My Husband's Step-father Has A Secret Kabanata 13 Gunshots Abala ang elevator sa company building ni Dad kaya hindi ako nagdalawang-isip na gamitin ang hagdan makarating lamang sa opisina ni Daddy. Hinarang ako ng assistant ni Daddy pero nagpumilit akong makapasok sa office niya. Pati ang mga bodyguards niya ay tumutulong na para awatin ako sa tangka kong pagpasok. “Paraanin n’yo ako, ano ba?” Singhal ko sa mga ito. Nauunawaan ko na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho pero kailangan ko talagang makaharap ang tatay ko. “Hindi po kayo puwedeng pumasok sa loob ng opisina ni Sir Hernan, ma'am. Pasensiya na, napag-utusan lang po kami.” Imporma sa akin ng isang bodyguard na nakaharang sa labas ng higanteng pinto patungo sa pakay na opisina ko. Tinaliman ko siya ng tingin. “Hindi ako m