CHAPTER 37

2254 Words
TAHIMIK na umiiyak lamang si Gelaena habang nasa labas ng bintana ang kaniyang paningin. Kanina niya pa sinusubukan ang sarili na tumahan na, ngunit ayaw naman paawat ang kaniyang mga luha. Tuloy-tuloy pa rin sa pangingilid ang mga iyon. Humugot siya nang malalim na paghinga at saglit na inipon iyon sa kaniyang dibdib ’tsaka ibinuga sa ere. Umangat na naman ang kanang kamay niya upang punasan ang kaniyang mga luha, ngunit nabasa iyong muli. “Señorita Gelaena!” Narinig niya ang pagtawag ni Cullen sa pangalan niya. Ngunit hindi siya nag-abalang lingunin ito. Matagal na niyang kilala ang binata dahil matagal na itong bodyguard ng kaniyang papa. Mas matanda lamang ito sa kaniya ng limang taon marahil. Mabait ito kaya isa ito sa mga taong nakakasundo niya no’ng hindi pa siya tumatakas sa kanilang mansion. Pero ngayong nahuli na siya nito maging ng ibang tauhan ng kaniyang papa, mukhang mas papanigan pa ata ni Cullen ang papa niya at ang trabaho nito kaysa sa pagiging magkaibigan nilang dalawa. “Señorita—” “Stop, Cullen,” naiinis na wika niya habang hindi niya pa rin ito nililingon. “Kung hindi mo ako pabababain ngayon sa kotseng ito... huwag mo na akong kausapin.” Dagdag niya pa. Mayamaya ay narinig niya namang nagbuntong-hininga ito nang malalim. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa loob ng van na iyon. “Ihinto mo ang sasakyan sa gilid ng kalsada!” Narinig niyang utos nito sa driver. Bigla naman siyang napalingon sa binatang nasa tabi niya. Nagtiim-bagang pa ito nang lumingon din sa kaniya. Saglit siyang tinitigan nang seryoso bago muling bumuga ng hangin. “Ilang linggo ng nagagalit ang papa mo dahil hindi ka namin mahanap, señorita,” sabi nito. “Pero ayokong bumalik sa bahay, Cullen,” aniya. “You know what situation I’m going through right now, Cullen,” sabi niya at mas lalo niyang naramdaman ang pag-iinit sa ulok ng kaniyang mga mata habang matamang nakatitig sa binata. “So please! I’m begging you, Cullen! Huwag mo akong ibalik kay papa. M-masaya na ang buhay rito. I can do whatever I want, Cullen. So please...” ipinagsalikop niya pa ang kaniyang mga palad sa tapat ng kaniyang bibig. “Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo dahil ayaw mong mapagalitan ka ni papa. Pero... I’m your friend too, Cullen. At bilang kaibigan mo, nagmamakaawa ako sa ’yo.” Mayamaya’y biglang nag-iwas ng tingin sa kaniya ang lalaki. Tumingin ito sa unahan ng sasakyan. Pagkalipas ng ilang segundo, binuksan nito ang pinto sa tabi at bumaba. Nanatili lamang siyang nakatingin dito habang nagparoo’t parito muna ito nang lakad habang nakahawak sa batok nito. Ilang segundo pa’y muling sumakay ang lalaki at isinarado ulit ang pinto. “Ibalik mo ang sasakyan.” “Pero, boss—” “Gawin mo na ang utos ko!” ani nito. Wala namang nagawa ang driver kun’di paandarin ulit ang sasakyan at pinaikot iyon pabalik sa eskwelahan. Nagkatinginan pa ang tatlong bodyguard na nasa likuran nila. Nang lumigon ulit sa kaniya si Cullen, tipid siyang ngumiti rito habang may mga luha pa rin sa kaniyang mga mata. Kumilos ang isang kamay niya at inabot niya ang kamay nitong nakapatong sa kaliwang hita nito. Masuyo niya iyong pinisil. “Thank you, Cullen!” aniya. Kahit papaano, nawala ang kaba at pag-aalala sa puso niya dahil sa ginawa nito. Ang buong akala niya’y tuluyan na siyang makakabalik sa kanila. Mabuti na lamang at pinakinggan nito ang pakiusap niya. “Pero boss, siguradong magagalit sa atin si Señor Carlos.” Anang isang lalaki na nasa likuran niya. “Wala kayong sasabihin sa kaniya na natagpuan na natin ang kinaroroonan ni Señorita Gelaena,” sabi nito. “Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya. Huwag lang kayong madudulas dahil paniguradong malilintikan tayong lahat.” Ani nito. Muli siyang napangiti rito. “Thank you again, Cullen.” Tumango naman ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang seryosong hitsura. “Narito na po tayo!” anang driver nang maiparada nito ang sasakyan ’di kalayuan sa tapat ng eskwelahan. Kaagad namang binuksan ni Cullen ang pinto sa tabi nito at bumaba. Inilahad pa ang kamay nito sa kaniya upang alalayan siyang makababa. Tinanggap niya iyon. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere nang nasa harapan niya na ito. “Thank you again, Cullen.” “Just be careful, señorita.” Ngumiti siya rito at walang paalam na tumingkayad siya upang yakapin ito. “Ikaw na ang bahala kay papa, okay?” nang humiwalay siya rito mayamaya. Hindi naman sumagot ang lalaki, sa halip ay tahimik itong tumalikod sa kaniya at sumakay ulit sa sasakyan at umalis na rin iyon. Sinundan niya pa ng tingin ang sasakyan hanggang sa mawala na iyon sa paningin niya. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at sinupil ang kaniyang sarili. Inayos niya ang kaniyang buhok at muling hinaplos ang kaniyang mukha. Mayamaya, nang pumihit na siya para maglakad papunta sa gate ng eskwelahan ni Emzara, bigla siyang natigilan nang makita niyang naroon sa tapat ng gate si Gawen. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa direksyon niya. May dalawang patrol car din ang naroon. Bahagyang nangunot ang kaniyang noo at pagkuwa’y bigla siyang nakadama ng kaba sa dibdib niya. Oh, God! Nakarating agad doon si Gawen? Marahil ay tinawagan ito ng guard at sinabi rito ang nangyari sa kaniya kanina. Kahit kinakabahan siya at nag-aalala na baka nakita nito kanina ang pagyakap na ginawa niya kay Cullen, muli siyang humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere ’tsaka siya humakbang palapit dito. Naglakad din palapit sa kaniya si Gawen. Ang seryosong mukha nito kanina ay biglang naglaho at napalitan ng pag-aalala para sa kaniya. “Gelaena!” tawag nito sa kaniyang pangalan at nagmadali ng lumapit sa kaniya. “G-gawen!” “Hey!” ani nito at kaagad na hinawakan ang mga kamay niya. Malamlam ang mga matang tumitig ito sa kaniya at naramdaman niya ang mahigpit nitong pagpisil sa kaniyang mga palad. Kitang-kita niya sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kaniya. “Are you okay? What happened? Sino ang mga lalaking ’yon?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. Hindi naman agad siya nakasagot dito. Tumikhim siya upang tanggalin ang bolang bumara sa lalamunan niya. “Gelaena! Tell me what happened to you? I was worried about you nang sabihin sa akin ni Migo na nakatanggap siya ng tawag mula sa security guard ng eskwelahan. Ang sabi niya may mga lalaki raw na pumunta rito kanina at pilit kang kinuha.” Hindi lamang sa mukha nito mababakas ang labis na pag-aalala para sa kaniya, maging sa boses nito at sa nanginginig nitong mga kamay na nakahawak pa rin sa mga kamay niya. “Sinaktan ka ba nila? You cried, L’amour.” Hindi pa rin niya nagawang makapagsalita. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin niya kay Gawen! Sa ngayon, hindi niya pa masasabi rito ang totoo. Alam niyang magagalit at masasaktan ito dahil sa paglilihim niya sa totoo niyang pagkatao, pero sa tingin niya ay hindi pa ito ang tamang oras para magpaliwanag siya rito. Yumakap siya rito nang mahigpit na kaagad din namang ginantihan ni Gawen. Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng palad nito sa likod niya. “Oh, Gelaena! You scared me!” “Sorry,” sabi niya mayamaya. Ilang saglit pa’y ihiniwalay siya nito sa katawan nito. Ikinulong sa mga palad nito ang kaniyang mukha. “Tell me, please!” Hinawakan niya rin ang mga kamay nitong nasa mukha niya. “Pasensya na kung pinag-alala kita. Pero, ayos lang naman ako, Gawen. Hindi nila ako sinaktan.” Aniya. “Who are they?” “Um.” Tumikhim siyang muli. “P-pinsan ko,” sagot niya. “Kapatid siya ni Alison. Pinipilit niya kasi akong sumama sa kaniya kanina para umuwi sa amin. Ayokong umalis at sumama sa kaniya kaya sapilitan nila akong isinakay sa kotse nila. Pero... napakiusapan ko naman siya habang nasa biyahe kami kanina kaya ibinalik niya ako rito.” Pagpapaliwanag o pagdadahilan niya na lamang sa binata. Oh, I’m sorry, Gawen! I promise I’ll tell you everything. Soon. “Damn. Sobra akong nag-alala, Gelaena! I even called a police.” Nahihiyang ngumiti siya rito pagkuwa’y sinulyapan ang dalawang patrol car ng mga pulis na nakaparada sa labas ng eskwelahan. Naroon din si Migo habang kasama nito si Emzara. Banayad siyang bumuntong-hininga ulit at muling sinalubong ang paningin ni Gawen. “Pasensya na ulit—” “No it’s okay, L’amour,” sabi ni Gawen at ginawaran ng halik ang kaniyang noo pagkuwa’y muli siyang niyakap. Ipinikit niya nang mariin ang kaniyang mga mata at gumanti rin ng yakap dito. “Thank you, Gawen.” “Come. Let’s go!” ani nito at muli siyang pinakawalan. Hinawakan nito ang kaniyang baywang at iginiya na siya papunta sa gate ng eskwelahan. “Mayor!” anang isang pulis na lumapit agad sa kanila. “She’s fine now, hepe! Thank you.” “Mabuti naman po, Mayor! Paano po, babalik na kami sa presinto.” Tumango naman si Gawen at hepe. “Thank you,” wika pa nito ’tsaka tumalikod na ang mga pulis at sumakay sa patrol car. “Gelaena, are you okay?” tanong sa kaniya ni Emzara nang lumapit ito sa kanila ni Gawen. Ngumiti naman siya sa bata at umupo upang pantayan ito. Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Okay lang ako,” sagot niya. “Sorry kung nag-alala ka.” “I was really worried about you,” wika nito at kaagad na yumakap sa kaniya. Napangiti siya ng malapad nang gantihan niya rin ang yakap nito. “Salamat, Emzara.” Aniya. At nang sulyapan niya si Migo, seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Ipinagpalipat-lipat pa nito ang tingin sa kanila ni Gawen. Mukhang nagtataka marahil ito sa mga nangyari. Lalo na at nakita nito ang pagyakap nila ni Gawen sa isa’t isa kanina. At sigurado siyang nakita rin nito ang paghalik ni Gawen sa noo niya. Tipid siyang ngumiti rito. “Let’s go home!” Bumitaw sa kaniya si Emzara ’tsaka siya tumayo. Hinawakan niya ang kamay nito ’tsaka sila naglakad palapit sa kotse ni Gawen. Sa backseat silang tatlo umupo habang sa front seat naman pumuwesto si Migo. Naging tahimik lamang siya habang nasa biyahe na sila pabalik sa mansion. Nakatanaw lamang siya sa labas ng bintana habang iniisip pa rin ang mga nangyari kanina. “Are you sure you’re okay now, Gelaena?” Napalingon siya kay Emzara na nasa gitna nila ni Gawen. Hinawakan pa nito ang kaniyang kamay. Ngumiti siyang muli sa bata. “Okay lang ako, Emzara. Huwag ka ng mag-alala,” wika niya rito. “You don’t seem okay, Gelaena. Are you thinking of something?” Saglit niyang sinulyapan si Gawen na nakatingin na rin sa kaniya. Pagkuwa’y umangat ang isang kamay niya sa tapat ng mukha ni Emzara at inayos niya ang baby hair nito. Inipit niya iyon sa likod ng tainga nito. “Ayos lang ako, Emzara. Naisip ko lang ang tatay ko dahil sa naging pag-uusap namin ng pinsan ko kanina,” pagdadahilan niya ulit. “Why? What happened to your tatay?” tanong nitong muli. Tumikhim siya at muling napasulyap kay Gawen na nakatingin pa rin sa kaniya. Mayamaya’y mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito at muling tinitigan si Emzara. “Okay lang naman ang tatay ko,” sabi niya. “Kaso... palagi kasi siyang nag-iinom kaya lagi niya akong pinapagalitan. Kaya nag-decide akong umalis sa amin at magtrabaho na lang muna bilang yaya mo para kahit papaano ay makaiwas ako sa pagtatalo naming dalawa.” “Does he hurt you when he gets drunk?” “Mmm, isang beses,” sagot niya ulit. At nang muli siyang sumulyap kay Gawen, nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Marahil hindi nito inaasahan ang kaniyang naging sagot kay Emzara. “He hit you?” tanong ulit ni Emzara sa kaniya. Ngumiti siya rito. “Ang dami mo namang tanong, señorita,” sabi na lamang niya upang hindi na niya sagutin ito. “Kumusta naman ang klase mo? Very good ka ba kanina?” pag-iiba niya ng tanong dito. Sumilay naman ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi nito at ipinakita sa kaniya ang isang kamay. “Look, Gelaena. I got stars.” “Wow! Very good ka nga!” aniya at masuyong hinaplos ang pisngi nito. “At dahil diyan, magluluto ako ng banana cue mamaya para sa snacks mo.” “Yehey! I’m excited, Gelaena.” Pumalakpak pa ito at pagkuwa’y binalingan ng tingin si Gawen. “Have you tasted the banana cue cooked by Gelaena, Daddy Mayor?” tanong nito. Ngumiti si Gawen. “Not yet,” sagot nito. “Pero kung magluluto si Gelaena mamaya, I will try.” Sumulyap pa ito sa kaniya. “You should, Daddy Mayor. Masarap po ’yon.” “All right. I’ll try it later, sweetie.” Ani nito at sinulyapan siyang muli at ngumiti. Napangiti na lamang din siya. At mula sa likuran ni Emzara, naramdaman niya ang kamay nitong humawak sa kamay niya. Saglit siyang tumingin kay Anilito na nasa driver’s seat at kay Migo na nasa front seat. Nakatuon naman sa unahan ang paningin ng dalawang binata kaya pasimple siyang tumingin sa likuran ni Emzara at pagkatapos ay ipinagsalikop nilang dalawa ni Gawen ang kanilang mga palad. Ngumiti siyang muli nang magkatinginan ulit sila ng binata. Kumindat pa ito sa kaniya na lihim niyang ikinakilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD