CHAPTER 11

1313 Words

Hindi naging madali ang pagpayag ng Lola ni Cedes sa naging pasya niya ngunit wala din itong nagawa sa huli. Ilang beses nitong sinabi na baka mapahamak siya ngunit ilang beses din niyang kinalma ang matanda para hindi na ito masyadong mag-alala. Kailangan niyang gawin ang bagay na ito lalo na nang marinig ang sinabi ng doctor na mahabang gamutan ang kailangan ng kanyang Lolo dahil nagkaroon ito ng pneumonia. Nagkaroon na rin ng ibang komplikasyon ang sakit nito kaya't malaking halaga ang dapat nilang ihanda. Hindi paman sigurado ang kahahantungan ng magiging trabaho ni Cedes ay kailangan niyang sumugal. Ito ang unang beses na lalabas siya sa totoong buhay kaya mas dapat niyang tatagan ang sarili. Halos isang buong araw ay puro paalala ng kanyang Lola ang naririnig niya; huwag siyang lal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD