3:

2446 Words
CHOPPER ngang tunay ang kasalukuyang nakikita ni Haya na naghihintay sa kaniya habang hirap na hirap siyang hila ang maleta niya! Pesteng Lautus, ungentleman. Ni hindi siya tinulungan! Nang mag-lend naman ng help ang tauhan nitong nagpakilala sa kaniyang si Vio, inawat nito! Heto tuloy siya, hiningal na sa paghila ng mabigat niyang maleta na ni sa hinagap ay hindi niya man lang naisip na siya mismo ang hihila! Sapo ang sarili niyang dibdib, huminto siya nang makapanhik na siya sa itaas ng gusaling iyon kung saan nandoon ang chopper. Gusali iyon na siyang bahay rin ng bilyonaryo. Oo, bilyonaryo ngang tunay, kaya hambog ang lalaki! "Mabigat ba?" Awtomatiko na yatang nanlilisik ang mga mata niya sa tuwing nakapikit siya at gigisingin ang diwa niya ng boses ni Lautus. "Obvi ba?" she said sarcastically. Tumayo na rin siya at nagdadabog na sinimulan na ulit hilahin ang maleta niya. "Ang dami mo naman kasing nilagay sa maleta mo, para namang hindi ka na uuwi sa mga Henson niyan," anang bilyonaryo nang makatalikod na siya rito. "Wala kang pakialam at hindi mo rin naman mauunawaan kung magpapaliwanag ako sa 'yo," masungit niyang sagot. Hindi rin niya alam sa sarili kung bakit niya pa patuloy na nakakayanan na kausapin ang lalaki. Hanggang sa si Haya na rin ang piping sumagot sa sarili niyang tanong. Naramdaman na lang kasi niya na gumaan ang hila niya. Binuhat lang naman kasi iyon ng lalaking hambog at ungentleman pero hindi rin naman siya matiis. Siyempre, kunwari ay nagtakang nilinga niya ito. Hindi niya puwedeng ipakita kay Lautus Traverson na natutuwa siya sa kaalaman na hindi siya nito natitiiis at baka sa susunod ay hindi na tumalab ang mga kaartehan niya sa lalaki. "Buti naman naisip mo 'yan." Nakanguso niyang sambit dito. Nagkibit ito ng mga balikat. "Nakakahiya naman sa 'yo. Hirap na hirap ka na e. Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na bitbitin mo ang buong bahay mo papunta sa bahay ko, ikaw naman itong nagbigay ng isang buwan na palugit." "Kulang pa nga ang mga gamit at damit na nariyan para sa isang buwan," ani Haya, nakaingos. Sumunod na rin siya sa lalaking binitbit na nga ang maleta niya. Naawa na nga sa kaniya. "Ewan ko sa 'yo. Paanong magkukulang ang sa tingin ko ay buong closet na ang laman sa laki at bigat nito." Hirap na nga ang dalaga sa hila na pagkalaking maleta na masakit sa mga mata ang glitters at kulay niyon na neon purple, may bitbit pa ito sa malayang kamay na purse bag, may nakasukbit pa na tote bag sa balikat nito. Idaragdag na rin ni Lautus na talagang mahihirapan ito dahil sa pagkataas ba naman ng takong ng sapatos na suot nito. Animo magmo-modelo ito sa New York kahit hindi naman siya nagkulang sa pagsasabi rito na pupunta sila ngayon sa private island niya at doon sila mananatili muna sa loob ng isang buwan na palugit nito na pagsasama nila sa iisang bahay. Kahit ayaw niya sanang tulungan ito, heto at napilitan na siyang buhatin ang maleta nito. Kawawa naman e, nangingintab na sa pawis ang mukha nitong hindi niya lubos maunawaan kung saan na napunta ang pores. "May mga gamit kasi kaya mabigat 'yan, okay? 'Yan talaga ang ginagamit kong maleta kapag nag-ta-travel ako out of the country. Minsan dalawang ganyan." Lihim na napailing na lang si Lautus sa tinugon sa kaniya ng dalaga. "Mauna ka na," sambit niya na lang dito nang medyo makalapit na sila sa chopper. "Okay," tipid na sabi naman ni Haya sa kaniya. Dahil bumubuga na ng kaunting hangin ang chopper na siyempre ay may kalakasan sa normal na hangin, nang umakyat na ang dalaga sa hagdan niyon ay medyo umangat ang suot nitong maiksi pa naman na bestida. Napatiim bagang na lang siya nang masilip na nga niya ang kulay ng suot nitong undies—purple. "Thanks," pasasalamat ni Haya kay Lautus na makasampa na sila sa chopper. Kinuha na niya ang maleta niya sa bilyonaryong nakasuot na naman ng sunnies. Hindi makapaniwalang tinaasan lang siya ng kilay ng lalaki. Nagulat yata na nagpasalamat siya. Well, marunong naman siyang mag-thank you sa mga nakakatulong sa kaniya tulad nang marunong din siyang magsungit sa mga taong nakakairita. "Napakaiksi ng bestidang suot mo. Kinulang ba sa tela ang ganyang dress talaga o sadyang pinaiksian mo lang?" Nabigla si Haya sa out of the topic na sinabi sa kaniya ng katabi niyang lalaki. Ni hindi man lang nito hininaan ang boses sa pagkakasambit niyon, na bakit nga naman gagawin nito, katulad ng sasakyan nito ay may improvised na division din ang chopper na kinalululanan nila. Sila lang dalawa ang magkakarinigan sa usapan nila. "Ano namang connect ng dress ko sa 'yo?" pagsusungit ng dalaga. "Wala, nakita ko lang naman na ang panty mo ay kakulay ng maleta mo." Nandilat sa pagkabigla si Haya. "What the!" hindi siya makapaniwalang napabuga ng hangin. "Naninilip ka ha!" akusa niya. Lautus smirked. "Iba ang naninilip sa may nasilip, missy." "Kahit na! Hindi mo 'yon makikita kung hindi ka nakatingin sa body part na 'yon ng isang babae!" Pagak na natawa si Lautus. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang Haya Henson? Binibigyang katwiran naman nito ang lahat kahit pa nga sa sarili nitong pandinig ay baluktot iyon. "Nauna ka kaninang sumampa sa chopper kaya ko nasilip," aniya saka niya ito iningusan. "Sa susunod, 'wag ganyan kaikli ang isuot mo, puwede ba?" "Hey, wala kang karapatan na pagbawalan ako," Haya hissed. At anak naman ng tokwa, sa lahat naman yata ng babaeng sumisingasing na sa inis, ito na ang pinakamaganda na gumanap niyon. Kung paanong ang nguso at mga kilay nito ay nalulukot sa paraan na hindi pa rin nababawasan ang ganda nito, hindi maarok ng isipan niya kung paano nito iyon nagagawa. "May karapatan ako, mapapangasawa mo 'ko." "Hah! Siguradong-sigurado ka naman yata?!" anang heredera sa kaniya, nandidilat na naman ang magagandang mga mata sa kaniya. "Mister, ngayon pa nga lang ay hindi na tayo magkasundo, 'no." She rolled her eyes. Mariin niyang tinitigan ito. "Kaya nga kita pinagbabawalan na magsuot ng ganyang mga damit, para magkasundo tayo." "Tigilan mo 'ko ha, hindi naman para sa 'yo ang pananamit kong ito kaya wala kang karapatan na manduhan ako sa isusuot ko o hindi—" Matinis na tili na ang sumunod na naibulalas ng dalaga. Paano ay nauga ang chopper. Buti na lang nakahawak ito sa arm rest kaagad kundi ay titilapon ito panigurado sa gilid ng upuan. "Hindi mo pala ikinabit ang seatbelt mo," aniya, iiling-iling. Hinugot naman kaagad ni Haya ang seatbelt para isuot na iyon sa kaniyang sarili. Kaya lang, sa kamalasan, hindi pa man niya iyon naisusukbit ay umuga na naman ang chopper. Sa pagkakataong iyon tuluyan na siyang dumausdos sa kaniyang kinauupuan—huli niyang nakita ang nag-aalalang mukha ni Lautus nang agad siya nitong dinaluhan. "Haya!" His eyes widened. Hindi na alam ni Lautus kung paanong mabilis niyang naalis ang seatbelt na nakakabit sa dibdib niya upang madaluhan niya kaagad ang dalagang dumausdos na sa sahig—pabukaka pa at nakabungad sa mga mata niya ang panty nitong kulay purple! "Let me go!" Kawag pa ni Haya Henson. Pinapalis na pilit ang palad niyang nakahawak sa braso nito. Nagawa namang mailigtas ito ng binata sa akmang pagkakauntog. 'Yon nga lang, wala na siyang magagawa upang maiiwas niya ang mga mata niya sa panty nito. Kandatago tuloy ang dalaga roon. Hindi malaman kung paanong tatakpan pa iyon gayong nakita na naman niya. "'Wag ka nang mag-effort na itago 'yan, nakita ko na naman na," ani Lautus. Tumili si Haya, and hell, 'yon na ang kauna-unahang tili na narinig niya sa buong buhay niya na parang binibiyak ang ulo niya sa tinis ng tunog! "See? Hindi mo masasabi ang aksidente," pagalit niyang turan sa babaeng may katigasan talaga ang ulo. Dahil lalaki siya, mas malakas siyang 'di hamak dito, nagawa niyang maiangat pa rin ito mula sa pagkakasubsob nito sa sahig at maibalik niya ito sa kinauupuan kahit pumapasag pa ito. Napabuntonghininga siya. Ngayon nga ay kinakabit na niya ang seatbelt nito. "Napakatigas ng ulo mo," dagdag pang turan niya rito. Nang sa wakas ay maikabit niya ang seatbelt sa dibdib nito, saka lang niya naalala na hindi na kumikilos at nagsasalita ang babaeng bratinella. Nang mag-angat siya ng tingin dito ay ganoon na lang ang panggigilalas niya nang mapagtanto niyang may namumuo nang luha sa mga mata nito. "N—Nasaktan ka ba?" Iyon ang unang pumasok sa isip niya, agad niya ring sinipat ang katawan ni Haya. "Stop touching me," masungit na saad nito sa kaniya. "Hindi ako nasaktan," ani pa nito, hinawi ang kamay niya. Nagsimula na rin 'tong humikbi. "Then why are you crying?" Hinuli niya ang tingin nito, umingos lang naman ito, iniwasan ang mga mata niya. "Haya—" "I'm okay. Na—Nahihiya lang ako sa 'yo," pag-amin nito, mahina ang boses. Saka ito napayuko at pasimpleng pinahid ang naglandas nang luha sa pisngi nito. "Leave me alone, please." Malalim ang sumunod na buntonghininga na pinakawalan niya. Aaminin niyang ikinagulat niya ang pag-iyak nito, kilala niya kasi itong matapang. But hey, aaminin din naman niyang may parte sa kaniya ang natuwa sa nakuha niyang reaksyon mula rito. Kung ganoon kasi na napahiya ito sa harap niya ngayon at umiyak ito, maaaring sa mga susunod na pagkapahiyang mangyayari rito nang naroon siya ay hindi na nito iyon indahin na katulad sa nangyari ngayon. Dahil wala siyang planong i-baby ang nag-iisang apo ni Don Vladimir. Iyon din naman ang napagkasunduan nila ng huli. ISLA Heredera, 'yon ang nakasulat sa arko na malayo pa lamang ay natatanaw na ni Haya. Awtomatiko ang pagkunot ng mga kilay niya sa nabasa. "Akala ko ay sa 'yo ang isla na 'to?" tanong niyang may pagtataka kay Lautus habang bumaba na sila sa sinakyan nilang chopper. Buti naman at sa pagkakataong iyon ay ito na ang nagkusang ipabitbit kay Vio ang mga dalahin niya. "Sa 'kin nga," tipid na tugon ng binata sa kaniya. Hindi na kumibo pagkatapos. Lihim na pinagkibit niya na lang ng mga balikat iyon. Hindi naman nito sinundan ang sinabi, mukhang ayaw makipag-usap. Suplado rin minsan. Hindi rin naman kasi biro ang naging byahe nila papunta roon at nasa dulo na pala ng Pilipinas ang isla. Maging siya ay pagal na rin. Pero hindi naman pagal ang bibig niya kaya baka puwede pa naman siyang magtanong ulit. "'Yang malaking bahay na 'yan na kulay krema at itim ang dominanteng kulay, for sure ay sa 'yo 'yan. E kanino naman ang mga maliliit na bahay na naroon sa gawing kaliwa?" Iyon ang mga nakikita niyang bahay. Parang isang maliit na komunidad ang isla na ang pinakamalaking bahay ang masasabi talagang owner ng islang iyon, wala na ngang iba. Isla at kagubatan to be more precise. Dominanteng puno roon ay niyog. "Yup. Ang mga bahay na 'yan sa kaliwa ay tirahan ng mga taong nagsisilbi sa niyugan," sagot sa kaniya ng bilyonaryong humble. Hindi niya kasi narinig na sinabi nitong bahay nito ang malaking bahay na iyon at tauhan nito sa niyugan ang mga owners ng mga bahay na naroon. Kung isa sa mga tiyuhin niya ang magsasalita ng ganoon ay paniguradong may 'ko' at 'sa akin' ang gagamitin na salita. "Haya, nakalimutan kong sabihin nga pala sa 'yo na generator lang ang nagpapatakbo ng kuryente rito at minsan sa madalas pa nga ay walang kuryente." Napamulagat si Haya sa narinig. "What?! Are you freaking serious?!" Tinapunan siya ng tingin ni Lautus na parang bored na bored ito. "Kailangan ba talagang sa lahat ng sasabihin ko ay itatanong mo kung seryoso ako?" anito, saka tinalikuran na siya. Nagkiskisan ang mga ngipin ni Haya sa inis na naman dito. Kaagad niya itong hinabol. Hindi siya maaaring magtagal ng isang buwan sa lugar na iyon kung ganoon na madalas pang walang kuryente roon sa wala! Mamamatay siya nang walang internet! "Lautus—" ang paghabol niya at pagtawag sa pangalan ng huli ay naudlot, naramdaman niya kasing bumabaon ang takong ng sapatos niya sa lupa! "Oh my ghad!" Malakas na suminghap siya. Natutop niya ang kaniyang bibig, nang yukuin niya kasi ang mga paa niya ay tila iyon unti-unti nang nilalamon ng malambot na lupa! "Señorita!" Humahangos na sambit ni Vio. Lalapitan sana siya pero umatras din ito, hindi siya hinawakan! Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ni Haya nang mapuna niyang ang kinatatayuan lang niya ang lumulubog. Ang kinatatayuan lamang niya ang may malambot na lupa—talking about life is unfair! "Ano pa ang tinatanga-tanga mo?! Help me!" asik niya kay Vio. Nilapat niya ang palad niya sa lalaki upang abutin nito iyon. Kailangan siyang iligtas nito dahil lubog na halos ang kalahati ng binti niya sa lupa! Taranta si Vio, hindi malaman ang gagawin. Gayundin ang iba pang tauhan ni Lautus na kasamahan nito. Ang tatanga! Hihilahin lang siya, bubuhatin lang siya ay hindi pa magawa ng mga ito! "Help me! Carry me!" sabi niya sa mga ito sa nandidilat na mga mata. Kung puwede lang sana ay sinabihan na niyang idiot talaga ang mga ito. Kaso lang ay baka lalo siyang hindi tulungan. Hindi niya maunawaan kung bakit parang nagkakapakiramdaman pa ang mga ito, mga nag-uusap sa mga mata, imbes na kumilos na at tulungan siya. "Ano ba?!" muling asik ni Haya. "E, Señorita Haya—" "Hindi ka nila maaaring hawakan," naputol ang sinasabi ni Vio nang magsalita si Lautus, ang lalaking bida sa mga nobela na may ari ng isla, bow. Mas lalong nagkiskisan ang mga ngipin niya at dito naman napunta ang matalim niyang tingin. "Nandidiri na ako sa paglubog ng mga paa ko! Baka gusto mo 'kong tulungan? Wala akong panahon sa mga arte mo ngayon, Lautus Traverson," she said firmly. Kung ano na naman kasing kaartehan ang gusto nitong iparating, hindi ito ang tamang oras para roon, damn it! Lautus smirked. Hayun na naman ang nakakalokong pagtaas ng isang sulok ng labi nito at pag-cross arms nito. "Haya Henson, katulad mo ay hindi ko rin gustong hinahawakan ang pag-aari ko nang walang permiso mula sa 'kin." Pag-aari? Siya ba ang tinutukoy ng hambog na 'to? "Hindi mo ako pag-aari!" she hissed at him. "Tsk, ang hirap sa 'yo, hindi mo pa matanggap na ako rin naman ang mananalo sa 'ting dalawa sa larong sinimulan mo." Hindi na nakapagsalita si Haya. Nilapitan na kasi siya ng hambog na lalaki. Nilapitan siya at mula sa kinatatayuan nitong lupa na may ilang hakbang pa ang agwat sa kaniya ay in-scoop siya nito—hawak mismo ang pisngi ng puwit niya—saka siya binuhat nito na para siyang isang sako ng bigas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD