"Pakiulit ang sinabi mo. Hindi ko narinig," pakiusap ni Axel na inalis ang baba niya sa balikat ng girlfriend niya. "Ang sabi ko...I love you," marahan na banggit ni Princess at ngumiti siya rito nang napakatamis. "S-seryoso? M-mahal mo rin ako? Hindi ako nananaginip? Hindi ka nagbibiro?" sunod-sunod na tanong ni Axel dahil hindi niya siya makapaniwala sa sinabi nang girlfriend niya. As of the moment ay parehong malakas ang t***k ng puso nang dalawa habang nakatitig lang sila sa isa't-isa. Ramdam na ramdam nila ang malagkit at makahulugan na tinginan sa pagitan nila pareho. "Ayaw mo? Bawiin ko ba?" pabirong sambit ni Princess at natawa siya sa itsura nang boyfriend niya. "What? No. Wala nang bawian. Hindi mo na pwede bawiin. Period na 'yun," mabilis na tanggi ni Axel at lalong humigp