Chapter 4
(The past)
-Gemmalyn-
Nakatayo ako ngayon at naghihintay sa mga kaibigan kong sina Mich at Nicole para puntahan si boss queene namin dahil tiyak na mapapalaban na naman ito dahil sa pagbabantay nito kay Jax De Lana ang lalaking pinakamamahal nito. Nagtataka pa nga ako kung bakit ganito ang pagmamahal niya sa binata samantalang hindi naman siya pinapansin nito.
Natanaw ko na ang dalawa kaya naman pumasok na ako sa kotse para makaalis na rin kami, ang totoo lang ay napapagod na akong tumulong at magbantay sa mga ito. Hindi lang ako makaangal dahil sa malaki ang utang na loob ko kay boss, kung hindi dahil dito ay malamang ay patay na ako ngayon at nagsasaya na ang mga kapag-anak kong mga hayop ang pag-uugali.
Lumaki kasi ako sa pamilya ng mga kilalang hide killer ng bansa pero hindi ko magawang ipagmalaki dahil sa nakakahiya kung sa ganitong pamilya ka lumaki at nakikita mo kung paano sila pumatay ng mga taong walang laban, basta may kapalit na malaking halaga. Ang aking ina ang nagturo sa akin kung paano humawak ng baril at maging sa pakikipaglaban, natuto akong bumaril at pumatay noong high school na ako.
Pero nagawa kong tumakas sa mga ito dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ko at ni boss queene siya ang nagplano kung paano ako mawawala sa puder ng aking mga magulang na mukhang nakalimutang mga tao rin sila at kaylangan ng pagbabago.
“Si boss queene papunta na po kami yan kasama ko na po ang dalawang panget na ito” Kausap ni Mich sa phone at tumingin pa sa aming dalawa ni Nicole, pinakita ko naman dito ang gitnang daliri ko kaya naman natawa na lang ito na parang wala lang.
Pinatukan naman ito ni Nicole ng maibaba ang tawag nito, sinamaan lang kami ng tingin pero baliwala lang sa amin ang ganitong asaran dahil, ayaw na ayaw ni boss na nagkakaroon kami ng alitan.
Bago kami bumababa ay inayos ko muna ang dala kong mga baril na sa gilit ng bewang ko, maging ang dalawa ay inayos ang kani-kanilang mga sandata at mabilis ang pagkilos para iligtas ang De Lana brothers.
Ewan ko ba sa magkakapatid na ito at palaging napapasok sa gulo, tapos ay hindi naman kayang tapusin. Papalapit ako ngayon kay Jamil isa sa mga magkakapatid na De Lana habang ang dalawa kong kaibigan ay nakikipaglaban sa mga kaaway na panay din ang baril sa amin.
May tama na ito at hindi naman ganon kalala kaya nagagawa pa nitong kumilos na kahit papaano, naka mask naman kami kaya alam kong hindi nito makikilala kahit na magkasalubong pa kami sa daan.
Mabilis lang naming matapos ang lahat at tulad ng dati ay magigising na lang ang mga kakapatid sa isang hospital at walang gaanong maalala. Ganito ang naging trabaho namin sa loob ng halos ilang taon na ang pagbabantay sa mga De Lana, si boss queene kasi ay malaki ang pagkagusto kay Jax De Lana kaya naman maging ang mga kapatid nito ay dapat naming alagaan.
Hanggang sa isang aksidente ang nangyari ng malasing ako sa isang bar at nagising sa tabi ng isang lalaki at ang nakakaloko ay isa sa mga De Lana ang nakakuha ng virginity ko.
Dali-dali kong nagbihis bago pa magising ang binata at lumabas ng hotel room, mabuti na lang at may taxing paparating kaya agad ko itong pinara kahit na hindi ko tinitignan kung anong ayos ko ngayon. Wala rin naman akong pakialam sa mga tao dahil hindi naman nila ako kilala.
“San ka galing at hindi ka umuwi kagabi ha magaling na babae?” Bungad na tanong sa akin ni Nicole habang may hawak ng kape at mukhang kakatapos lang din nitong maligo dahil meron pa itong tuwalya sa ulo. Inirapan ko lang ito at saka nagtungo sa kuwarto ko pero sadyang makulit ito at sinundan pa talaga ako hanggang sa loob.
“May inayos lang akong problema ng kaibigan, saka nanay pa ba kita para ipaalam ko sayo kung sana ko pupunta or kung saan ko galing ha?” Mataray kong sagot dito at saka ito pinagsaraduhan ng pinto ng banyo ko para umalis na rin ito at naiirita ako ngayon. Nakatapat ako ngayon sa shower ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.
Alam kong lasing na ako ng mga oras na yon kaya naman nakisipan ko ng umalis pero nabunggo ko ang isnag lalaking hindi ko makita ang mukha kaya naman inaway ko ito, pero dahil sa hilo ay napahawak na lang ako sa aking ulo at unti-unti akong nawalan ng ulirat.
At ang sumunod ay namalayan ko na lang na may ginagawa sa ibabaw ko ang isang lalaking hindi ko pa rin nakikialala, aayaw sana ako sa gusto nitong mangyari pero nadadala ko sa halik nitong nagbibigay sa akin ng kakaibang kiliti.
Kaya nagpaubaya na lang ako at hinayaan ko itong gawin ano man ang naisin nito, hanggang sa mangyari ang isnag bagay na hindi ko inaasahan dahil sa nakuha nito ang isnag bagay na pinakaingatan ng mahabang panahon. Napasabunot na lang ako sa aking sarili dahil sa labis na galit na nararamdaman. Gustuhin ko mang patayin ang hayop na yon ay hindi maaari dahil isan itong De Lana na hindi pwdeng galawin ng kahit na sino.
Lumabas ako sa aking kuwarto at nakita kong dumating si boss queene at maraming dalang mga pagkain at may dala itong isang malate at mukhang may labas na naman ito ng bansa para sundan ang ultimate crush nitong si Jax De Lana. Naupo na lang ako sa isang bangkong malapit sa kanila at kumuha ng isang chocolate na dala nito.
“Boss queene, mukhang malayo naman ang mararating natin ah?” Tanong ni Nicole dito habang naglilinis ng kanyang kuko sa paa.
“Oo aalis si Jax mamayang gabi papuntang Japan kaya dapat lang na sundan ko at baka kung anong gawing kalokohan non, mahirap na kung mawala yon sa paningin ko dahil kung sino-sinong ahas ang gustong tuklawin ito.” Sagot nito sa inis na boses.
“Boss queene, hanggang kaylan ka titigil sa pagsunod-sunod mo sa kanya? At paano kung wala talaga siyang pagtingin sayo at may gusto s’yang ibang babae ung mahinhin at kilos babae hindi iyong kilos na mas lalaki pa sa kanya?” Baliwalang sambit naman ni Mich dito at mukhang hindi iniisip ang sinasabi nito at nakatutok sa pinapanood nitong isang cooking show sa tv.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Nicole at mabilis pa alas kuwatro ng mailayo nito si Mich dahil siguradong makakatikim kaming lahat kapag bumuga ng apoy si boss.
Ayaw kasi nitong pinangungunahan ang kanyang nagiging desisyon lalo na sa lalaking pinakakamamahal nito, kaya rin nitong iaalay ang lahat para sa binata kahit ang sarili nitong buhay ay kaya nitong ibigay maging maayos lang ito at ligtas sa lahat ng bagay. Nagbuga ng hangin si Boss queene at makikita rin na tinamaan ito sa sinabi ni Mich kanina.
“Kung sakaling hindi ako ang babae para sa kanya, mas gugustuhin ko na lang na magkaroon ng anak dito kahit isa lang at hindi ko ipapaalam dito. Hindi rin naman ako manggugulo sa kanya kaya ayos lang kung magkaanak ko dito” Mahina pero ramdam ko ang sakit sa boses nito.
“Sa tingin ko naman magiging kayo parin sa dulo boss queene, mahirap maniwala pero di ba kung gusto may paraan at kung ayaw ay maraming dahilan. Huwag kang mag-alala andito lang kami oras na magkaroon ka na ng planong makuha siya.” Pagpapalakas ko ng loob nito. Tumingin lang ito sa akin at saka tumayo para umalis na rin dahil may flight pa ito papuntang Japan.