MAG-ISANG NAKAUPO si Kellis sa isang bench na may mesa habang nagbabasa ng libro. May isa pa syang oras para sa susunod na klasi. Wala syang magawa kaya nagbasa-basa muna sya ng libro para sa susunod nyang klasi. Napatigil sya sa pagbabasa ng mapansin ang presensya ng binata. Agad syang napaangat at napangiti ng makita si Mazer. Mazer smiled back at her. "Wala kang pasok?" Tanong nya dito. "Later." Napatango sya saka ibinalik ang tingin sa librong hawak. Napatigil na naman sya ng harangin ng kamay ni Mazer ang binabasa nya. Napataas-kilay sya. "What?" Mas napataas kilay sya ng may ipinakita itong papel na may nakasulat na 'Lunch?' Napailing sya. "Ang corny." Ngumuso si Mazer. "Ang tagal kong nag-isip kung paano kita aayain na mag-lunch, tapos sasabihin mo lang na ang corny ko. That w