NOTE: Sa mga gutong maka avail kay JM, paki mssgs ako sa msgr: Norvie Vargas (Profile : LADYINDESERT)
“NO! Hindi ako makapapayag, Dad, Mom, sa gusto ninyong mangyari! Mahal ko si Yza at mahal ko ang mga bata. Isa pa, hindi ba kayo naaawa kay Yza? Napaka-unfair sa part niya ang gusto ninyo!” Napatayo si JM sa pagkakaupo nang dahil sa galit.
“Anak, kaya ka namin pinapunta dito dahil alam naming maiintindihan mo ang sitwasyon ng kapatid mo. Pakiusap, anak, kami na ang nagmamakaawa sa ’yo para sa kuya mo. Sa kalagayan niya ngayon, tanging si Yza at ang mga bata lang ang kailangan niya para mabuhay uli. Ilang beses na kaming kinausap ng mga doktor. Matagal na pala ang depression ng kuya mo. Kaya hindi siya nagigising ay dahil gusto na niyang kalimutan ang masasakit na alaala sa kanyang buhay.”
Natigagal si JM nang lumuhod sa harapan niya ang sariling ina habang umiiyak.
“Mommy, please, tumayo ka diyan. Mom, h’wag mong gawin sa akin ito, pakiusap po.”
“Anak, please, ikaw ang malakas ngayon, ikaw ang nakakaunawa. Alam naming mahal mo si Yza, gano’n din ang mga bata; pero kapatid mo si Charles, karugtong mo siya. H-Hindi ko kaya na tuluyang mawala ang kuya mo.” Napahagulgol na si Trisha, pati ang amang si Dave ay hindi na napigilang tumulo ang luha, gano’n din ang dalawa niyang kapatid.
Unti-unting nawalan ng lakas ang mga tuhod ni JM. Hindi niya kayang makita ang mga magulang na umiiyak, lalo na ang kanyang mahal na ina na nagawa pang lumuhod sa kanya para sa buhay ng kuya niya.
“Mommy.” Sabay hila sa magkabilang braso ng ina at itinayo ito saka mahigpit na niyakap.
“P-Payag na po ako,” garalgal ang boses na pahayag niya.
“Puntahan ko po muna si Kuya. Gusto ko siyang makita at makausap kahit tulog siya. Siguro maririnig naman niya ako.”
“Salamat, anak.” Sabay tango ng mga magulang niya.
Mahigpit na niyakap nina Chariz at Tristan si JM. “Salamat, Kuya.”
Parang natutulog lang si Charles at naibalik na ang nasira nitong balat sa pamamagitan ng plastic surgery. Pero dahil sa maraming tubo ang nakakabit dito ay malalaman mong talagang malubha ang sinapit nitong aksidente. Lumapit si JM sa kanya saka tumungo at idinikit ang labi sa tainga ng kapatid.
“Kuya, please wake up. Mahal na mahal ka namin. Ang daming naghihintay sa pagbalik mo, kaya gumising ka na. Sina Mommy, Daddy, Chariz, Tristan, ako, at ang pinakamamahal mong si Yzabell pati na ang mga anak ninyo, kaya dapat magising ka na.”
Hindi na namalayan ni JM na nakayakap na siya sa kuya niya habang umiiyak.
“I’ll let her go. Ibabalik ko na siya sa ’yo pati na ang mga anak mo. Kahit masakit, sa pangalawang pagkakataon, magpapaubaya uli ako para sa ’yo. Mahal kita, Kuya, mahal na mahal, dahil kapatid kita at iisa tayo. Naalala mo ba noong maliliit pa tayo? Nangako tayo sa isa’t isa na kahit ano’ng mangyari, walang makakasira sa pagiging magkapatid natin. Kung sino ang nakakaunawa o kayang magpaubaya para sa mga mahal natin, kahit mahirap, para sa ikabubuti ng lahat ay kailangang may magsakripisyo, at ako iyon, Kuya. Handa akong magparaya mabuhay ka lang, kaya mangako ka sa akin na gigising ka. Aalagaan mo ang mga anak natin at mamahalin mo ang babaeng mahal natin.
“'Kuya, hindi na ako magtatagal, kailangan ko nang bumalik ng Pilipinas. Alam mo naman na ako ang umako ng dapat ay sa ’yo. Promise, one of these day, darating dito ang pinakahihintay mo. Kaya mag-ready ka na dahil marami kang ipapaliwanag sa kanila, lalo na sa apat na makukulit na iyon.”
Hindi mapigilan ni JM na mapaiyak uli. Ang sakit-sakit sa parte niya ang pagpapaubayang gagawin para sa kapatid. Ngunit kailangan niya itong gawin. Agad niyang tinuyo ang mukha at hinaplos ang ulo ng kapatid saka maingat na tumungo at hinalikan ito sa noo.
***
KINAGABIHAN ay lumipad patungong Europe si JM para kausapin si Yza. Habang papalapit siya sa asawa ay pasakit nang pasakit ang kanyang nararamdaman. Ang hiling lang sana niya ay pumayag ito sa gagawin niyang pakikipaghiwalay rito. Hanggang ngayon ay hindi alam ni Yza ang nangyari sa kanyang Kuya Charles. Inilihim ito ng buong pamilya sa kanya. Gulong-gulo ang isipan ni JM kung ano’ng puwedeng maging reaksiyon ni Yza sa gagawin niya.
“S-Sir, we’re here.” Napabalikwas ng bangon si JM, pumasok sa banyo saka naghilamos. Agad niyang binitbit ang kanyang traveling bag saka nagmamadaling lumabas ng plane. Isang company car ang naghihintay sa kanya dahil hindi naman siya nagpasabi sa asawa na darating siya. Madaling-araw pa lang kaya sigurado si JM na tulog pa ang asawa. Halos trenta minutos ang biyahe bago narating ang bahay nila. May sariling card key si JM kaya dere-deretso siyang nakapasok sa loob ng bahay. Matapos maibaba ang dala-dala ay agad siyang dumeretso sa kanilang bedroom. Hindi napigilan ni JM ang pananabik sa asawa kaya agad niya itong niyakap at hinalikan. Naalimpungatan naman si Yza.
“I missed you so much, baby ko.” Mahigpit ang yakap ni JM.
“T-Teka, hindi ako makahinga,” reklamo ni Yza kaya agad niluwagan ni JM ang pagkakayakap sa kanya.
“What time is it?”
“Three in the morning.”
“Gano’n kaaga? At bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating, ha?” nakangusong tanong ni Yza.
“Galing ako ng US, wifey ko.”
“Ha? Sino’ng pinuntahan mo doon? At bakit hindi ko alam ’yon?”
“Sshh. Mamaya na ako magpapaliwanag sa ’yo. Come, gusto kitang makasama.” Magkayakap lang silang nahiga sa kama. Naninibago si Yza sa asawa dahil hindi nakatitiis si JM na hindi siya angkinin, lalo na ngayon na matagal silang hindi nagkita. “What’s wrong, JM?” Naramdaman ni Yza ang halik ni JM sa ulo niya at ang higpit ng yakap nito sa kanyang katawan. Ramdam ni Yza na may gusto itong sabihin. Umayos siya ng pagkakasandal sa balikat nito at iniyakap ang isang braso sa baywang ni JM.
“Now tell me, ano’ng sadya mo na napakaimportante at umuwi ka sa ganitong oras?”
“I need you to go there, my wife. Then saka ko sasabihin sa ’yo kung ano ang reason.”
“Saan ako pupunta?”
“You need to go to US. Isama mo ang mga bata, may naghihintay sa inyo doon.” Napabangon si Yza.
“What is it? Anong drama ’yan, Jayden?!”
Alam ni JM na galit na ang asawa basta binanggit na nito ang pangalan niyang iyon. “I’m not joking, baby. Kailangan mong pumunta doon as soon as possible.”
Isang tawag ang natanggap ni Yza sa mommy ni JM kaya agad niyang sinagot iyon. “Hi, mom. How are you?”
“I’m fine, hija. Did you talk to JM?”
“Yeah, at hindi ko po siya maintindihan.”
“Please, hija, sundin mo na lang ang sinasabi niya. Napakaimportante n’on, hija.”
“S-Sige po. See you.” Habang pinagmamasdan ni JM ang asawa ay gusto na niyang bumigay. Sobrang sakit ang nararamdaman niya. Parang unti-unting tinutusok ang puso niya. Alam niyang ito na ang huling araw na magkakasama sila ni Yza. Parang hindi niya kaya pero umaasa ang kapatid niya at ang mga magulang nila sa kanya.
Mabilis na tumalikod si JM nang mag-unahang pumatak ang luha niya. Agad siyang dumeretso sa banyo at binuksan ang gripo roon saka hinayaan ang sariling mapahagulgol ng iyak. Lalaki siya pero hindi niya kayang dalhin ang ganito kasakit na damdamin.
Halos twenty minutes siya sa loob ng banyo bago siya lumabas. Naabutan niya ang asawa na nag-iimpake ng gamit.
“Do you need help?”
“N-No, it’s okay, konti lang naman ito. Siguro hindi naman ako magtatagal doon.” Naupo na lang si JM sa gilid ng kama at pinagmasdan ang bawat galaw nito. Ngayon pa lang, miss na miss na agad niya ang asawa.
Kailangan ngayon pa lang ay pilitin niyang tanggapin na hindi sila para sa isa’t isa para hindi siya lalong masaktan. Ngunit kahit ano’ng pilit niya ay parang lalo siyang nasasaktan. Gustong-gusto na niya itong yakapin at angkinin, subalit nangako na siya sa kuya niya kaya hindi na niya dapat pang pakialaman ito. Mula nang pumayag siya sa mga magulang ay inalis na niya ang karapatan kay Yza at pinalaya na niya ito. Ang araw na nagpaubaya siya para lang mabuhay ang pinakamamahal niyang kuya ay ang araw na punong-puno siya ng pait at sakit.
‘I love her so much, but I need to let her go for my brother’s sake.’
Tumulo na naman ang luha niya na hindi niya napigil sa pagpatak. Kagaya ng pagkawala ng babaeng pinakamamahal, hindi niya kayang kontrolin ang sakit na patuloy lumalason sa buong katauhan niya.
Tumayo siyang nagsisikip na naman ang dibdib na para siyang hinihiwa unti-unti. Ang akala niya ay kanya na si Yza nang iwan ito ng kuya niya. Kaya noong tanggapin nito ang proposal niya ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang puso. Pinakasalan at inako niya ang pagiging ama sa apat na anak nito. Ilang taon silang naging maligaya sa piling ng isa’t isa. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan niyang magparaya para sa taong karugtong ng buhay niya—ang kanyang Kuya Charles