Sinag ng araw galing sa bintana ang nagpagising kay Cedes. Muntik pa siyang mahulog sa kama dahil sa pagmamadaling makabangon. Dapat kasi ay maaga siyang nagising para magluto! Kagabi bago siya natulog ay hindi na sila nakapag-usap ng kanyang amo. Nagkulong kasi ito sa loob ng opisina nito at sinabing mauna na raw siyang kumain dahilay tinatapos itong trabaho. Hindi na rin siya nagpumilit pa dahil mukhang wala ito sa mood. Nang dumating kasi ang nanay nito kahapon ay kasalukuyan siyang nasa kusina at nagluluto. Simpleng tinolang manok lang ang niluto niya dahil iyon lang naman ang laman ng ref nito maliban sa itlog at mga hotdogs..May mga bacon din na kailangan pa niyang basahin ang instructions bago lutuin. Nang maalala ni Cedes ang pinag-usapan nila ng Ginang ay biglang namula an