapat makita ni JM, na umiiyak at nasasaktan siya. "Goodbye JM, gagawin ko ito para maging maligaya ka at tuluyang maging masaya. "I- i love you and goodbye.” pabulong niyang sambit, ngunit ang hindi niya alam ay malinaw iyong narinig ng asawa.
AUTHOR NOTE:
LIBRO NA PO ITO KAYA INALIS NA PO DITO. KUNG GUSTO NINYO MAKA-AVAIL AY PAKI MESSAGES PO AKO. ?
FB: Stary Ladyindesert
PAGE: Author Ladyindesert
SALAMAT.
LADYINDESERT