My Husband's Step-father Has A Secret Kabanata 30 Sinunggaban “Masukal na sa bahaging iyon. Maiwan na lang siguro kayo ni Blizzard dito. Ako na lang ang aakyat sa burol na iyon then from the top of it, makikita ko kung may ibang tao sa katimugan.” “Siraulo ka ba?” Bulalas ko. “Isasama-sama mo ako sa gubat na ‘to tapos iiwan mo ‘ko? E kung lapain ako ng mababangis na hayop dito. Mag-isip ka nga.” Maanghang ko pa na asik sa kanya, disagreeing with what he said. Malayo na ang parte na ito ng gubat na pinasukan namin. Dalawang batis na ang tinawid namin. At itong parteng pinaghintuan namin ay hindi na makapasok ang sinag ng araw dahil sa malalaking punong naririto. “Don’t worry too much. Walang lalapa na mabangis na hayop sa'yo rito.” Paniniyak ni Luciano. “Kung may lalapa man sa'yo ri