Chapter 9: Confused BUONG hindi nawala sa isip ni Aithne ang nangyari sa kanila ni Chase kanina lang noong matapos ang klase nila at gaya ng palaging ginagawa ng mga kaibigan nya ay sinermonan na naman sya ng mga ito. "Hay nako Aithne... Nagsasawa na talaga kong payuhan ka. Kaya bahala kana kung ano ba talagang gusto mong gawin. Mahirap talaga na umiwas sa taong ayaw ka namang lubayan." Sabi ni Roda na parang naiistress na sakanya. "Believe me guys... Ginawa ko ang lahat ng kaya ko maiwasan lang sya. P-pero hindi ko talaga alam kung saan sya humuhugot ng lakas para lumapit ng lumapit sakin." Sabi ko sakanila kaya naman napabuntong hininga nalang ako. "Alam nyo guys hindi naman sa kumukontra ako ah? Feeling ko kasi talaga namang mukhang disidido na yung lalaki na yun na kalimutan na a