SI Avery ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay nila ng nobyo niya. Nagkaroon sila ng matinding pag-aaway sa gitna ng pagmamaneho nito na naging dahilan kung bakit nabangga ang kotseng minamaneho ni Mikael.
Hindi akalain ni Avery na malalagay sa panganib ang buhay nilang dalawa. Labis niyang sinisisi ang sarili lalo pa n'ong na-comatose ang lalaki.
Datapwat hindi ito pinabayaan ni Avery, hindi pa rin nawala sa sarili niya ang labis na pagsisisi—hindi niya kayang mawala sa kaniya si Mikael ito ang naging buhay niya sa mahabang panahon na may relasyon silang dalawa.
Sa bawat araw na lumipas sa buhay niya pinagdadasal niya na sana bumalik na ang kamalayan nito at sa sarili pinapangako niyang ibibigay ang buong pagmamahal dito, wala na siyang ititira pa.
Dininig ng langit ang panalangin ni Avery nang magising si Mikael, ngunit 'yon na lamang ang pighating naramdaman niya nang hindi man lang siya naalala.
Ang mas masakit para sa kaniya ay wala itong ibang naalala kundi ang babaeng una nitong minahal na naging dahilan kung bakit nanganib ang buhay nilang dalawa.
Ano ang kayang ibigay ni Avery sa larangan ng pag-ibig? Isasakripisyo niya ba si Mikael o gagawin ang lahat ng makakaya niya para siya'y maalala at mahalin nitong muli?