Chapter 2

2069 Words
Chapter Two “Ba-bakit mo na-naman ako inimbitahan pa-para maglakad-la-lakad?” she’s nervous and damn stuttering. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito sa buong buhay niya. This wasn’t an ordinary competition because she was competing with her emotion. She didn’t have any idea of the objective and the possible conclusion of this. Kahit hypothesis o intelligent guess ay wala siya. This was really far from those school examinations. Damn it! “Dahil hindi tayo nagkaroon ng chance na gawin iyon.” tugon nito. Naipako niya tuloy ang pangingin dito. Ano’ng ibig nyang sabihin? “Let’s go?” anyaya nito. Hindi nalang siya sumagot pero nagsimulang humakbang ang kanyang mga paa hanggang sa magkasabay na silang lumalakad. Walang umiimik. She wanted to ask him about many things including what’s on this very moment but it seems that her speaking was affected by her present heart problem.  Nang marating nila ang bahay malapit sa mga bukirin ay may nagpapatugtog doon sa may bahay. Napatingin siya kay JJ. That smile of him. Parang may spark na nagmula sa mga ngiti nito na lalong nagpaparupok sa kanyang puso. Bagay na bagay sa tugtog. The way you move is like a full-on rainstorm And I'm a house of cards You're the kind of reckless that should send me running But I Kinda know that I won't get far And you stood there in front of me just Close enough to touch Close enough to hope you couldn't see What I was thinking of Drop everything now Meet me in the pouring rain Kiss me on the sidewalk Take away the pain 'Cause I see sparks fly Whenever you smile Kitang-kita niya ang spark. Gusto nalang niyang matulala sa harap nito. Lalong umiigting ang paghanga niya rito. Ngayon nga ay pinapangarap niyang sana ay magkagusto na rin ito sa kanya. Sana.  “Kath?” halos ilapit na nito ang mukha sa kanya. Tulala pa rin siya. “Ha?!” nagising na siya sa kanyang daydreaming.  “Ano’ng inisip mo habang nakatulala sa mukha ko?” tanong nito. Mabilis na dumaloy ang dugo sa kanyang buong katawan papunta sa kaynang mukha. Pinilit niya ring mag-function ang kanyang nerves sa lalong madaling panahon. She needed an alibi.  Iniisip kong sana ay gusto mo rin ako. “I’m just thinking kung para sana ang walk na ito?” kinuha na tuloy niya ang pagkakataong iyon para tanungin ang lalaki.  “Akala ko pa naman…” hindi nito tinapos ang sasabihin. “Tara na muna bago pa mawala. After you.” Nilahad nito ang kamay tanda ng pagpapauna sa kanya upang lumakad sa pilapil ng bukid.  Nag-antalalan na muna siya sa makitid na pilapil. Naramdaman naman niya ang mga kamay ni JJ na nasa kanyang mga balikat. Inaalalayan siya nito upang hindi mahulog. Wala namang tanim ngayon ang kabukiran. Kung tutuusin ay pwede namang sa mismong bukid sila dumaan eh. Pero dahil sa kakaibang pakiramdam na dinudulot sa kanya ng pag-alalay nito ay pinili pa rin nyang dumaan sa pilapil. Halos mawala na talaga ang puso niya. Puso nandyan ka pa ba sa dibdib ko? Please keep calm and just enjoy this moment. “Dito na tayo.” Sambit nito ng nasa gitna na sila. “Dito na tayo sa pilapil maupo.” Inalalayan na naman sya ng lalaki sa pag-upa. Kaliwang kamay naman niya ang hinawakan nito. May kuryenteng dumaloy. Hindi siya maaaring magkamali sa naramdaman niyang dumaloy sa kanyang sistema. Ang problema na naman ay puso na naman niya ang tinunton ng kuryenteng iyon. Puro nalang puso. Kawawa ka naman.  Pag-upo nila ay agad niyang napansin ang gustong ipakita nito sa kanya. “Wow!” she said with amazement. Sa kinauupuan nila ngayon ay ang napakagandang view ng sunset. It was indeed breathtaking. Napagdaop niya pa ang kanyang mga kamay. Hindi naalis ang kanyang mga mata sa papalubog na araw hanggang hindi ito tuluyang naglalaho at kinukuha ng gabi. Nang halos wala na ito ay saka niya nilingon si JJ. Katabi nga pala niya ito. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at agad niyang inalis ang mga iyon dito na makita niyang sa kanya ito nakatitig. “Beautiful.” He said. She swallowed.  “Beautiful hi-hindi ka nga nakatingin dun.” She pinned her eyesight sa malayong bahagi ng kabukiran. “Bago gumawa ng assignments at mag-prepare para sa lessons kinabukasan ay dito na muna ako tumatambay. Nakaka-relax kasing pagmasdan ang araw. Para siyang malaking mata na nakamasid sa ating lahat. Saksi siya sa lahat ng nangyayari sa mundo. Naging sabihan ko rin tuloy siya ng mga sikreto ko. Ng mga pangarap ko.” Pagbubunyag nito. Muli niya tuloy binalik ang pagkakatitig sa mukha nito. She then realized na pareho lang pala sila. Kahit na iba pa ang tingin sa kanila ng mga tao ay tao pa rin talaga sila. Nangangarap. May mga lihim na naisin. Humahanap ng mga bagay na magpapasaya sa kanila. Napangiti siya. “Thank you sa pag-share ng essence ng sunset sa buhay mo. Bukas mumulat na naman ang mata ng daigdig. Baka gusto mo ng sabihin sa akin ang reason ng lahat ng ito. Pagabi na eh.” mas kalmado na ngayon ang kanyang puso. Naging palagay na ito. Good job puso. Good job. “Oh yes! Ou nga pala.” Bulalas nito. Inabangan talaga niya ang lalabas sa mga labi nito.  “I really wanted na maging magkaibigan tayo. Alam ko namang kahit si Daddy gusto yon. Pati na rin ang parents mo. Ang mga classmate at teachers lang naman natin ang bumuo ng kompetisyon natin eh. Believe me, gusto ta-talaga kitang maging…” he paused. “maging kaibigan. Tapos na rin naman tayo ng high school eh.” Mas lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi. Gustung-gusto nya rin yon. “Ou naman.” Walang pag-aalinlangan niyang tugon dito.  “Yes!” mas lumaganap na ang kadiliman kaya hindi siya sigurado sa nakita niyang saya sa mukha nito. Yung saya na kapareho ng nararamdaman niya.  Muling kinuha nito ang kanyang kaliwang kamay upang tulungan naman siyang tumayo. Hindi na maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. This time ay sa mismong bukid na sila lumakad dahil madilim na.  Hanggang sa marating nila ang bahay nila ay wala na namang umiimik. Magkaibigan na sila pero wala namang nagsasalita. Ano ba to?  Nasa tapat na sila ng bahay niya ng tila kumuha ng bwelo si JJ. “Ehem.” Napatingin siya rito. Ang ilaw sa poste ang nagbibigay liwanag sa kanila. Hindi siya sigurado sa nakikita. Namumula ang lalaki. Baka kakaibang reflection lang ng ilaw.  “Paano salamat ah. Thank you na dahil finally magkaibigan na talaga tayo. Hindi na tayo competitors at hindi nag-uusap na magkapit-bahay.” Natatawang sambit niya. Ayaw na niya hintayin pa ang sasabihin nito kaya inunahan na niya. Tatalikuran na sana niya ito ng muling sambitin nito ang palayaw niya. “Kath.” She looked at him with that same charming smile. “Yes?” “Nabalitan ko’ng yung scholarship mo gagamitin mo sa state u dito sa atin?” tanong nito. Bahagya tuloy siyang napakunot sa tanong nito.  “Ah ou. Kaka-enroll ko nga lang eh. Kabibili ko lang din ng mga laboratory instruments na gagamitin ko.” Tugon niya. “Ako kasi Architecture ang kukuhanin ko sa UST.” She wondered kung bakit sinasabi iyon ng lalaki sa kanya. Pero may isang bahagi sa kanya na nalungkot dahil sa Maynila pala ito mag-aaral. Magkakalayo na sila. Parang naging sapat lang na naayos nila ang namamagitan sa kanila tapos ay doon na matatapos yung friendship. “G-good for you. The best dun sa UST. Sikat yun di ba? Kaya mo yan!” pilit niyang pinasaya ang tono ng kanyang boses at ikinubli ang lungkot. “Ah-eh…” halos hindi nito masabi ang sasabihin. “Sige na JJ. Gabi na kasi.” Pagpapaalam niya rito. “Wait!” May sasabihin  pa talaga ito. Huwag kang masyadong magmadali Kath. Give him time. “Sayang naman kung ngayong magkaibigan na tayo ay saka tayo magkakahiwalay.” He said while looking at her eyes. Tinanggal pa nito ang suot na eyeglasses. May kung ano’ng nagliparan na naman sa kanyang tiyan. Ang puso niya may pinagdadaanan na naman. “Pwede ba’ng doon mo nalang din sa UST gamitin ang scholarship mo. Kahit saan naman yon pinayagan ka hindi ban g sponsor mo? We’ll help you on your house expenses dun sa Manila. Sana pag-isipan mo. Please.” Saka siya nito dali-daling tinalikuran. He left her hanging. Ano raw? Gusto ba siyang makasama nito sa Manila? “Kung tutulungan ka nila sa bahay dun sa Maynila ay parang nakakahiya naman yon anak. Si kap din kasi ang tumulong sa private scholarship na nakuha mo. Kahit naman kayo ni JJ ang magkalaban sa school ay naging mabuti naman talaga sayo si Kap. Napaka-fair ni kap dito sa ating barangay. Hindi lang dahil sa mayaman na sila pero dahil magaling talaga syang mamuno. Hindi na nga uli nakapag-asawa yun eh dahil sa paglilingko sa ating barangay at sa pagiging solong magulang kay JJ mula ng mamatay ang asawa. Masaya akong naging magkaibigan kayo at gusto ka pa’ng makasama nung si JJ sa Maynila pero parang hindi na iyon tama. Baka may masabi na ang ating mga kabarangay kapag pumayag pa tayo dun.” Mahabang paliwanag ng kanyang ina ng sabihin na niya ang nais ni JJ. “Mahal naman. Hindi naman siguro ganon. Kung tutuusin nga hindi naging magkaibigan ang dalawa dahil sinasabi natin na mag-aral lang sila ng mabuti. Kaya ayun naging magkalaban lang talaga sila sa school. Ngayon nga nakkatuwa dahil pareho pala nilang gustong maging magkaibigan. Kapag nagkasama sila sa Maynila ay pwede silang magtulungan. Sino pa ba ang magtutulungan dun kundi silang dalawa rin. At mahal, UST yon.” Komento naman ng kanyang ama. “Mahal naman eh. Lalaki si JJ at babae ang anak natin. Nagdadalaga at nagbibinata na sila. Baka kung ano ang maisip ng mga yan.” Tugon ng kanyang ina. Nagulat siya sa sinabi nito. “Matatalino ang mga …” “Iyon yon eh. Sabi na nga ba mapupunta to sa love angle eh. May gusto nga sayo si kuya JJ ate. Ang haba ng hair mo dahil isasama ka pa sa Maynila oh. Kaso lang dapat kayong mag-ingat. Mapupusok ang mga kabataan ngayon.” biglang pagsabat naman sa usapan ni Joebert. Nasa round table kasi sila ngayon nag-uusap-usap. Gabi na pero nakisalo pa ang tsismoso niyang kapatid. “Hinihingi ba namin ang opinion mo.” Pagsuway nya sa kapatid.  “Hindi naman pero sa tingin ko po Mama at Papa ay sa akin ang pinaka importanteng opinion dito. May gusto si Kuya JJ kay ate. Ngayon pinu-push nya na makasama si ate sa Maynila para magka-develop-an na sila. Ang tanong ngayon ay kung magtitiwala ba kayo sa kanila na mapagsasabay nila ang pag-aaral at ang buhay pag-ibig nila habang malayo sila sa atin?” pagpapatuloy ng kapatid. Sabay-sabay nilang tinitigan ito ng masama.  “Joebert De Leon Pangilinan matulog ka na! Hindi namin kailangan ang opinyon mo! Kung makapagsalita ka dyan akala mo ikaw ang pinakamatanda sa bahay na ito!” tumayo pa ang kanyang ina para pinngutin ang kaliwang tainga ng kapatid. “Aray ko naman Ma!” hinatid pa ito papunta sa kwarto. “Mabuti pa anak matulog ka na rin. May tatlong linggo pa naman tayo eh para pag-isipan yan. May entrance exam din dun baka kasi hindi ka na makahabol. Huwag kang mag-alala tungkol ito sa edukasyon mo kaya talagang pag-iisipan namin ito ng iyong ina.” Nakangiting sambit ng kanyang ama. “Huwag mo na muna ring isipin ang future love life mo.” Natatawang pahabol nito. “Pa naman eh.” tumayo na siya upang pumunta sa kanyang kwarto. Mapipigilan ba naman niya ang kanyang isip sa pag-iisip ng mga nangyari? Hindi! Nakatitig siya sa kisame na si JJ ang naiisip. Hindi siya pinatulog nito. Gusto pa nyang tumili pero nagpipigil siya. Niyakap nya ng mahigpit ang kanyang sobrang una saka walang habas na pinagkakawag ang mga paa.  “JJ.” Sambit nya sa ngalan nito. Dahil sa hindi makatulog ay bumangon nalang siya at kinalkal ang mga nakatagong song book sa cabinet kung saan halu-halong nakalagay ang mga libro, magazine at newspaper na ginagamit niya sa iba’t-ibang art project sa school noon. Dahil matalas ang pag-iisip ay natandaan nya ang ilan sa mga linya ng kanta kanina. Relate much kasi siya. May pinaghuhugutan sa kasalukuyan nyang sitwasyon. Gusto nyang makabisa ang kanta.  Nahanap naman nya sa isang lumang song book ang lyrics ng kantang iyon.  “I see sparks fly whenever you smile.” Sabay yakap sa songbook at nagpatihulog siya sa higaan. “Hay… JJ.” Kinabukasan pagkagising nya.  “Ate… ate…” ginising niya ng boses ng kapatid habang hinahatak ang kanyang kumot. “Ano ba? Pano ka nakapasok sa kwarto ko? Wag mo akong istorbohin sa pagtulog.” Garalgal pa ang kanyang boses. “May duplicate kami ng susi ng kwarto mo ate. Alam kong kulang ka sa tulog dahil inisip mo magdamag si kuya J pero may bisita ka kasi eh!” Bigla namang napamulat ang kanyang mga mata sa narinig nyang bisita. “Sana agad mong sinabi.” Mabilis pa sa pag-init ng araw sa labas ang kanyang pagbangon. “Sandali lang kamo sa kanya ah. Mag-toothbrush lang ako.” saka siya dumiretso sa lababo. Nag-ayos lang sya ng sandali saka na tinungo ang pinto kung saan naghihintay ang kanyang bisita. Si JJ ang inasahan niya pero nagkamali siya. “Ikaw?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD