When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAPAKIBOT ang ilong at labi ni Cloudy at hindi napigil ang maluha. Napasinghot pa siya habang nakababa ang tingin. Napakurap pa siya nang biglang makita sa pagkakatunghay niya ang isang kamay na may hawak na puting panyo. Nag-angat siya ng tingin at pinilit na ngumiti sa lalaking lift attendant. "Sige na, Miss, para naman paglabas mo sa elevator mamaya sa ground floor hindi agnas 'yang mukha mo ahm...ang ibig kong sabihin hindi agnas 'yong make up mo," seryosong sabi nito saka muling iniabot sa kaniya ang panyo. Nahihiya pang kinuha niya iyon saka idinampi sa tigkabila niyang pisngi bago siningahan. Napakurap ang lift attendant dahil doon. "Ano bang nangyari?" pagkuwa'y usisa nito. 'May pagka-chismoso pala ang isang 'to," sa loob-loob niya. 'Dibale okay na din para mailabas k