FAKE MISSION

1113 Words
Chapter 2 -Gemmalyn- Bumalik ako sa condo ko para mag-aayos ng mga dadalhin ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Boss mother, at alam ko na rin ang sasabihin nito kaya naman sinagot ko pa rin. “Boss mother” Simpleng sagot ko dito. “Open your door now” Sagot nito sa galit at seryosong boses kaya naman nagmamadali kong binuksan ang pintuan at isang malakas na suntok ang binigay sa akin nito na ikinabagsak ko naman sa sahig. Nagdugo agad ang bibig ko dahil sa malakas talagang sumuntok ito. “Talaga bang gusto mo ng magpakamatay at gagawin mo ang mission na mag-isa ha.”? Galit na turan nito sa akin. Nakaupo na ito at makikita ang matinding galit nito sa kanyang mata. Napayuko naman ako at pasimpleng pinunasan ang dugo sa aking labi. Dahan-dahan pa akong tumayo at naupo sa upuang katabi lang nito. “Yes, at sana ay pagbigyan mo ako.” Determinadong sagot ko dito. Matagal itong nakatingin sa akin at mababakas sa mata nito ang galit nguni’t may mag-aalala rin. Napakuyom pa ang kamao nito kaya mas lalo kong napayuko dito “Ok fine, I'll let you do what you want in this mission. But if you fail, leave the group I have. Go away where I won't see you again, after all it seems like that's exactly what you want to do.” Matigas at may diin nitong pagkakasabi. Tumayo na rin ito at saka binaril ang isang painting na ito mismo ang gunawa at nagbigay sa akin. Nanglaki pa ang aking mga mata sa mga nakita ko, napatingin ako dito at walang imosyon ang mata nito na tulad lang kanina. At sa ginawa nitong pagbaril ay nangangahulugan lang na kaylangan kong bumalik ng buhay at ipanalo ang mission dahil kapag hindi at tapos na rin ang pagkakaibigan na meron kami. Gusto ko mang maluha ay pinigilan kong tumulo ang mga ito, mas gusto kong matapos na lang ang lahat ng ito at saka ako lalayo para hindi na rin ako maging pabigat pa sa kanilang lahat. Hindi ko man gusto pero mas magiging maayos na rin kung mawawalan ako ng koneksyon sa kanila maging sa ama ng aking anak o maging sa aking sariling anak. Alam kong masakit pero kaylangan kong tanggapin ang malaking katotohanan na kaylan man ay hindi na ako magiging masaya pa dahil sa nakaraan na alam kong wala akong naging kasalanan, pero iba ang nakikita ng karamihan sa akin. Pagkaraan ng dalawang oras at umalis na ako at nagtungo sa airport para naman bumayeng papuntang Saudi Arabia kung saan kukunin ko ang ulo ni Malik Ali. Pero sa airport pa lang ay alam kong may nakasunod na rin sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin dahil sa baka nagkakamali rin naman ako. Gabi na rin ng dumating ako sa isang hotel para doon muna ako magstay habang pinag-aaralan ko ang gagawin kong plano. Alam kong mahirap ito kaya naman dapat parin akong mag-ingat ng sa ganon ay hindi ako nagkamali sa pagsugod dito. Sa bawat araw na nagdaan ay sinusundan ko ito maging sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko ito ay inaalam ko ang lahat. Pero isa lang ang napansin ko dito, wala akong makitang isa itong drug lord o makitang nagpupunta ito sa mga lugar na alam kong may bentahan ng druga. “Alam kong may mali dito at dapat kong makita agad yon.” Sambit ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ito sa malayo at nakikipag-usap sa isang business meeting. Nakarating na rin ako sa bahay nito at makikita rin dito ang pagiging mabuting ama at asawa sa kanilang pamilya. Sa bawat araw pa na lumilipas ay wala pa rin akong makita dahilan para patayin ito dahil sa maging sa company nito at maayos itong magpalakad. Wala akong nakikitang anumalya sa loob at labas ng pag-aari nitong mga ari-arian. Kaya naguguluhan ako kung ano ang dapat kong gawin dito. Hanggang isang araw ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matulungan ang asawa nitong muntik ng maholdap habang pasakay ito sa sariling kotse. Mabuti na lang at malapit lang ako sa puwesto nito at madali ko itong natulungan. “hal 'ant bikhayr sayidati? (Ayos ka lang po ba madam?)” Tanong ko dito sa salitang Arabic. Marunong ako ng ganitong salita dahil isa ito sa nagiging training naming noon ang matutunan kung ano ang lenguaheng pupuntahan mo para mission na meron ka. “'ana bikhayr bifadlika, ma asmuk bialmunasabati? (Ayos naman ako salamat sayo, ahm ano nga pala ang pangalan mo?)” Sambit naman nito sa akin at saka inayos ang daal nitong bag na muntik ng makuha ng holdaper. “aismi aki sidti. (Aki po ang pangalan ko madam.)” Magalang ko pang sambit nito. Marami pa kaming napag-usapan ng yayain ako nitong sa kanila kumain ng hapunan. Pumayag na lang ako dahil sa pagkakataon ko na ito para makapasok sa bahay nito at ng makapag imbistega pa rin ako. Nasa kusina ito ng tumunog ang cellphone nito at may kinausap at mukhang ang mga magulang ito ng kanyang asawa. Ipinaalam lang mga ito na nasa kanila ang kanilang at mga anak at dahil week end ay doon muna matutulong ang mga bata. Nang matapos itong makapag-usap ay naghain na ito at sabay na rin kaming kumain ng hapunan na walang nagiging kibuan. Hindi ko alam pero nagugustuhan ko kung ano ang lasa ng pagkain nila. Dahil na rin sa kabusugan ay napapahimas pa ako sa aking tiyan. Natawa naman ako sa aking sarili dahil mukhang nagustuhan ko talaga ang pagkain na hinain nito kaya naman nakaramdam ko ng konting hiya dahil sa muntik ko ng maubos ang niluto nito para sa kanyang pamilya. Nasa sala na kami ng makigamit ako ng banyo nito, mabuti na lang at sira ang banyo nila sa may kusina kaya tinuro nito ang banyo sa second floor. Nagkaroon ako ng pagkakataon para umikot sa kabuuan ng bahay. Pero halos lahat ng hawakan kong kuwarto ay sarado kaya naman halos mainis ko dahil talagang wala kong makitang ibidensiyang magpapatunay na masamang tao ang asawa nitong si Malik. Pababa na sana ako sa hagdanan ng may marinig kong nag-uusap sa may isang kuwarto at natitiyak kong hindi ito ang asawa ng lalaki, mukha itong ibang tao na nagtatago doon sa loob. May kausap ito sa kayang cellphone at nagulat pa ako ng mag English pa ito at narinig ko ang aking pangalan. Halos hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil ang buong akala kong totoong mission ay isa pa lang fake. Suhidhi ang galit ko sa aking puso dahil at humanda talaga sa akin ang mga tong ginolo ang mission ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD