CHAPTER 1

1255 Words
CRISTINE “Tine, sasama ka ba sa amin?” Tanong sa akin ng isa mga tropa ko dito sa barangay namin. “Saan ba ang lakad niyo?” Tanong ko sa kanila. “Mag-aapply kami doon sa sinabi sa amin ni Atong.” Sagot sa akin ni Belyn na isa sa mga kaibigan ko. “Iyan ba ‘yung sinasabi niyo na rental service?” Tanong ko sa kanya. “Oo, ito nga ‘yun. Ang sabi kasi nila ay malaki raw ang bigayan doon. Lalo na kapag maganda rin ang performance mo. Hindi performance sa kama ha. Kundi bilang rental girlfriend o bride.” Sabi pa ng isa sa mga kaibigan ko na si Michelle. “Sige kayo na lang muna. May pasok kasi ako ngayon sa bar.” “Bar? Anong trabaho mo doon?” Gulat na gulat na tanong sa akin ni Glory. “Waitress, uy ‘wag kayo dahil matinong bar ito.” Sabi ko sa kanila. “Okay, sige. Alis na kami, kapag natanggap kami at maganda ang sahod ay magwalwal tayo sa day off namin.” Sabi pa ni Belyn. “Sige, ingat kayo mga beb.” Sabi ko sa kanila. Nang makaalis na sila ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Naglingas ako ng kahoy para makapag luto na ako ng tanghalian namin. Pero nang buksan ko ang bigasan namin ay wala ng laman. “Carl, bumili ka nga sa palengke ng bigas!” Pasigaw na utos ko sa kapatid ko. “Ayaw ko, ate. Inaantok pa nga ako eh.” Sagot niya sa akin. “Napaka-tamad mo talaga. Wala ka ng ibang ginawa kundi matulog at kumain. Tapos sa gabi gising ka para gumala. Hindi ka man lang tumutulong dito sa bahay. Ni paghugas ng pinagkainan mo si nanay pa ang gumagawa pag-uwi niya. Imbes na tumulong ka sa amin ay wala. Mas masarap pa buhay mo eh hindi ka naman anak mayaman.” Sermon ko sa kapatid ko. “Ang ingay mo, ate. Mas maingay ka pa kay nanay.” sabi niya sa akin. “Dapat lang, palibhasa kasi hinahayaan ka lang. Kapag talaga ikaw mapasama sa trouble dahil sa mga kaibigan mo ay ‘wag kang iiyak sa akin.” sabi ko sa kanya at lumabas na ako sa bahay para pumunta sa palengke. Nakakapagod pero wala akong choice. Kailangan kong mabuhay sa araw-araw. Sayang naman itong beauty ko kung mamatay na agad ako. Masarap pa rin mabuhay kahit pa ang hirap ng buhay. Habang naglalakad ako ay pangiti-ngiti pa ako. Basa ang daan dahil nga kagagaling sa baha. Kanina lang humupa ang tubig. Bahain talaga dito sa amin, mabuti na lang talaga at hindi gaanong tumaas ang tubig. “P*tek na ‘yan!” nagulat ako dahil bigla na lang may dumaan na kotse sa tabi ko kaya nabasa ako. Bwisit na ‘yon, ang bilis niyang magpatakbo. Naiinis ako pero tinandaan ko pa rin ang plate number ng kotse niya. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang madumihan ng putik ang damit ko. Hirap na hirap na nga akong pagkasyahin ang sabon panlaba tapos madumi pa kaya mas marami ang magagamit ko na sabon sa damit ko. “Kung sino ka man na bwisit ka at sana mabangga ka,” sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang bibig ko pero kaagad ko naman na binawi dahil baka biglang magkatotoo. Hindi naman ako ganun na tao. Minsan lang kapag galit ako. Nahihiya naman ako pero wala na akong choice. Hindi na ako puwedeng bumalik sa bahay para magbihis. Habang papalapit ako sa palengke ay nasipatan ko ang kotse kanina. Binilisan ko ang lakad ko at mabilis kong sinira ang side mirror niya. “What the h*ck?” galit na tanong sa akin ng Greek God. I mean ng lalaking nasa harapan ko. “Sh*t! Tao ba siya?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. “Baliw ka ba? Bakit mo sinira ang side mirror ko?” galit na tanong niya sa akin. “Ako baliw? Baka ikaw?” tanong ko rin sa kanya. “Hoy, babaeng d*gyot alam mo ba kung magkano itong kotse ko?” tanong niya sa akin pero hindi sa kotse niya napanting ang tainga ko kundi sa pagtawag niya sa akin na d*gyot. “Hoy, lalaking pangit. Hindi ako magiging madungis kung hindi ka kaskasero. Ang sama ng ugali mo!” sigaw ko sa kanya. “Kasalanan ko ba kung t*nga ka sa daan!” “Hindi porket mukha kang mayaman ay ikaw na ang hari ng daan.” “Ako nga ang hari, may problema ka ba?” masamang tingin na sabi niya sa akin. “Mayabang!” sabi ko at tumalikod na ako. Pero nagulat ako dahil bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman sinuntok ko siya. “What the fvck?” sigaw niya sa akin. “Bakit mo kasi ako hinahawakan?” “Aalis ka lang, sa tingin mo makakatakas ka sa akin. Bayaran mo muna ang sinira mo.” sabi niya sa akin. “Bayaran mo rin ang sabon na gagamitin ko sa damit ko. Sa tingin mo may pera ako para bayaran ka. Para sabihin ko sa ‘yo mahirap lang ako. Kaya kahit maglumpasay ka pa d’yan ay wala kang makukuha sa akin dahil sapat lang para sa isang kilong bigas ang pera ko. Kung hindi mo sana ako ginalit ay hindi ko sana sisirain ang side mirror mo.” “So kasalanan ko pa ngayon?” kunot noo na tanong niya sa akin. “Oo, kasalanan mo–” “Anak, sino ba ang kaaway mo?” tanong ng isang magandang babae sa lalaki. Mama niya ito, grabe naman para lang silang magkapatid. “Itong babaeng ito, mom. Sinira niya ang side mirror ko. Ipapakulong ko siya,” sabi pa ng lalaki. “Eh mas malala nga ginawa mo sa akin. Kita mo ‘to! Saka ito! Ikaw lang naman ang may gawa nito sa akin.” sabi ko sa kanya. “Iha, anong pangalan mo?” nakangiti na tanong niya sa akin na para ang hindi man lang siya galit. “Bakit niyo po tinatanong? Ipapa-salv*ge niyo po ba ako?” tanong ko sa kanya dahilan para bigla na lang siyang tumawa. “Mukha ba ako–” “Hindi po, sorry po.” sabi ko sa kanya dahil bigla akong nahiya sa sinabi ko. “Kung may ginawa man itong anak ko sa ‘yo ay pagpasensyahan mo na. Nagmamadali siguro siyang daanan ako dito sa palengke kaya hindi niya napansin na may tubig banda sa ‘yo kanina. Don’t worry dahil ibibili kita ng maraming detergent.” nakangiti na sabi niya sa akin. Namangha naman ako sa kabaitan niya hindi tulad ng anak niya na impakto. “Naku, ‘wag na po. Hayaan niyo na lang po akong umuwi dahil kailangan ko na pong magsaing.” sabi ko sa kanya. “Sigurado ka ba?” tanong niya sa akin. “Opo, sigurado po ako.” “Sige, iha. Ingat ka.” sabi niya sa akin ngunit bago siya pumasok sa loob ng kotse ay binigyan niya ako ng calling card niya. “If ever na kailangan mo ng tulong,” sabi niya sa akin. “Hindi pa tayo tapos, ipapahanap kitang pangit ka.” sabi sa akin ni pogi este impakto pala bago siya sumakay sa kotse niya. “Kung mahahanap mo ako, bwisit ka!” sigaw ko bago ako naglakad papunta sa bilihan ng bigas.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD