Nagmamaneho si Princess ng sasakyan niya when she dialed her fiancé's number at pagkatapos ng tatlong rings ay saka lang sumagot si Axel. "Hello, babe? Napatawag ka? Palabas pa lang ako now ng building," sambit ni Axel habang naglalakad papunta nang elevator. "'Wag ka na lumabas. Sabi ni Rachel magpapahinga raw muna sila. Or gusto mo kain na lang tayo sa labas for dinner?" nakangiting suggestion ni Princess para hindi halata sa boses niya na nagsisinungaling siya. "Sige ba sa labas na tayo kumain. Saan mo gusto kumain?" matamis na alok ni Axel sa fiancé at pumasok na siya sa loob ng elevator. "Ramen, you want? Bigla ko na-miss kumain ng ramen," sagot ni Princess. "Okay, sige. Let's go to Ramen Food House. Doon na tayo magkita. See 'ya, babe. I love you as always," tugon ni Axel na kit