Chapter 1-Logan Treveno

1689 Words
Aurelia Hinila ko ang kumot hanggang aking ulo. Nakabusangot akong pumikit ulit at tumagilid nang higa. Nakakaasar talaga itong Ate ko. Sa tuwing umagang nagigising ay laging padabog ang mga kilos niya na para bang may asong humahabol sa kaniya. Iisa lang ang kuwarto naming dalawa dahil itong apartment na tinitirahan namin ay dalawang kuwarto lang at sa mga magulang namin ang kabilang kuwarto. “Ate puwede bang hinaan mo iyang ginagawa mo?” utos ko sa kaniya. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Hinila niya ang kumot mula sa akin at sinigawan ako. “Gumising kana nga diyan!” “Maaga pa naman, ang aga-aga mong bumangon.” Kinusot ko ang mata pero hindi pa rin ako bumabangon. “Anong maaga! Alas sais na ng umaga Au,” sabi niya. Napadilat ako nang tuluyan at bumangon nang may pagmamadali. Oh god! Mali-late na naman ako sa flag ceremony at masesermunan na naman ako ng masungit naming principal. Hindi ko pinansin ang ate ko. Kumaripas ako ng takbo sa loob ng banyo at naligo nang madalian. Madali ang mga kilos ko. Para akong sundalo kong magbihis at magligpit sa loob ng aming kuwarto. Lagi kasing binibilin ni Mama na bago kami lumabas ng kuwarto namin ay naka-tidy na ang mga higaan namin. Tiniklop ko ang kumot at inayos ang unan ko. Hindi na rin ako nag-abala na manalamin. Habang naglalakad ako palabas ng kuwarto ay isinasabay ko na rin ang pagsusuklay ko ng buhok. Nang nasa haba na akong ng pinto papasok sa kusina ay ibinulsa ko ang aking suklay sa loob ng sling bag ko. “Good morning everyone.” Masaya kong bati sa kanila. Magkasalubong ang mga kilay ni Ate nang lumingon sa akin. Anong problema nito? Kaaga-aga e, nagsusungit o baka may regla lang. Lumapit ako kay Papa at humalik sa pisngi niya, gano’n din ang ginawa ko kay Mama. “Sige na kumain na tayo at para maisabay na kayo ng Papa ni'yo papasok sa school.” Sinandukan ni Mama ang plato ko ng fried rice at sausage. “Thank you po, Mama.” Nakangiti kong pasalamat sa mabait kong Nanay. Nagtatarbaho si Mama online. Nagtitinda siya ng beauty cosmetics habang si Papa naman ay nagtatarbaho sa Treveno’s corporation bilang isang manager ng marketing department. Simple lang ang buhay na kinalakihan ko, hindi marangya ngunit hindi rin lubog. Sa Freshman ako nag-aaral dahil graduating pa lang ako. Si Ate Aurora naman ay sa UP university. Third year collage na siya at business ang kinuhang kurso. Gusto niya ang katulad ng trabaho ni Papa. Samantalang ako ay wala pa akong plano kung anong kurso ang kukunin ko pagka-graduate ko. Ang sabi ni Kuya Logan sa akin ay nursing na lang daw ang kunin kong kurso at ipapasok niya ako sa scholarship. Natuwa ako ng sabihin niya iyon sa akin. Si kuya Logan ay bunsong anak ng milyonaryong kaibigan ni Papa, na si Tito Connor Treveno. Nakikala ko siya noong bata pa ako. Madalas akong isama ni Papa sa bahay nila hanggang sa makasanayan kong lagi na akong pumupunta doon. Ang bait kasi ng Mama niya, si Tita Laila. She is closed to me. At ang lola Elena naman nila ay gustong-gusto rin ako. Kaya ayon, si Ate laging nakabusangot kasi hindi siya close sa kanila at hindi rin siya sinasama ni Papa doon sa mansyon. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami kay Mama para pumasok na sa eskuwela. Nauna akong ihatid ni Papa sa Freshman school. “Ingat po kayo papa sa pagmamaneho. I love you po.” Mahigpit ko siyang niyakap kahit nasa driving set ito at nasa backseat ako. “Ikaw din anak, mag-iingat ka ha, study hard po bunso.” Tuluyan na akong bumaba at kinawayan ko pa sila habang papalayo ang sasakyan nila sa akin. Hindi buo ang araw ko dahil absent sa klasi ang magaling kong kaibigan. Siguro ay naglalandi na naman iyon sa isinusulat niyang pocket book. Matalik kong kaibigan si Brill simula mga bata pa kami. She dream to became a writer someday, kaya mas pinag-iigihan niya ang magsulat kaysa mag-aral. Pagkatapos ng klasi ko ay tinawagan ko si Papa na huwag na akong daanan dahil sasakay na lang ako ng trycle pauwi ng bahay. Pumara ako ng trycle pero hindi ako umuwi ng bahay namin kung ‘di dumeretso ako sa bahay nila kuya Logan. Malapit lang kasi sila sa bahay namin. Dalawang kanto lang ang lalakarin, mga limang minuto ay mararating ko na ang bahay namin simula sa kanila. Pagkababa ko sa tapat ng mansyon nila ay agad akong nag-door bell sa gate. Pinagbukasan naman ako ng driver nila, si kuya Joel. “Magandang hapon po, Kuya.” Magalang kong bati sa kaniya. “Magandang hapon iha. Tuloy ka sa loob.” Niluwangan niya ang gate at pinaunlakan akong papasukin sa loob. Nagpasalamat ako sa kaniya at tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. Bukas ang main door kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko sa sala ay tahimik masyado. May tao kaya dito? Sana andito si Kuya Logan, namimiss ko talaga siya. I giggled that thought, kong ano-anong pumapasok sa naughty mind ko. “Tao po,” sabi ko. Ngunit wala akong naririnig na ingay. Dumeretso ako sa kusina. At dito ko naabutan si Tita Laila na abala sa pagluluto. Kaya pala hindi ako naririnig ay dahil nakasuot ito ng headphones at sumasayaw pa sa harapan ng kalan habang hawak ang sandok at mabining hinahalo ang kaniyang niluluto. Napangiti ako at nilapitan siya. Nang hindi ako naramdaman ay dahan-dahan kong inalis sa tainga niya ang suot niyang headphones. Nagulat pa itong napalingon sa akin. “Oh my god!” sabi niya, “ikaw talagang bata ka.” Ngumiti ako sa kaniya sabay abot sa kamay niya at nagmano ako doon. “Tita naman e, hindi na po ako bata. 17 na po ako. Dalagang-dalaga na po ako, kaya huwag mo na akong tawaging bata.” Pinaliitan niya ako ng mga mata. “Under age kapa rin. Hindi kapa puwedeng mag-asawa.” Namula ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya. Umungot ako sa kaniya. “Tita!” Tumawa siya nang mahina. Ang lamiyos ng boses ni Tita Laila at sobrang ganda niya. She is beautiful like my mother. “Nagpaalam ka ba sa bahay ninyo bago ka pumunta dito?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya. “Hindi po.” “Naku! ‘Di ba lagi kong bilin sa iyo na magpapaalam ka palagi sa parents mo kapag umaalis ka. You’re a lady honey.” Nagmamadali kasi ako kanina paalis sa school nang matanggap ko ang text messages sa akin ni Yaya Rosa, ang kanilang kasambahay. She told me on the message that Kuya Logan’s was home. Nai-excite ang patay na patay kong puso kay Kuya Logan sa pangalan palang niya. Pinatay ni Tita ang kalan at kinuha sa bulsa ang cellphone. “E-text ko ang mama mo na nandito ka sa bahay.” Nahihiya akong nagkamot ng batok bago tumango sa kaniya. “Sorry po,”sabi ko sa kaniya. “Okay lang iyon Au, alam mo naman na gustong-gusto ka namin dito sa bahay lalo na ang lola Elena mo. Nakakalungkot din na wala man lang akong babaeng anak, ang mga kuya mo naman ay may kaniya-kaniya ng bahay. Weekends lang sila dito tumatambay.” “Si Kuya Logan po, lagi naman iyon andito, ‘di ba?” tanong ko. “Lagi ngang nandito, pero gabi-gabi nasa Bar naman niya. Madaling araw na nga iyon kung umuwi e,” saad niya sa akin. “Palagi naman po akong andito Tita, kaya huwag na kayong malungkot.” Matamis akong ngumiti sa kaniya. “I’m greatful Au, sige na honey maupo kana diyan at maghahain na rin ako. Nasa palengke kasi si Yaya Rosa kasama ang lola Elena mo. Bababa na rin dito ang kuya Logan mo, nag-shower lang iyon sa taas.” Nakaramdaman ako ng saya sa sinabi ni Tita. Yes! Andito nga si Kuya Logan, hindi sayang ang araw kong nagpunta dito. May mga pagkakataon kasi na pumupunta ako dito ngunit wala siya, kaya madalas bigo ang puso ko. Itinago ko ang ngiti sa mga labi ko. Tahimik akong umupo sa hapag. Tita Laila prepared everything, para tuloy akong prinsesa niya na ayaw niyang mapagod. Umupo rin siya sa tabi ko nang matapos ito maghain. Tahimik kaming nagkuwentuhan nang sumulpot sa kusina si Kuya Logan. Nakasuot na ito ng pajama. Magulo ang buhok at mukhang hindi na ito nag-abalang ayusin pagkagaling sa shower. Nasa akin ang mga mata niya habang papalapit siya sa amin. Bumilis ang t***k ng puso ko na para bang lalabas ito ng wala sa oras. Ngumisi siya sa akin nang tuluyan nang makalapit. “Little fly, nandito ka na naman,” sabi niya sa akin habang ang mga mata ay hindi pa rin hinihiwalay sa akin. “Niyaya ako ni Tita,” sagot ko. Kahit hindi totoo ay iyon pa rin ang sinabi ko upang hindi na naman niya ako asarin. He chuckled. “Palagi ka nga dito, wala ka kayang budget sa food namin.” Alam kong nagbibiro siya kaya iniripan ko siya. Napangiti si Tita dahil ginawa ko. Tahimik kaming kumain. Minsan ay napapasulyap ako kay Kuya Logan. Grabi! Ang guwapo niya talaga. Siya iyong pangarap kong lalaki at gusto kong maging tatay ng magiging anak ko. Hindi naman masamang mangarap e, lahat tayo may karapatan. Pagkatapos namin kumain ay nagpasalamat ako kay Tita para umuwi na. 7PM na rin ng gabi. Ipapahatid pa ako ni Tita sa driver nila pero ako na ang tumanggi. Safe naman sa lugar na ‘to, walang lasing sa mga kanto dahil may mga ilaw ito at napapalibutan ng CCTV. Hinatid ako ni Kuya Logan sa gate. “Mag-iingat ka, little fly. Huwag ka na naman lumipad kung saan-saan, umuwi ka ng deretso sa bahay ninyo, understand?” sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at sumaludo. “Yes po.” “Sweet dreams.” Tinalikuran na niya ako pagkasabi noon. Natatanaw ko na lang ang papalayo niyang bulto hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD