bc

My Boyfriend is a Vampire (Tagalog) |Free|

book_age12+
3.1K
FOLLOW
9.9K
READ
powerful
royalty/noble
twisted
bxg
campus
city
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

What if paggising mo boyfriend mo na pala ang bestfriend mo??

and worst may nalaman ka pang isang sikreto niyang matagal na pala nitong itinatago...

My bestfriend who became my boyfriend is a real vampire... hala ka.. bakit naman yata naging complicated ang buhay niya?? pero mas malala kung malalaman pa niya ang isang lihim sa kanyang pagkatao

chap-preview
Free preview
Chapter 1:Euey
Nous serons toujours ensemble, de toute éternité BUSY si Euey sa pag-rereview ng test nila sa Physics kasama ang bestfriend niyang si Reese. Breaktime nila ng mga oras na 'yon at pareho silang nakasalampak sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa loob ng school grounds. "Argh!" marahas na ibinaba ni Reese ang librong binabasa. "Oh, nangyari sa'yo?" tanong niya kahit alam na naman niya ang sagot. "Nagtanong ka pa! Alam mo namang kahit na anong aral ko sa tinamaan ng lintik na Physics na 'yan wala pa rin akong masasagot!" tungayaw nito at hindi na niya mapigilan ang tawa niya. "Bakit sino bang hindi nakapag-aral dahil nakipag-date?" taas-kilay na tanong niya. Bigla na lang nitong ginagap ang kamay niya. "Sige na, Euey alam ko namang mahal na mahal mo ako 'di ba? pakopyahin mo muna ako." nagpapungay pa ito ng mga mata. "Please..." She just rolled her eyes irritably. "Mag.du.sa.ka. Ako pa ang ipapahamak mo samantalang alam mo naman kung gaano katinik si Ma'am Rosalie sa mga cheaters." "Whaaa..." Sinabunutan nito ang may kaikliang buhok. "2012 na." "2012 na po." "Apocalypse." "Movie 'yun." "Armageddon." "Just the same." "It's freaking the end of the Earth, mamatay na tayong lahat!" "Mag-isa ka." nang mapansin niyang pinagtitinginan na sila ng iba pang mga estudyante ay hinalungkat niya ang kanyang bag habang patuloy sa pag-momologue ang kaibigan niya. Nang makita niya ang hinahanap ay agad niya iyong sinalpak sa bibig ng kaibigan. May sinabi ito pero dahil puno ang bibig kahit marahil ito ay hind naintindihan ang sinabi hanggang sa ito na mismo ang magtanggal ng tinapay sa bibig. "'Langya, gusto mo lang talaga ako mawala sa mundong ibabaw 'no?" 'Uy.... Buti naman at alam mo." binalikan niya ang pagbabasa ng libro. "Napakasama mo talagang kaibigan." Muli niya itong binalingan."Masama pala eh, akin na 'yung sandwich ko." akmang niyang kukunin ang hawak nito na maagap nitong itinaas. "Ikaw naman Euerina hindi ka na mabiro." Sinamaan niya ito ng tingin. "Alam mo Theresita, kung ayaw mong magkagulo tayo tantanan mo ang pangalan ko, 'yang pangalan mo ang pag-tripan mo." Agad na nalukot ang mukha nito sa pagkakabanggit niya ng tunay nitong pangalan. Binalingan na lang nito ang sandwich na hawak, "Alam mo mabuti pa kayong mga pagkain." kinagatan nito ang sandwich. "Mas madali pang kausap, magkakalaman pa ang tiyan ko. Hindi katulad ng Physics na 'yon at ang best friend kong kontrabida." muli itong kumagat ng sandwich. Napailing na lang siya sa kaibigan at hindi na pinatulan ang 'pakikipagusap' nito sa pobreng pagkain. Mas itinuon na lang niya ang pansin sa pag-rereview kung tutuusin naman kasi ay matalino naman talaga ito kung hindi lang talaga may sapak sa utak. Magkaklase sila sa Blue Rose University simula noong junior high pa lang sila. Hindi katulad ng ibang school sa Pilipinas sinusunod ng school na iyon ang education ladder sa ibang bansa. May junior high at senior high palibhasa kasi ay british-spanish ang may-ari ng school na iyon. Pareho sila ni Reese mula sa prominenteng pamilya kaya nagawa nilang maka-afford sa ganoong klaseng eskwelahan Naging magkaklase sila noong fifth grade nang mag-transfer ito sa kalagitnaan ng quarter at simula noon ay hindi na sila naghiwalay. Outgoing, funloving, matakaw at maingay ang kaibigan niyang kabaliktaran daw niya na seryoso at tahimik well sort of. Pero kahit na ganoon ay marami pa ring humahanga sa kanilang dalawa. Yup, silang dalawa, though masasabing magkaiba talaga ang ugali nila ay pareho silang maganda in a different kind of way. Reese has an Asian features may mga mata itong parang laging nakangiti at kayumanggi samatalang siya naman daw ay parang isang countess na nagmula sa 16th century dahil sa angkin niyang features kaya tuloy marami ang na-iintimidate sa kanya. Pero kahit na ganoon ay pareho silang pinuputakte ng mga manliligaw 'yun nga lang si Reese lang ang mahilig mag-entertain ng mga suitors. Wala siyang panahon para sa mga lalaki. Isa pa nga lang sakit na sa ulo niya paano naman kaya 'yung iba? Haaayy... Life mabigayan ka nga naman ng mga kaibigang isa't-kalahating sinto-sinto. Ahh correction, hindi lang isa't-kalahating sinto-sinto certified baliw talaga ang mga iyon. Mula sa peripheral vision niya ay napansin niya ang pagdaan ng dalawang lalaki, Ang isa ay may seryosong mukha na nakasalamin habang ang isa naman ay may napakagandang mukha na maihahambing mo sa mga babae 'yun nga lang lalaki ito. Nang ito ang lumingon sa kanya ay ngumiti ito ng pagkalawak-lawak daig pa ang nakahithit ng rugby bago kumaway sa kanya. Itinaas lang niya lalo ang libro niya sa mukha kaso imbes tumigil ay ginamit nito ang dalawang kamay at iwinagayway sa ere, kung hindi lang siguro ito hinawakan ng kasama sa may kwelyo ay hindi pa ito hihinto. "See you after school, Rina!" Pahabol pa nito sa kanya habang binibigyan ito ng mga estudyante ng daan . Mas lalo lang niya tuloy itinago ang mukha sa libro. "Are you really sure that guy is our student souncil president?" tanong ni Reese habang sinusundan ng tingin ang binata. "Malay ko." narinig na niya ang bell hudyat na tapos na ang lunch break, marahas na niyang isinara ang libro. LUPAYPAY nang ituring ang kaibigan niyang si Reese matapos ang kanilang physics test nila. "Isinusumpa ko ang Physics subject na 'yan." narinig niyang sinabi ng kaibigan na nasa kabilang mesa lang at nakayukyok. "Ano ulit ang sinabi mo Ms. Carmel?" naka-taas kilay na tanong ni Ma'am Rosalie. Lihim siyang napangiti nang dumiretso ng upo ang kaibigan. "Ah. Ma'am ang sabi ko ho, gustong-gusto ko nang physics." mabilis na paliwanag nito. "Ganon ba? sige wag kang mag-alala, test paper mo ang uunahin kong i-check." inayos na nito angh pumpon ng papel bago sila binalingan. "Class dismiss." walang-lingon likod nitong nilisan ang classroom leaving her friend in a state of shock. "I'm Doomed!" bulalas nito na ikinatawa nilang lahat. Kilala kasi ang teacher a 'yon sa pagiging terror kaya naman hindi na sila nagtataka sa reaksiyon na iyon ng kaibigan niya lalo pa't sikat din ito sa pambabagsak ng mga estudyante. Hindi pa naman mahilig si Reese sa subject na 'yon. "Aba, mukhang nagkakasayahan ang mga estudyante ko ah." lahat sila ay sabay-sabay na napatayo nang makita nilang nasa loob na pala ng classroom ang literature teacher nilang si Sir Emerson, nakapangalumbaba na ito sa may desk "Good morning, Sir " they all said in unison. "Sit down." humalukipkip naman ito at nilibot ang tingin sa kanila. Kilala naman ang teacher na 'to sa pagiging mabait nito not to mention his handsome face and a charm that he used to his students. Makwela at pala-kwento rin ito kaya nagugustuhan ng mga tao sa paligid nito also a certified batchelor at the age of twenty-five so don't wonder kung maraming estudyante na nagkakagusto rito including her friend. Kaya alam na niyang mistulang nagkaroon ng heart shape ang mga mata nito nang balingan niya. They say that he is like Apollo's incarnate o sadyang nag-eexaggerate lang ang mga tao sa paligid niya. Maybe beacause of his blond hair may lahi kasi ang binata German sheperd yata hehe... and those exquisite violet eyes pero nakakapagsalita at nakakaintindi ito ng tagalog. Anyway so 'yon every girl in that campus has a crush on him maliban lang yata sa kanya. "Well, tutal nandito na si Sir kompleto na ang araw ko." narinig niyang sinabi ni Reese sa tabi niya. "Okay." he clapped his hand to get there full attetion. "Who would like to give me a background on William Shakepears' master piece Romeo and Juliet?" paninimula nito. One of her classmate raise his hands malay ba niya ang pangalan 'non. "Known as the greatest tragic love story at all time and has been publish on different languages around the world." Tumango-tango ito. "Great, so before we discuss this topic I would like to tell you a similar story like this. So who would like to hear it?" nangunguna ang pagtaas ng kamay ng kaibigan niya. Kaya masyadong napaghahalataang humaling na humaling ito sa teacher nila. This is his icebreaker sa lahat ng mga lessons nila na talaga namang nagugustuhan ng mga estudyante nito. Umupo ito sa desk. "Okay let's start. Ang pinagkaiba lang yata nito sa Romeo and Juliet is parehong vampire ang bida." "Sir, wala na bang bago? Sawa na kami sa Ala-Twilight saga na kwento." reklamo ng isa niyang kaklase na inulan ng mga binalot na papel na inihagis ng mga babae. He just chuckled. "Come on guys, let me just finish this story." Tumikhim ito. "It's about a story of a vampire girl with a royal blood that loved a Vampire nomad. No one knows where he belongs or where he comes from." Bigla na lang na may nag-flash na mga scene sa harap niya. Isang babaeng nakasandal sa isang lalaki habang nasa isang mataas na tore. "Dahil doon ay hindi pumayag ang mga magulang ng babae na mahalin nito ang lalaking 'ni hindi nila alam kung saan nanggaling." "I don't want to leave you. They'll seperate me with you." "Don't worry I can't let that happen, Rina." "Palihim na nagkikita ang dalawa hanggang sa isang araw ay nahuli sila ng mga tauhan ng pamilya ng babae kaya naman agad na itinakas ng lalaki ang kanyang mahal." "Just believe in me, everything's gonna be fine." "I believe in you no matter what, Seth." "Sa mga ilang buwan lang ng pagsasama nila sila ay naging masaya pero dahil natunton din sila ng pamilya ng babae hanggang sa tuluyan na silang napunta sa isang sitwasyon na hindi na nila kaya pang lusutan." "This is the end, Rina." "No! I can't let that happen." histeryang saad ng dalaga. "Pero sa huli ay mas pinili ng lalaki ang kaligtasan ng kanyang mahal. Ibinigay na niya ito sa mga tauhan ng pamilya nito kahit na alam naman niyang papatayin na rin siya ng mga ito. Ayaw na kasi niyang masaktan pa ang mahal niya dahil sa kanya." "Don't worry, Rina I'll know someday we will be together." "Mula sa kung saan ay isang pana ang biglang nagpakita at didiretso na iyon sa puso ng lalaki. Nakita nito iyon pero hindi na iniwasan pa alam na kasi niyang kahit ano pang gawin niya ay hindi na niya makikita pa ang mahal. Nang akala niya ay bumaon na sa puso niya ang palaso doon lang niya nalaman na sinalo ito ng babae para sa kanya." "No! Rina!" nasa mga bisig na niya ang babae at unti-unti nang namamatay. "Seth, Listen." hinawakan ng magkabilang kamay nito ang mukha ng kasintahan. " We'll always be together, For all Eternity." And before his very eyes ay naging abo ang kasintahan. Ang sunod na lang niya namalayan ang pagtarak ng isa pang palaso sa dibdib niya bago naging madilim ang lahat. Napakurap-kurap siya namalayan na lang niyang inililibot na pala ng guro nila ang tingin sa kanila at para bang saglit na huminto ang tingin nito sa kanya at ngumiti ng makahulugan. HIndi kaya alam nito ang nagyayari sa kanya? Ipinilig niya ang ulo imposible na ang naiisip niya. Doon lang niya napansin na namamasa na pala ng luha ang mga mata niya pati na rin ang isa pa niyang mga kaklase. "Rina and Seth." mahina niyang sambit. Those were the name of the two vampires. Paano naman niya nalaman ang bagay na 'yon? Tila naman may kumislap na kung ano sa mga mata ng teacher nila na para namang narinig nito ang sinabi niya. "Okay, back to our topic." kaswal lang nitong muling ibinbalik ang topis nila habang siya ay gulong-g**o sa mga nangyari lang kanina. Paano niya maipapaliwanag ang mga nangyari sa kanya? Ang weird, sinubukan na lang niyang ituon ang pansin sa klase

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
140.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
136.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
178.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.3K
bc

His Obsession

read
86.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook