CHAPTER 1

1887 Words
MARIA MERCEDEZ!!" Napalingon si Cedes sa pinanggalingan ng malakas na boses. Agad siyang tumayo bitbit ang dala niyang mga kahoy kahit medyo mabigat iyon para sa maliit niyang katawan. Dese-otso anyos palang si Maria Mercedez Fernandez o mas kilala sa tawag na "Cedes" sa lugar nilang iyon. Sa gitna ng kagubatan ay nakatayo ang maliit nilang kubo kasama ang kanyang Lola at Lolo na siyang nagpalaki sa kanya mula paman noon. Ang sabi ng mga ito ay iniwan daw siya ng kanyang ina dahil nakahanap na ito ng bagong asawa. Ang kanyang Lola Celia ay isa sa batikang manggagamot o albularyo sa lugar nila. Samantalang ang kanyang lolo ay isang magsasaka sa maliit na lupang pagmamay-ari nila. Sa edad niyang iyon ay hindi na siya nakatapos ng pag-aaral dahil wala nang pantustos ang Lola at Lolo niya. Isa pa ay ang sabi ng mga ito ay hindi daw importante ang pag-aaral. Kapag natuto na daw na magsulat at magbasa ang isang tao ay mabubuhay na ang mga ito. Iyon ang tumanim sa isip ni Cedes kahit minsan ay napapatanong siya kung ano kaya ang pakiramdam na makatungtong sa koliheyo. Kahit nga noong nag-aaral siya ng high school ay bukod sa pag-aaral ay walang ibang nangyayari sa buhay niya. Walang gustong makipag kaibigan sa kanya dahil takot ang mga ito na baka kulamin daw ng kanyang Lola na isang albularyo. Kaya ang palaging nangyayari ay nilalayuan siya ng mga tao. At dahil doon nasanay siyang mag-isa at tinuon sa pag-aaral ang kanyang buong atensyon. Valedictorian nga siya noong high school pero wala namang reaksyon ang Lolo at Lola niya. Parang isang normal na bagay lang iyon o hindi lang alam ng mga ito na siya ang pinaka matalino sa klase nila. Isa pa, lahat ng bagay ay sobrang inosente ni Cedes. Ramdam niyang marami pa siyang bagay na hindi alam dahil umiikot lang sa kagubatan at sa pag-aaral ang buhay niya. Minsan ay may mga lalaking gusto siyang lapitan pero natatakot din ang mga ito. Ang sabi ng kanyang guro noon ay palagi daw siyang mag-iingat lalo na sa mga lalaki. Dahil raw bihira ang gandang taglay niya; naiiba raw siya sa lahat. Hindi niya malaman kung ano ang ibig nitong sabihin sa sinabi nitong iyon pero hindi mawala sa isip ni Cedes ang mga salitang iyon hanggang ngayon. Morena at mapusyaw ang kanyang balat. Lalo na kapag nasisinagan ng araw. Walang kahit anong mantsa sa kanyang katawan kahit kadalasan ay palagi siyang nasa gubat. Bilugan ang kanyang dalawang mata na pinarisan ng mahahabang pilik. Maliit at nakadepina sa kanyang mukha ang kanyang matangos na ilong. Pati ang kanyang labi ay natural na mapula kahit wala siyang ginagamit ma kolorete kagaya ng nakikiya niya sa mga ka-klase. At ang kanyang tuwid at itim na buhok ay umabot na sa bewang. Pero para kay Cedes ay walang espesyal sa mga iyon. Mas maraming magagandang babae na ka-klase niya noon sa paaralan. Tatlong taon na simula nang makatapos siya ng high School at heto siya ngayon sa gitna ng gubat. Kung hindi siya nangangahoy para ipanggatong, nagbabasa siya ng libro sa gilid ng talon sa gitna ng gubat. May isang kaibigan lang siya na may lakas ng loob na lumapit sa kanya- si Linda. Nag aaral na ang babae ngayon sa college kaya bihira din silang mag-usap ng kaibigan. Siguro ay masaya na ito ngayon dahil nasa Maynila ang babae nag-aaral. Maynila.. Ilang beses niyang narinig sa mga kwento ni Linda ang lugar na iyon. Maganda, maraming tao, masaya at sobrang laki daw ng mga bahay doon. Sa pamamagitan lang ng kwento ni Linda ay parang tumatak na sa kanyang imahinasyon ang lugar kahit hindi paman niya napupuntahan. Parang may kung anong kudlit sa dibdib niya ang salitang Maynila. Ano kaya ang pakiramdam na makatapak sa Maynila? Gusto niya din makakita ng building gaya ng nakikita niya sa binabasang libro. Gusto niya din makahawak ng cellphone gaya ng nakikita niya sa mga ka-klase niya noon. Gusto niyang makapunta sa dagat dahil kahit isang beses hindi pa siya umaalis sa lugar na iyon. Pero siguro nga, hanggang sa isip lang iyon lahat ni Cedes. Imposibleng makaalis siya sa lugar na ito dahil nandito ang pamilya niya. Dito na siya lumaki at dito na rin siya mamamatay. Nang muling marinig ang boses ni Lola Celia ay naputol ang pag-iisip ni Cedes Mabilis ang naging lakad niya patungo sa maliit nilang kubo at nasalubong niya ang kanyang Lola na nag-aabang sa labas ng bahay. May hawak itong timba at mukhang galing sa likod para sumalok ng tubig. Ibinababa niya ang dalang kahoy sa gilid ng bahay at kinuha ang timba na dala-dala ng kanyang abuela. "Lola, diba sabi ko naman sa'yo na ako na ang gagawa nito." malumanay niyang turan. "At ang sabi ko din sa'yo ay huwag kang magpapa abot ng alas singko sa talon." medyo pagalit nitong sambit. "Opo, Lola. Nalibang lang ho ako sa pagbabasa at hindi ko namalayan ang oras." Nakayuko niyang sabi. "Bueno, magluto ka na doon at darating na ang lolo mo ngayon." Nauna na itong tumalikod at pumasok sa loob ng kubo. Ang timba ay ibinuhos niya sa malaking drum na katabi ng kanilang maliit na bahay. Nag-iimbak sila ng tubig para hindi na sila mahirapan sa pagsasalok..Malinis kasi ang tubig kapag hindi maulan. Pagkatapos niyang ibuhos ang tubig sa drum ay tumungo naman siya sa kabilang bahagi ng kubo. Doon nakapwesto ang kanilang lutuan na ginagamitan ng kahoy na kinuha niya kanina sa gubat.Nagluto siya ng kanin na mais at gulay na nakuha ng kanyang lolo mula sa puso ng saging. Kakatapos lang ni Cedes magluto ng hapunan nang may marinig siyang mga boses na patungo sa kanilang kubo. "Lola Celia! Lola! Tulungan niyo po kami!" Nanlaki ang mata ni Cedes nang makita ang isang babaeng may bitbit na sanggol na wala pa yatang isang taon. Wala itong suot na tsinelas at nagmamadaling makapasok sa maliit nilamg kubo. Tinakpan muna ni Cedes ang pagkain at agad na sumunod sa loob ng bahay. "Lola, kanina pa po nagsusuka si junjun at nagtatae. Nanghihina na po ang anak ko." naiiyak na wila ni ate Onding, isang malayong kapit-bahay nila. Ang totoo ay hindi na bago kay Cedes ang ganitong senaryo. Sa hirap ng buhay sa baryo nila ay imbis na sa doctor dalhin ang maysakit ay sa lola niya ang mga ito tumatakbo. Halamang gamot at ilang pampahid ang ibinibigay ng kanyang lola na kadalasan ay nagpapagaling naman sa mga maysakit kaya nasanay na ang mga tao lalo na sa kalapit nilang baryo. Nakatayo lang si Cedes sa may gilid ng pinto at nakatingin sa lola niyang may ipinapa-inom na halamang gamot sa bata. Iyak ng iyak naman ang ina nito sa sobrang pag-aalala habang kalong-kalong ang anak. "Bago kayo matulog ay painumin mong muli nitong halamang gamot..Pakainin mo ng saging na latundan at bantayan mong maigi ang anak mo Onding. Huwag mong pakakainin ng hindi dapat." Bilin ng kanyang lola bago ito tumayo at humarap sa maliit nitong altar na nasa gitna lang ng pinakabahay nila. "Salamat ho, Lola Celia..Maraming-maraming salamat po." Bago natapos ang gabing iyon ay nakauwi ng matiwasay ang babae bitbit ang anak nito na medyo mahina-hina parin.. Kinabukasan ay nasa talon na naman ulit si Cedes..Ang bahaging iyon ng gubat ay hindi na sakop sa lupang pag mamay-ari ng kanyang Lolo at Lola. Dala niya ulit ang libro na bigay ng kanyang guro noon sa skwelahan nila. Paulit-ulit niyang binabasa ang bawat librong bigay nito na halos memoryado na ni Cedes ang bawat laman ng pahina sa libro. Minsan din ay binibigyan siya ni Linda noon kapag umuuwi ito galing ng Maynila. Alas tres na ng hapon ng makaramdam siya ng antok..Ilang oras din pala siyang nalibang sa pagbabasa kaya hindi na niya namalayan ang oras. Masarap kasing magbasa sa gikid ng talon dahil bukod sa musika sa pandinig niya ang mahinang agos ng tubig ay napakalinaw din ng talon. Napapalibutan din iyon ng mga puno kaya medyo tago ang bahaging iyon ng gubat. Wala ring nagagawing ibang tao sa lugar na iyon na isa sa ipinagpasalamat ni Cedes. "Gusto mo bang maligo, Ace?" Kausap niya sa asong dala-dala niya. Si Ace ang alaga niyang aso na palagi niyang kinakausap. Madalas ay nakatali lang ito sa likod ng kanilang bahay kaya ngayon ay naisipan niyang dalhin ang aso. Napangiti siya ng kiniskis ni Ace ang ulo sa kanyang binti. Kapag nagbabasa siya ay namamasyal si Ace sa gubat pero bumabalik din naman ng mga ilang minuto. Siguro ay parehas lang sila ni Ace na parang gustong may natutuklasan na bago. Naisipan ni Cedes na maliligo nalang siya para hindi siya antukin..Pwede naman siyang maligo na isang maliit lang na saplot ang suot. Ilang beses na niyang ginagawa iyon sa tuwing naliligo siya sa talon. Nakangiting hinubad ni Cedes ang suot niyang daster. Nakatali lang iyon sa magkabilang balikat kaya hindi na mahirap hubarin. Pati ang itim na bra ay kanyang hinubad at ang tanging itinira ay ang maliit niyang saplot sa ibaba. "Halika na, Ace!" sigaw niya sa aso na nakatingin lang sa kanya. Kapagkuwan ay tumakbo agad ito patungo sa tubig. Malakas ang tawa na pinakawalan ni Cedes dahil alam niyang takot sa malalim si Ace. Tumahol lang ito sa kanya habang nakalublob ang mga paa sa mababang parte. Napailing nalang si Cedes at sumisid sa ilalim ng tubig. Sobrang ganda ng talon at sobrang linaw ng tubig. Hindi masakit sa mata ang bawat pagbagsak ng tubig mula sa ibabaw kaya payapa parin ang paligid. Mga ilang minuto ring naglalangoy si Cedes at nakikipaglaro kay Ace. Wala siyang pakialam kahit tumatalbog ang dalawang dibdib niya sa bawat kilos na ginagawa. Tiwala naman siyang walang ibang nagagawi sa parteng iyon. Habang naglalangoy si Cedes ay bigla nalang tumahol ng malakas si Ace. Tumatahol ang aso niya na parang may nakita itong kakaiba. Napakunot ang noo ni Cedes at kinilabutan na baka may ahas itong nakita. Agad siyang lumublob at lumingon-lingon sa paligid. Si Ace ay bigla nalang umahon at tumakbo sa kabilang direksyon. "Ace!" Ngunit hindi nakinig si Ace at nagtatahol sa may puno. Hindi niya alam kung ano ang mayroon doon pero parang galit na galit ang aso niya. At ang mas ikinabigla ni Cedes ay biglang may taong lumabas mula sa malaking katawan ng puno. Nakataas ang kamay nito habang nakatingin kay Ace na galit na galit at tumatahol. Sobrang tangkad ng lalaki na naabot na ng ulo nito ang sanga ng malaking puno..May malaking bag din itong dala at nakasuot ng itim na sumbrero kaya hindi niya masyadong nakikita ang buong mukha nito. "S-sino ka!?" agad niyang tanong sa nanlilisik na mata. Ang totoo ay kinakabahan si Cedes dahil hindi niya akalaing may ibang taong mapapadpad aa lugar na ito. "Oh, God.. I didn't mean to- I don't want to..I just.." hindi matapos-tapos ang gusto nitong sabihin sa takot na kagatin ng kanyang aso. Lumoblob siya sa tubig at tanging ulo lang ang nakikita. Nakayakap din siya sa sariling dibdib habang nakikipag-usap sa lalaki. "Sino ka? Bakit ka nandito?" Pag uulit niyang tanong..Hindi niya tinawag si Ace sakaling may gawing masama ang lalaking ito. "T-totoo ka ba? I mean tao ka ba?" iyon ang nanulas sa bibig ng lalaki habang nakapaloob sa mata nito ang takot, pagkalito at pagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD