WE ARE FACED AGAIN

1104 Words
Chapter 6 -Gemmalyn- Pababa na ako sa motor ko ng mapansin kong may sumusunod sa akin, kaya naman naging alisto ko sa bawat galaw ko. Andito na ako ngayon sa tapat ng isang hotel na pag-aari ng mga De Lana, wala naman kong misyon dito dahil sa busy si boss queene ngayon sa kanyang mahal. Kaya medyo pahinga muna kami ngayon ang dalawa kong kaibigan ay hindi ko alam kung nasa, hindi naman ako nag-aalala don dahil alam kong kaya nila ang sarili nila. Papasok na ako sa lobby ng makita kong andon si Jehem at nakikipaghalikan sa isang babaeng mukhang bisugo at clown dahil sa kapal ng make up nito. Nagkibit-balikat na lang ako dahil hindi ko alam na andito pala at talagang sa live pa kung maglandin sila. Sabagay kilalang babaero ang lalaking ito kaya hindi na ako magtataka kung ito ang magmana sa kanyang ama sa pagkakaroon ng maraming anak sa iba’t-ibang babae. Bumukasa ang elevator at papasok na sana ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha, hindi ko nagpahalata kaya naman simpleng pagtayo lang ang ginawa ko marami namang tao sa loob kaya ayos lang at alam kong hindi ako nito makikita o makikilala dahil sa naka shade ko at natatakpan ng buhok ko ang mukha ko. Napahinga lang ako ng makita ko na itong palabas, at dahil sa pagiging pilya ko at alam kong pasara na ang elevator at hindi na nito mahahabol ay tinanggal ko ang suot kong shade at pasimple pa akong tumingin dito na parang wala lang. Nakita ko kung paano ito nainis kaya naman natawa ako habang nasa loob pa rin ng elevator. Lumabas na ako sa sumunod na flor at nagtago sa pinakamalapit na fire exit dahil alam kong hindi niya ako makikita dito, nakita ko pa itong dumaan sa pinagtataguan ko kaya naman mas lalo akong nagtago. Hanggang sa makita ko ito sa lobby at mukhang napagod sa kakahanap sa akin. Tahimik akong naupo sa tabi nito pero parang nakatulog na ito, gusto ko sana itong asarin kaya naman pinaramdam ko dito na aalis na ako. Sakto namang tumayo na ito at nakita ko sa gilid ng mata kong nakita ako nitong paaalis, lihim akong napangiti dahil madali lang palang isahan ang tulad nitong lalaki. Alam kong tatanungin ako nito sa guard pero maging ito ay hindi ako kilala kaya alam kong wala itong makukuha mula doon. Hapon na rin ng makarating ako sa bahay ko dito sa Tagaytay, walang nakakalam dito maging ang mga kaibigan ko o si boss queene. Ayokong ipaalam sa kanila ang lungga ko dito dahil dito lang ako nakakakuha ng piece of mind. Hindi natuloy ang pakikipagkita ko sa isang kaibigan ko sa hotel dahil sa biglang pangyayari na hindi ko inaasahan, pero natatawa pa rin akong habang naiisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kinabukasan ay nagtungo ako sa isang department store para bumili ng makakain, mukhang magtatagal pa ako dito ng ilang araw dahil sa wala pang tawag si boss queene. Papasok na ako ng store ng isang Ginang ang nakabunggo ko at nahulog ang dala nitong mga prutas. “Naku sorry po ma’am hindi ko po sinasadya.” Sambit ko dito at nagmamadaling pinulot ang mga nahulog na prutas. “Ayos lang! mag-iingat ka na lang sa susunod ng hindi ka makabunggo.” Mabait nitong sagot sa akin. Tinitignan ko ito dahil mukhang pamilyar sa akin. Hanggang sa maalala ko na ito pala ang stepmother nila Jamil si Mrs. Ariya De Lana. Lumingon pa ako sa paligid dahil baka kasama nito si Jamil kaya naman nagpaalam na rin ako dito at nagmamadaling lumabas ng store ay sumakay sa motor kong ducati. Papasok na ako sa bahay ng mapansin kong bukas ang pinto at mukhang may nakapasok sa loob, mabilis kong kinuha ang baril ko sa likod at dahan-dahan akong pumasok sa loob, patay pa ang ilaw pero alam kong may mali dito. Naging alisto ako hanggang sa isang lalaki ang humawak sa baril ko mula sa aking likuran, hindi ko ito hinayaan na makuha ang baril sa akin kaya naman nakipaglaban ako dito hanggang sa nasipa ko ito sa kanyang tiyan na ikinalayo nito sa akin. Babarilin ko na sana ito ng buksan nito ang lahat ng ilaw na ikinasilaw ko naman kaya mabilis itong nakalapit sa akin at sabay kaming bumaksak sa sofa, nakayakap ito sa akin ng mahigpit kaya hindi agada ko makagalawa. Hanggang sa magtama ang aming mga mata, at nagtataka akong nakatingin dito. Wala itong ginawa hanggang sa naramdaman ko ang halik nito sa aking labi na animoy sabik na sabik sa akin. Binigay ko ang buong lakas ko para makaalis sa pagkakayakap nito, at nagmamadali kong pinulot ang baril ko at itinutok sa binata. “Paano ka nakaparok dito sa bahay ko?” Tanong ko dito pero natawa lang ito na parang sira ulo. “Your first question should not be who am I? But it looks like you already know me, right?” Bila itong naging seryoso at naninigurado sa kanyang tanong. Wala naman akong maisip na idadahilan dito at mukhang alam na rin naman nito ang lahat. “Kilala kita dahil kalat yang mukha mo sa lahat ng telebisyon at maging sa mga magazine ay nakikita ka. Kaya sagutin mo ang tanong ko paano ka nakapasok dito?” Tanong ko dito nakita ko namang nag-iisip ito at binabasa kung ano ang nasa isip ko. Hanggang sa ito na rin ang sumuko at naupo na lang ito sa sofa ko, hawak ko pa rin ang baril at nakatutok dito. I went through the door, I'm just here to see you. Tell you that I belong to you since the night you gave yourself to me. So, if I were you, don't even think about going away because with me I will make sure to lock you in my mansion and you won't be able to leave.” Pananakot pa nito sa akin, pero hindi ako masisindak dito dahil alam kong kaya kong labanan ang lalaking ito. Tumayo ito at lumakad papalapit sa akin napaatras naman ako dahil sa paglalapit nito, nararamdaman ko naman ang panglalambot ng aking tuhod dahil sa pagtitig nito sa akin. Napapadila pa ito sa sariling dila habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko alam pero nakuha nito ang baril sa kamay ko ng hindi namamalayan, at nakadikit na ang katawan nito sa akin. Mukhang tinatryador pa ako ng aking katawan dahil bumibigay ko sa mga halik nitong banayad at aaminin kong kung hindi ako nito hawak sa bewang ay kanina pa ako nahulog sa lapag dahil sa panghihinang nararamdaman ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD