Chapter 12: Back HABANG palabas sila ng mall ay bumitaw si Aithne sa hawak ng kaibigan. "Ano bang problema mo Chels? Bakit mo ginawa yun?" Takang tanong niya sa kaibigan at nakita nya naman napatingin ito sa kanilang tatlo. "Kasi naman Aithne kapag nakikita ko kung gaano ka kalungkot ng dahil sa lalaking yun di ko mapigilan na di yun saktan! Ano kaba martir? Nandun kapa talaga sa harap ng dalawa ano masokista kana pala ngayon?" Inis na turan sakanya nito. Napabuntong hininga siya. Aaminin nya na para syang nadudurog kapag nakikita nyang magkasama ang dalawa. Sa loob ba naman kasi ng isang linggo ay ito kaagad ang madadatnan nya ang magkasama ang dalawa habang kumakain ng magkasama sa labas. Hindi nya man alam kung bakit pero umasa kasi syang kukulitin sya ng binata at ipaglalaban nito