SIMPLE HAPPINESS OF MARI

524 Words
"Anak pahinga kana at hayaan mo na kami ng itay mong magligpit nitong mga gamit." Wika ng ina ni Mari habang nasa palayan silang mag-anak at kakaani lamang ng tinanim na palay ng mga magulang ng araw na iyon. "Naku inay kayo ho ni itay ang dapat magpahinga na dahil buong araw na kayong nagtatrabaho at makakasama na sa inyo sa edad niyong 'yan. Ako naman po ay di pa napapagod at isa sa mga dahilan kaya ako umuwi rito ay para makatulong naman sa inyo kahit papaano." Tanggi niya sa ina sa pagpipigil nitong tulungan sila sa pagliligpit ng kanilang mga gamit sa palayan. "Tama ang ina mo Mari, ilang araw lang ang bakasyon mo dito sa atin at dapat ay magpahinga ka lang dahil alam naming pagod pa ang utak mo sa kakaaral doon sa Cebu. Kung nababagot ka sa bahay pwede mo namang bisitahin yung mga kaibigan mo dati o di kaya ay mamasyal kayo para malibang ka naman sa bakasyon mo dito". Segunda ng kanyang ama sa kanyang ina. "Inay, itay, kayo ho ang gusto kong makasama. Sabi niyo nga ilang araw lang yung bakasyon ko kaya susulitin ko na magkasama tayo. Isa pa di ho ako nababagot pag kayo ang lagi kong nakikita at nakakasama. Hayaan niyo na lamang po ako na tulungan kayo dito sa palayan at ng mas maaga kayong makapagpahinga." Tanggi pa rin niya sa gusto nilang mangyari na pauwiin na siya. "Ikaw ang bahala anak. Masaya din naman kami ng itay mong makasama ka palagi." Nakangiting sambit ng kanyang ina na hindi na kumontra sa pagmamatigas niya. Matamis na nginitian niya rin ang mga magulang dahil sa tuwina ay iginagalang nila ang kanyang damdamin. Napakaswerte niya talaga sa pagkakaroon ng mabait na ina at ama. Ipinangako niya sa sarili na mas pag-iigihan pa niya ang pag-aaral ng mabuti dahil hangad niyang matulungan ang mga itong makaahon sa hirap at di na kailangan pang kumayod buong araw para lamang matustusan ang araw-araw nilang pangangailangan. Pagsasaka ang main source of income ng mga tao sa kanilang probinsiya. Yun din ang kinalakhang hanap-buhay ng kanyang mga magulang. May minanang munting sakahan ang mga ito mula sa kanyang mga lolo at lola na di narin niya nakasama ng matagal mula pagkabata dahil maaga silang pumanaw. Siguro ay dahil sobrang bugbog ang katawan ng mga ito sa kakakayod para mabuhay. Yun ang ayaw niyang mangyari sa mga magulang. Ayaw niyang magkasakit ang mga ito dahil sa sobrang pagtatrabaho. And worst, baka maiwan siyang mag-isa katulad ng pag-iwan ng mga lolo at lola niya sa kanyang mga magulang. 'God please, keep my parents healthy and safe.' Taimtim niyang naidasal sa Diyos. Di niya kakayanin na mag-isa sa buhay at mawalan ng magulang. Sobrang mahal niya ang mga ito. Sana lang ay makakuha siya kaagad ng trabaho after her graduation one year from now dahil siya naman ang kakayod para sa mga ito. Tumatanda na rin ang kanyang inay at itay. They really need extra rest para mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Taimtim siyang nanalangin uli at humihingi sa Diyos ng patnubay para sa pagsasakatuparan ng kanyang mga pangarap para sa mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD