Mataman lang na nakikinig si Cedes sa pag-uusap ng kanyang lola at si Chase sa hapag kainan. Ayon sa lalaki ay uuwi na pala ang nga ito sa Maynila. Tapos na din daw ang sinasagawa nitong survey at babalik nalang daw dito para sa pagpapagawa ng naturang lugar. Habang nag-uusap ang mga ito ay panay iwas naman si Cedes sa isang pares ng mata na nakatuon sa kanya kanina pa. Kahit hindi siya nakatingin ay ramdam niya ang mainit na tingin ni Kino na parang may kasalanan siyang nagawa. Hindi niya tuloy malunok ang kinakaing langka dahil sa paninitig nito. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos silang kumain at naiwan siya para iligpit ang mga pinagkainan. Bukas ng umaga ay aalis na ang mga ito kaya tiyak na babalik na sa dati ang buhay niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman kung ba