Kabanata Tatlo

1924 Words
KABANATA TATLO Max Point of View " Let go of my Wife!!! She's MINE!!!" nabingi ata ako ha.. talagang nabingi ako.. pero tama ba ang narinig ko? tinawag niya ak————————————- booooogsssssshhh——————— " f**k you!!! you worthless s**t!!!" " Kuya Maxwell " Malakas na tawag ko sa pangalan niya. Mahigpit ko na ring yakap yakap ang bewang niya para pigilin ang paglapit niya ng tuluyan sa.. sa aking asawa? s**t!!!! s**t!!! My god, ang liit liit ko kumpara sa naglalakihan kong mga kapatid.. kaunting piglas at tulak lang nila sa akin malamang tumalsik ako.. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita kong nilalapitan na nina Kuya Mamorou si Marcus na katatayo pa lang mula sa pagkakasuntok ni Kuya Maxwell malamang lamang hilo pa ito dahil sa lakas ng suntok na iyon. Hindi ko naman kasi maintindihan sa Marcus na ito kung bakit bigla bigla na lang sinabi ang mga salitang iyon!! Diyos ko!! Ano pang silbi ng mga sinabi ko kanina kay Dad, kung sinabi na rin naman niya ang katotohanan!! Kung kami lang ang tao dito malamang lamang ako ng ang nagbigay ng uppercut dito para matauhan at magising.. Ito na nga ba ang sinasabi ko.. tiyak na magkakagulo kung malalaman nila ang katotohanang ako ay kasal na at sa hindi pa nila kilalang tao at lalaki.. Mabilis pa sa alas kwatrong binitawan ko si Kuya Maxwell at tinungo ang kinatatayuan ng aking asawa. Nasa harapan niya ako dahil alam kong kapag nalingat ako ng kaunti alam kong masasaktan na naman ito. Kilala ko ang aking mga kapatid.. kung kinakailangan nilang manakit alang alang sa akin gagawin nila.. at sa nakikita ko malaking threat sa kanila si Marcus.. dahil ramdam na ramdam ko ang mga galit nila na ibinubuga ng kanilang mga katawan. I know my brothers too well masyado silang protective and possessive sa akin lalong lalo na si Kuya Max.. At kung nakakamatay lang ang tingin malamang ilang beses ng namatay si Marcus sa aking harapan. Habang pinagmamasdan ko silang apat.. nakakaramdam ako ng takot.. hindi para sa aking sarili kundi para sa lalaking nasa aking likuran.. dadanak talaga ang dugo kung wala akong gagawing paraan para kumalma silang lahat.. At ang kinaiinis ko ay, hinahayaan lang ako ni Dad na harapin ngayon ang problemang aking ginawa.. alam kong deep inside him.. natutuwa siya dahil ako ay natataranta.. o di ba.. ang galing galing ng tatay ko.. hindi na ako magtataka mamaya kung papalakpak pa yan kapag nakita niyang lahat kami ay duguan na. " Umalis ka sa harapan ng lalaking yan Maxene!!!! Umalis ka sa harapan niya!!! K-Kailan mo pa balak sabihin sa amin na nag asawa ka na? Na ikinasal ka na!!! Ilang taon mo na ba kaming niloloko? Kailan pa Maxene!!! " halos mabasag ang eardrum ko dahil sa lakas ng pagsigaw ni Kuya Mamorou sa akin, at alam kong galit na siya dahil tinawag niya ako sa buo kong pangalan. Pulang pula ang mukha nito na tanda ng nagpipigil lang ito ng galit at alam kong any moment now.. magwawala na siya.. may pagka warfreak pa naman itong kuya ko na ito. Akmang sasagot pa ako ng marinig ko ang galit na galit na boses ng aking asawa na nasa aking likuran, muntikan na akong mapasigaw ng malakas ng maramdaman ko ang paghapit niya sa aking baywang gamit ang kaliwa nitong kamay.. parang nawalan ako ng lakas.. nakalimutan ko na ang dapat kong sabihin.. shit!!! anu bang nangyayari sa akin? " Wala kang karapatan na sigawan ang asawa ko!!! Nasa teritoryo kita kaya matuto kang gumalang!!" humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Marcus, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.. hindi ko maiwasang humanga sa kanya.. dahil napakatapang niya para harapin ang galit ng aking mga kapatid..dahil sa totoo lang maraming takot sa kanila kaya nga kahit isang manliligaw walang umakyat sa akin sa bahay ng dahil sa kanila. Pakiramdam ko nagkakasala ako sa aking mga kapatid dahil sa mga nangyayari.. alam ko.. alam kong nakatingin sila sa akin.. for the first time in my life.. ngayon lang ako nagkaganito.. nahahati ako.. nahahati ako sa dalawang panig.. " Let.go.of.my.sister.now!!! or else ako mismo ang gagawa noon sayo!! Wag kang duwag!! Wag kang magtago sa likuran niya Montefalco!! Alam mo ba kung gaano kahalaga ang kinuha mo sa amin? ang inagaw mo sa amin? Kulang pa ang buhay mo para mabayaran mo kami! You married my sister without our permission!! Paano ka namin igagalang kung para kang magnanakaw na nang agaw!!" naglakad siya palapit sa amin at hinawakan niya ang kanan kong braso para hatakin ako palayo kay Marcus pero mas naging maagap ito, dahil mabilis niya akong nailagaw sa kanyang likuran.. kitang kita ko ang pagtatagis ng kanyang bagang at laking gulat ko ng dumapo ang kamao nito sa panga ni Kuya Martin.. Dahil sa lakas ng pagkakasuntok napaatras ito ng bahagya at nakita ko ang pagputok ng sulok ng labi nito.. " I have every right because she's my wife!!! she's Mine!! Isaksak niyo yan sa makikitid niyong utak!!!" doon na nagkagulo, hindi ko na alam kung sino ang aawatin at pupuntahan dahil sinugod na nila si Marcus.. tatlo laban sa isa.. anak na putsa!! luging lugi ang asawa ko!! mukhang hindi pa naman ito sanay sa pakikipagsuntukan at pakikipag away. Hindi katulad ng aking mga kapatid na lumaki sa rambulan at basagan ng mukha.. dehadong dehado si Marcus.. " Dad!!!! Dad!!! please do something, mapapatay nila ang asawa ko!!!" halos magmakaawa na ako kay Dad pero nakatingin lang ito sa akin, pati ang tatay ni Marcus ganoon lang sin ang ginagawa. Hindi ba nila nakikita ang sitwasyon? Gusto kong sumabog sa galit dahil nagpatuloy lang sila sa pag uusap na parang walang nangyayaring bugbugan at gulo dito sa loob ng conference room.. peste!!! Tumalikod ako sa kanila at humarap ako sa aking mga kapatid na parang mga tigreng galit na galit at walang tigil sa pagsuntok kay Marcus.. s**t!!! this is so unfair!!! halos manlaki ang aking mga mata ng matumba si Marcus at inibabawan ito ni Kuya Maxwell at magsisimula na sana ulit itong suntukin ng mahamig ko ang sarili ko.. wala na akong choice.. kailangan ko ng kumilos.. hindi sila makuha sa pakiusapan.. pwes pagbibigyan ko sila.. Naglakad ako palapit kay Kuya Mamorou at walang babalang binunot ko ang .45 caliber pistol doon sa kanyang likuran.. yeah.. my bother owns a gun.. dahil parehas kami ng trabaho.. parehas kami ng ranggo pero magkaiba lang kami ng departamento.. Alam kong kahit saan siya magpunta lagi niyang dala iyon.. ako rin naman nagkataon lang na hindi ako handa ng dalhin ako ng mga tauhan ni Dad kanina.. Lalapat na ang kamao ni Kuya Max sa mukha ni Marcus ng pumailanlang ang putok ng baril sa paligid... and pagkabasag ng salamin dito sa conference room.. bang...!!! bang...!!! how lucky can I get dahil walang harang... walang harang na building ang kinatatayuan ng kompanya nila Marcus.. at kung ang poproblemahin ko naman ay kung may babagsakan iyon o makakadisgrasya ako wala din... dahil.. bakante ang ibaba.. parking space ang babagsakan ng mga nagkapira pirasong salamin.. may bubong iyon.. kaya walang problema.. Natigilan silang lahat at napatingin sa akin. Puno ng kaseryosohan ko silang tiningnan. Itinutok ko kay Kuya Maxwell ang baril para matigil at umalis na siya sa ibabaw ni Marcus, alam nilang hindi ako nagbibiro lalo na kapag may hawak akong baril.. sharpshooter ako.. walang mintis, walang daplis.. " Bitawan mo ang asawa ko Kuya Max or I swear ang susunod na bala na lalabas sa baril na hawak ko ay sayo tatama. May karapatan kayong magalit sa akin, narinig niyo sa akin lang.. dahil wala siyang kaalam alam sa nakalipas na apat na taon na kami ay mag asawa.. This is the second time na nagkita kami pagkalipas ng apat na taon.. wala siyang kasalanan.. walang siyang alam.. Your being unfair dahil hindi niyo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwana———————— " Unfair? kami pa ang unfair ngayon? Maxene, this is the first time that you lied to us!! pero ito rin ang pinakamatindi. Kinakampihan mo ang magaling na lalaking ito kaysa sa amin.. sa aming apat!!! Goddammit Maxene, we were siblings!! Mga Kuya mo kami... natural lang na magwala, magalit at manakit kami kung ilalayo ka sa amin ng walang kwentang lalaking ito!!! ang lalaking sinasabi mong asawa mo!!" humigpit ang pagkakahawak ko sa baril.. nanghihinang ibinaba ko iyon.. Pinagmasdan ko silang apat lalong lalo na si Kuya Maxwell.. I can see hurt in his eyes.. dahil for the first time in my life.. kinalaban ko siya.. tinutukan ko siya ng baril.. hurt, remorse halo halo na ang nakikita ko sa kanyang mga mata.. Nakatayo na ito at hinayaan na nila ng tuluyan na makabawi si Marcus.. napatingin ako sa kanya.. natitiyak kong marami siyang pasa at sakit na iindain dahil sa mga nangyari. Putok na labi, namamagang kanang mata, at namumulang pisngi.. medyo natastas na rin ang laylayan ng suot na polo shirt nito, gusot gusot iyon, at may bahid ng dugo.. " Yun na nga mga kapatid ko kayo pero hindi niyo ako maintindihan!! Im old enough to decide for myself!! HIndi na ako bata na alagain!! Im 25 years old for christ sake!! You need to create your own life hindi lang sa akin umiikot ang mundo niyo. Im sorry for lying to all of you.. kung itinago ko ang katotohanan sa inyo.. pero wala na akong magagawa dahil nangyari na.. nandyan na.. nagsinungaling ako, itinago ko sa inyo, iyon ay dahil.. ayaw ko kayong masaktan.. at magalit... gaya ng lang ngayon." nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. They were just looking at me with so much pain... hurt and betrayal.. Walang salitang naglakad sila palabas ng conference room. They hate me now.. they really hate me for real... parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit.. nasasaktan ako dahil nasaktan ko sila.. they are my rock.. solid kaming lima.. kahit pa nga masyado silang mahigpit, maaangas, makukulit, mang aasar, seloso at basagulero.. sila pa rin ay mga KUYA ko. Parte sila ng pagkatao ko.. parang walang Maxene.. kung wala sila.. wala sila kung walang Maxene... " Tama ka.. matanda ka na. Kaya hindi mo na kami kailangan. Matanda ka na para magdesisyon para sa sarili mo, ni hindi mo nga kami naisip ng magpakasal ka sa lalaking iyan. Wag kang mag alalala simula sa araw na ito.. Hinding hindi ka na namin papakialaman, hindi ka na namin guguluhin, ni anino namin hindi mo na makikitang aali aligid sayo.. tutal.. sayo na nanggaling na kapatid mo lang kami at asawa mo siya." puno ng panunumbat na sabi sa akin ni Kuya Max. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Kinagat ko ang labi ko ng mariin para pigilan ang hikbing gustong umalpas sa aking labi.. Wala akong nasabi ng tuluyang makalabas sila Kuya sa pintuan. Nanginginig ang aking mga tuhod.. babagsak ako.. babagsak.. pero may mga brasong yumakap sa akin ng mahigpit.. " This is all my fault.. m-my fault————————————- I burst into tears.. habang malaya akong inaalo alo ng malalakas ng bisig na iyon.. paulit ulit niyang sinasabing wala akong kasalanan.. pero mas lalo akong nakokonsensya. Ang mga mata nilang lahat.. ang mga ekspresyon nila.. I hurt them.. really hurt them.. " Dont worry, I'll take care of you from now on Max.." bakit pakiramdam ko ang sarap pakinggan ng aking pangalan kapag siya ang bumabanggit? nakakapanlambot.. nakakapanghina.. at ang kanyang mga bisig na nakapulupot sa akin.. bakit parang maraming karayom ang tumutusok tusok sa aking buong katawan? Ano ang nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD