CHAPTER 3

2360 Words
Chapter 3: Uncomfortable HATING gabi na ngunit hindi padin makatulog si Chase sa kakaisip kung paano sila magkakalapit ni Aithne. Aaminin niya sa sariling masakit para sakanya ang nilalayuan ng babaeng nagpapabaliw sa buong pagkatao niya. Nang hindi na siya makatiis pa ay tinawagan niya na ang mga kaibigan upang makipagkita sa bar na kanilang madalas puntahan. Nang makarating sa bar ay agad nyang hinanap ang mga kaibigan saka umupo sa isang upuan. "Oh pre ano bang nangyari at pinatawag mo pa kami?" Sabi ni Max sakanya. Napatingin siya sa mga kaibigang nakamasid sakanya saka siya napasabunot sa buhok at napahilamos sa kanyang mukha. "Di ko na talaga kaya! I'm f*****g crazy!" Sabi niya sa mga ito na nakapagpakunot naman sa kanilang mga noo. "What? Dude... Can you explain to us what happened?" Sabi naman ni Hiro. "Meron akong babaeng nagugustuhan. Sobrang gusto ko siya at alam kong gusto niya din ako! Pero hindi ko matanggap na kaya niya ko gustong layuan dahil may boyfriend sya at..." Sabi niya saka nagdalawang isip kung itutuloy pa ba ang sinabi nya. "What's the matter? Ano naman kung may boyfriend sya! Stole her from her boyfriend!" Sabi naman ni Drake. "Hindi lang yun ang dahilan mga pre! Step sister namin yung tinutukoy niyang babae." Seryosong sabi naman ni Chad. Nakita niya naman kung paanong nagulat ang mga kaibigan niya sa sinabi ng kanyang kakambal. "Wtf dude! Di mo naman sinabi kaagad!" Sabi naman ni Luke. "Yun na nga eh! Kaya di nya ako magustuhan dahil iniisip niya na mali! I'm so f****d up!" Napapahilamos nalang na sabi ni Chase sa mga kasama. Naramdaman ng binata na tinapik siya sa balikat ni Lance. "Don't worry pre. We're here to help." Sabi nito sakanya. Napabuga na lamang sya ng hininga saka sila nagsimulang magusap usap. -- KINAUMAGAHAN nagising si Aithne dahil sa sikat ng araw mula sakanyang silid ng maalala niyang may pasok pa pala sya sa school niya kaya dali-dali syang bumaba ng kwarto niya papunta sa kusina ng makita niyang walang Chase doon. Hindi niya alam kung bakit nadidismaya sya na wala doon ang binata kung kaya't napabuga nalang sya sa hangin at sinabi sa sariling... "Okay lang naman na wala sya.. Atleast wala ng manggugulo sakin." Sabi niya saka nagsimulang magluto at nang matapos kumain ay dali dali syang naligo saka nagbihis matapos nun ay saka sya lumabas ng bahay ng makasalubong niya ang binata sa labas ng bahay. Seryosong nakatingin ito sakanya saka ito nagiwas mg tingin saka sya nilagpasan dahilan para sundan niya ito ng tingin. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay ang laki ng kasalanan nya rito. Sinundo sya ng nobyo doon saka sila sabay na pumasok. Buong klase syang nakatulala at iniisip ang dahilan kung bakit parang biglang nawalan ng paki sakanya ang binata. "Huy friend! Ano bang nangyari bakit kanina kapa yata nakatulala dyan?" Sabi ni Roda sakanya ngumiti lang sya ng pilit saka umiling. "Wala lang naman naboboring lang kasi ako." Sabi niya rito. Nakita niya namang umiling iling ang mga kaibigan nya. "Wag kami friend! Masipag kang magaral at never kang tinamad sa klase! Saka may kailangan ka pang ipaliwanag samin! Bakit sumakay ka sa kotse ni Chase Wilsex?!" Sabi naman ni Nicole sakanya. "Kasi magkakilala kami..." Sabi niya nalang nakita niya namang di mukhang kumbinsido ang mga ito sa sinagot nya. "Hindi kami naniniwala. Paano kung nakita kayo ni Zed?" Sabi ni Roda sakanya. Napabuntong hininga na lamang sya. "Malabo talaga eh... Hindi ko din alam..." Sabi niya nalang sa mga ito. -- "SIGURADO kaba pre na di ka sasama?" Tanong ni Lance kay Chase. "Hindi na kailangan ko pang umuwi baka magisa lang si Aithne sa bahay eh." Sabi niya sa mga kaibigan. "Ganun ba sige pre magiingat ka." Sabi naman ni Hiro sakanya saka sya nagsimulang magmaneho. At habang nagmamaneho sya ay may nakita syang pamilyar na tao na may kasamang babae at ang masaklap pa roon ay naghahalikan ang mga ito. "Holy f**k! Sinasabi ko na nga ba't di mapagkakatiwalaan ang lalaki na yan eh!" Sabi ni Chase saka niya naisipang videohan ang nasaksihan. At nang di na sya makatiis ay lumabas sya ng sasakyan saka sinugod si Zed saka ito pinaulanan ng suntok. "f**k you! Akala ko pa naman matino kang lalaki kaya mahal na mahal ka ni Aithne tapos mahuhuli kitang nakikipaglampungan sa babae!" Galit na asik nya sa lalaki. "Please wag mo sasabihin kay Aithne." Nagmamakaawang sagot sakanya ni Zed. "G*go! Anong tingin mo sakin uto uto?! Hindi ako makakapayag na nagmumukhang tanga sayo si Aithne kaya ngayon palang wag na wag ka nang makikipagkita sakanya dahil sa susunod na makita kitang kasama sya papatayin na talaga kita!" Sabi niya saka binitawan ito at muling nagmaneho pabalik sa bahay nila. Pagpasok niya sa bahay ay nakita nya ang dalagang nagluluto ng hapunan. Nakita nyang tiningnan sya ng dalaga saka niya inilabas ang phone nya. "Ayan oh! Panoorin mo baka sakaling magising ka na sa katotohanan!" Sabi niya. Nakita nyang takang kinuha ng dalaga ang phone nya at nakita nya kung paano umagos sa mga mata nito ang luha. "Alam kong masakit sa side mo na nalaman mong ginagago ka lang nang lalaking pinagmamalaki mo sakin." Sabi nya dito. Nakita nyang napaupo ang babae saka niya ito tinabihan at saka sya mahigpit na niyakap. "A-ang sakit... I can't expect that he can do this to me..." Sabi ng dalaga sakanya. Tinitigan nya ito saka hinawakan sa magkabilang pisngi. "Shhh... Wag ka nang umiyak. Lalaki lang yan. Nandito ako Aithne... Hindi kita papabayaan at hahayaang masaktan ulit." Sabi niya rito. -- KINAUMAGAHAN ay maagang pumasok si Aithne para puntahan sa classroom si Zed at kausapin ito. "Aithne..." Nakita niyang tumayo mula sa upuan nito si Zed saka siya sinalubong ng yakap. "Wag mo kong hawakan! Ayoko ngang idikit mo sakin ang marumi mong pagkatao!" Sabi niya rito at nakita nya kung paano ito magtaka. "Wag mo kong gawing tanga! Alam ko na niloloko mo lang ako Zed!" Sabi niya dito. Hinawakan sya nito sa kamay saka niyakap. "Aithne... Di ko alam yung sinasabi mo." Sabi nito. Sa sobrang sakit nang narinig nyang pagtanggi nito sa katotohanan ay nilabas nya ang phone ni Chase saka isinampal iyon sa lalaki dahilan para bumagsak iyon sa sahig. "Ayan ang proweba ko na manloloko ka!" Sabi niya rito. Dun na sya napaiyak nang tuluyan. "Akala ko pa naman iba ka sa kanila... Pero pareho ka lang din pala nilang manloloko! Minahal kita Zed pero ito lang ang igaganti mo sakin?! Ayoko nang magpakatanga... Tapos na tayo Zed! Maghiwalay na tayo!" Sabi niya rito saka nilisan ang lugar na iyon. Nagmamadali syang pumunta sa umbrella ng makita sya ng mga kaibigan nya ay tinakbo sya ng mga ito. "Friend anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong sakanya ni Nicole. Napasinok sya dahil sa sobrang paghagulgol. "H-hindi ko alam! A-ang tanga ko! N-niloloko na pala k-ko pero nagbulag bulagan parin ako!" Pumiyok na sya ng bitawan nya ang mga katagang yun. Naramdaman nyang niyakap sya ng mga kaibigan nya saka sya pinatahan. "Sinasabi ko na nga ba't hindi mabuti ang maidudulot ng lalaking yan sayo eh!" "Tama si Chelsea! Sinasabi ko na nga ba't manloloko talaga yang si Zed hay naku!" Sabi ng mga kaibigan niya kaya naman napangiti nalang sya sa mga ito. Mabuti nalang at may mga kaibigan syang marunong umunawa ng sitwasyon niya. -- "AITHNE tara na! Tulala ka na naman dyan. Lunch break na natin baka may balak kang bumaba?" Agaw pansin sakanya ng kaibigang si Roda. Mabilis niyang inayos ang mga gamit niya saka sya bumaling sa mga ito. "Pasensya na kayo ah? Nadadamay pa kayo sa pagiging madrama ko." Hinging paumanhin naman nya sa mga kasama niya. "Wala yon! Kaibigan ka nami kaya iintindihin nalang namin ang pinagdadaanan mo." Nakangiting turan sakanya ni Nicole. Nagmadali na silang maglakad sa canteen kumuha sila ng table na inupuan nila at nang mapatingin sila sa labas ng canteen ay napansin nilang nagkakagulo mula roon. "Anong meron?" Takang tanong ni Roda sa kanila kaya naman napabaling sya sa pintuan ng makita nya si Chase na pumasok sa loob ng canteen at pinuntahan sya sa kinaroroonan niya. "Hi." Nakangiting bati nito sakanya kaya naman nahihiyang ngumiti rin sya dito at napansin nya ang mga studyanteng nakatingin sa kanila. "Omg! S-si fafa Chase!" Tiling sabi ni Chelsea kaya nakita nyang natawa si Chase sa tinuran ng dalaga. "Hello girls. I'm Chase, kaibigan kayo ni Aithne right?" Nakangiting tanong ng binata sa mga kaibigan niya. "O-oo! Ako si Roda. Siya naman si Chelsea at ito naman si Nicole!" Ani ni Roda. Napangiti sya ng palihim dahil sa nakita nyang ginawa ni Chase. "Let me order some food to eat. Mukhang nagugutom na kayo." Sabi ni Chase bago ito pumila sa counter at nang bumalik ito ay sobrang dami na ang dala nitong pagkain sa kanila. "Wow! May pa fiesta si mayor." Biro ni Chelsea kay Chase kaya nagkatawanan sila at gaya ng nangyari kanina ay di padin mawala ang paningin sa kanila ng mga studyante. "Eh matanong ko lang Chase... Bakit nga pala pinupuntahan mo si Aithne rito? Kaano ano mo ba sya?" Nakalabing usisa ni Roda sa binata. Nakita naman ni Aithne kung paano umaliwalas ang mukha ni Chase ng pagmasdan sya nito. "Because she's special for me." Nakangiting turan ng binata sakanya. Nakaramdam sya ng mga paru parong nagliliparan sa loob ng tiyan nya habang ang puso niya naman ay ang bilis ng t***k. "Waaah! How sweet..." Kinikilig na turan ng mga kaibigan nya kaya naman pinamulahan sya ng pisngi. Mabilis niyang kinain ang mga pagkaing binigay sakanya ni Chase at nang matapos nun ay silang dalawa nalang ang lumabas ng canteen. Gaya ng kanina ay panay padin ang tingin sa kanila ng mga studyante na labis nyang kinakahiya. "B-bakit kaba kasi punta ng punta dito. Diba may trabaho ka? Isa pa baka mamaya eh makaabala nako sayo nyan. Tingnan mo nga oh pinagtitinginan na tayo." Mahinang sabi niya sa binata. Nakita niya namang huminto ito sa paglalakad saka sya nito hinarap. "Maganda kasi ang kasama ko kaya tayo pinagtitinginan. Saka ano naman kung gusto kitang dalawin? Kasalanan bang mabored ako sa opisina kaya kita pinupuntahan rito?" Nakangising tugon naman ng binata sakanya na labis na ikinapula ng mukha nya. "M-magkapatid tayo Chase... I-itigil mo na 'to." Anas nya sa lalaki ngunit di ito nagpatinag. Nagulat sya ng bigla syang halikan nito sa harap ng maraming tao at matapos nun ay nginitian sya nito saka ito sumigaw. "Hey! Listen everyone! I'm Aithne's boyfriend! Do you hear it?! And don't you dare to steal her away from me because i will kill you!" Agaw pansin na sigaw ni Chase sa mga taong nakatingin sa kanila dahilan para manlaki ang mga mata ng dalaga. "C-chase ano ba! B-bakit ka nageeskandalo! S-saka paano pag nalaman nilang magkapatid tayo?!" Bulong niya sa binata na lalong ikinangisi nito. "I don't care if they will know the truth. I must be proud of it. Because my step sister is my girlfriend." Mayabang na sabi ng binata kaya napakamot ng ulo si Aithne. "Ano ka ba naman! Dyan ka na nga!" Naiinis na turan ng dalaga saka iniwan ang lalaking nakatayo doon. Nagmamadali syang bumalik sa loob ng class room nila ng marinig niya ang bulungan mula roon. "Grabe! Balita ko ay nagbreak na daw si Aithne at Zed!" "Kawawa naman si Zed niloloko lang pala ni Aithne!" "Hmp! Kala mo kung sinong maganda eh mukhang ginayuma nya lang si Chase para mainlove sakanya!" "Tama ka dyan! Iba talaga pag desperada!" Nang marinig nya ang mga bulungang iyon ay nagpantig bigla ang mga tenga nya sa sinabi ng mga kaklase nya kaya pumasok sya sa loob nun saka hinarap ang mga tsismosa nyang kaklase. "Unang una sa lahat di kayo yayaman kung paguusapan nyo ang personal na buhay ko! Pangalawa yung mga bunganga nyo gamitin nyo ng tama! Pangatlo hindi ako ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Zed dahil saming dalawa sya ang nagloko! Wag kayong mapanghusga dahil wala kayong alam na kahit ano sa nangyayari sa buhay ko!" Mariing sabi niya sa mga ito na ikinatahimik naman nila. Bumalik na ang mga studyante sa loob ng klase pati na ang mga kaibigan niyang kakarating lang din. "Grabe friend famous kana." "Oo nga! Kaya pala special dahil boyfriend mo pala si Chase!" "Kainis kang bruha ka! Inggit ako." Pangangantiyaw sakanya ng mga kaibigan nya na ikinatawa nya. Mabilis na lumipas ang buong araw kaya naman naisipan niyang magayos na ng gamit nya ng ianunsyong uwian na nila. Mabilis niyang inayos ang sarili ng makita niya si Zed sa labas ng classroom niya. "Aithne... M-magusap tayo." Anas nang lalaki ngunit sinubukan nyang lagpasan ito. Pero gaya ng inaasahan nya ay hindi ito natinag at hinarang ang daraanan nya. "Please let me explain." Malungkot na turan nito kaya nagpipigil na iyak na napaharap sya rito. "Tapos na tayo Zed! Tigilan mo na ko dahil ayoko ng marinig pa ang mga paliwanag mo!" Matapang na sabi niya sa lalaki ngunit di ito nakinig sakanya. "Parang awa mo na wag namang ganito Aithne mahal na mahal kita." Sabi nito saka lumuhod sa harapan nya. "Bitiwan moko! Ang kapal ng mukha mo Zed! Ikaw na nga yung nanloko ako pa ang minasama mo!" Galit na sabi niya sa lalaki saka ito sinampal sa pisngi. Nakita nya kung paano sumama ang paningin nito sakanya kaya nakaramdam sya ng kaba. "Kala mo ba hahayaan kong maging masaya ka sa lalaking yon?! Pwes hindi!" Galit na sabi ng lalaki sakanya saka sya marahas na isinandal sa pader at sinimulang halikan sa leeg ng marahas! "Zed ano ba?! T-tulong!" Sigaw ng dalaga kasabay ang paghila ni Chase kay Zed at pinaulanan ito ng suntok sa mukha dahilan para mapahiga ito sa sahig. "Fuckyou! Don't you dare to put your f*****g fingers in any part of her body again! Do you understand?! Because if you do this again i will kill you!" Asik ni Chase rito dahilan para mapayakap ang dalaga kay Chase. "Let's get out of here." Ani ni Chase saka sila nagmadaling sumakay ng kotse nito. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD