My Husband's Step-father Has A Secret
Kabanata 10
Meeting Her Family
Ito ang unang seryosong away namin ni Levi. Sa kagagahan ko ay lumipas ang isang gabi na hindi kami nagkakausap.
Ginulu-gulo ko ang buhok ko habang nagkakape ako kinaumagahan sa pavilion sa bakuran ng mansion namin. I realized it now na hindi pala worth it ang inis ko sa boyfriend ko. That I am the first to blame dahil gumawa ako ng desisyon na hindi siya kasama.
Napagtanto ko sa sitwasyon namin ngayon na wala palang maidudulot na mabuti sa isang relasyon kung isa lang ang gumagawa ng desisyon. We are a team, a partners in this relationship. Therefore I should always consider his opinion sa bawat desisyon o choice na gagawin ko na may kinalaman sa aming dalawa.
Iniwan ko ang kape ko sa pavilion at nagtatatakbong bumalik sa mansion to get my phone sana sa kuwarto ko. But my feet immediately halt when I saw our family car entering our vicinity.
Looks like nakabalik na from their Hongkong vacation ang magaling kong parents at Ate. I scoff bitterly.
Ipinagkibit ko lang ng balikat ang pagbabalik nila at kaswal na ipinagpatuloy ang pagpasok sa mansion. I'm sure maba-badtrip lang kaming pare-pareho kapag magkaharap kami.
Bumalik ako sa bedroom ko at dumiretso sa bag ko para kunin ang cellphone ko.
My heart is thudding fastly inside my ribcage as I dial my boyfriend's number. Parehong excitement at pangamba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Excited ako na marinig ang boses ni Levi at nangangamba at the same time kasi baka hindi niya tanggapin ang apology ko.
I wash the latter out of my head. Alam kong mahal na mahal ako ni Levi at hindi iyon papayag na tumagal ang away naming ito. I'm ready to apologize.
Apat na call ko ang hindi sinagot ni Levi.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Palakad-lakad na ako sa loob ng silid ko. Kinakabahan ako na hindi ko mawari.
I try to call him for the fifth time at kapag hindi pa siya sumagot ay pupuntahan ko na siya sa apartment niya. That was my plan but then bumukas ang linya niya sa ikalima na attempt call ko.
Nakahinga ako ng maluwag.
“D’yos ko! Thanks you finally answered my call, mahal ko.” Halos maiyak na bulalas ko.
I don't have any definite endearment for Levi. ‘Mahal ko’ ay isa lang sa madalas kong itawag sa kanya pero kapag naglalampungan kami ay ‘Daddy’ o ‘Sir’ pa rin ang itinatawag ko sa kanya because that endearments would always turned him on when we're making love.
“Goodness, sweetheart! Bakit naka-off magdamag ang cellphone mo?”
Nahimigan ko ang pinaghalong pagod at relief sa tinig niya. Na-guilty ako.
“I am sorry, mahal. Nainis ako saiyo ng hindi naman dapat. I'm really sorry. This is all my fault and I will surely make it up to you. I'm sorry po talaga, mahal ko. Pinairal ko kagabi ang pagiging inconsiderate ko.” Sunud-sunod kong paliwanag.
“It’s okay, sweetheart. I love you so much and it's impossible for me to be mad at you. Let's talk please.” Nagsusumamo ang kanyang tono.
Bumalikwas ako. “Pupuntahan kita ngayon din sa apartment mo—”
“Nasa labas ako ng bahay ninyo, sweetheart.”
“What?” Wala sa loob na umangat ang boses ko sa pagkabigla.
“Sinundan kaagad kita nang umalis ka sa apartment ko kagabi, sweetheart. Hindi pa ako umuuwi. I was waiting for you to get out. Naka-off ang linya mo.”
Malakas akong napasinghap at sa loob ng ilang segundo ay hindi ko malaman ang gagawin.
Tumakbo ako patungo sa bintana at nanlaki ng husto ang mga mata ko nang matanaw ko sa tapat ng dambuhalang gate namin ang motorsiklo ni Levi. Nakatayo siya malapit doon at nakatanaw sa loob ng mansion namin.
Ang suot niyang damit ay ang suot niya kagabi.
Parang nilamutak ng kamay na bakal ang puso ko habang tinatanaw ang mahal ko. Hindi ko lubos maisip na inumaga siya sa paghihintay sa akin sa labas. Napamura ako ng sunud-sunod ng maalala na umambon-ambon pa kagabi.
“God, Levi! What have you done to yourself?” Nanlulumo kong anas. Ramdam ko ang pagsulpot ng bara sa lalamunan ko. Naiiyak ako sa pagkahabag.
“I am alright, my love. Huwag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay magkausap tayo at maayos ang hindi natin pagkakaintindihan kagabi. I want to apologize to you, sweetheart.”
“L—lalabas na ako...”
Tatalikod na sana ako sa bintana nang makita ko ang dalawang bodyguard ni Daddy na nilapitan si Levi.
Namilog ang mga mata ko sa nakita at hindi ko nagustuhan ang masamang kutob ko.
This can't be happening. As much as I want ay ayaw kong makilala ng pamilya ko si Levi. Hindi dahil sa ikinahihiya ko ang relasyon ko sa kanya but because my father is able to do stupid things and ruin whatever he doesn't like.
Pagkababa ko sa grand staircase ay eksaktong papasok din sa mansion ang dalawang bodyguard na lumapit kanina kay Levi sa labas. Napakuyom ang mga palad ko nang makita ang boyfriend ko na nakasunod sa kanila.
“L—lev...”
Tatakbo na sana ako papunta sa nobyo ko nang pumigil sa tangka kong gagawin ang malamig na boses ni Dad.
“Our visitor will be joining us in breakfast.” Deklara ni Dad na lubhang ikinagulat ko.
Para akong nahilo sa mga hindi inaasahan na kaganapan. Maayos na tinanggap sa mansion si Levi. Pero imbes na ikatuwa ko iyon ay bakit pangamba ang nanghihimasok sa sistema ko?
I have countless of suitors before at karamihan sa kanila ay umaakyat ng ligaw dito sa bahay. Ngunit wala ni isa sa kanila ang tinanggap ng disente ni Dad. Lahat ng mga nanligaw sa akin ay pinagbantaan ng ama ko at umaalis na bigo at takot.
“Introduce yourself,” saad ni Dad nang nasa dining hall na kaming lahat.
As usual nakaupo sa kabisera si Dad. Iyon ang trono niya bilang padre de pamilya. Nasa kaliwa ni Dad ang Mommy ko na kanina pa walang imik at panay ang pag-ismid sa gawi namin ni Levi. Katabi ni Mommy si Helga, Ate ko. Sa kanan naman ay magkatabi kami ni Levi. He's near to me yet I could feel that he's too far from me.
Kanina ko pa siya gustong lapitan at yakapin pero hindi ko magawa dahil narito kami sa loob ng bahay namin.
“I am Levistus Kade De Armas, Sir, Ma'am. Nobyo ho ako ng anak ninyong si Hilaria.” Pormal man ang pagkakasabi niyon ni Levi ay hindi maitatanggi ang paggalang na nakapaloob sa boses niya.
Nahuli ko si Helga na bumaling sa akin at nakuha ko kaagad ang pagkayamot sa titig niya. I smirk at her at kung wala lang si Levi rito ay baka napakyuhan ko na ang ate ko. Kahit wala pa man itong sinasabi ay alam ko kaagad na may masama na itong iniisip tungkol sa boyfriend ko.
“I am more interested to hear about the kind of work you have, Mr. De Armas rather than telling me about your relationship to my rebellious daughter.”
A let out a scornful sigh at my father's remarks. Hindi man lang nag-alangan na libakin ako sa harapan ng boyfriend ko.
“Abogado si Levi, Daddy. Law professor din siya sa university na pinapasukan ko. Disente siyang tao at may disenteng trabaho kaya kung itatakwil n’yo na naman ako, puwes, sige go. I'm sure kaya na akong buhayin ni Levi.” Ako ang sumalo sa dapat na sasabihin ni Levi.
Pasimpleng nagtagpo ang mga mata namin ni Levi nang lumingon siya ng bahagya sa akin. He shakes his head as if telling me to go silent and that I should trust him to handle the current situation.
“You better close your mouth, lady and talk decently. Hindi ito ang tamang oras para sa pagiging unmannered mo.” Suway sa akin ni Mommy sa kalmanteng tinig.
“Decent, really? O baka ang ibig ninyong sabihin ay magpaka-plastik din ako katulad ninyo—”
Napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang paghuli ni Levi sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Sinusuway niya ako.
I heaved a sigh and close my mouth. Sumubo na lang ako ng isang buong hotdog para pasakan ang bibig ko nang sa ganoon ay manahimik ako.
“Ano ang kasalukuyang mga kaso ang hinahawakan mo, Attorney?” Nagpatuloy si Daddy sa pakikipag-usap kay Levi na para bang interesado talaga siya.
“I am the new legal defender of the Portaleses, Sir. Ako ang ipinalit sa abogadong si Atty. Rabago na isa sa casualties sa nahulog na SUV sa Halsema highway.”
Nahuli ko ang pagpapalitan ng tingin ni Daddy at Mommy. Sumimsim sa kanyang tsa-a si Daddy bago nagpatuloy sa pagtatanong.
“Is it about the ten hectares prime land in QC, Attorney? I have heard about it. Ilang taon nang nasa korte ang kasong iyan. Wala pa bang plano ang mga Portales na idispatsa ang lupain na iyan at hayaan na lang na bayaran ng Fosco Properties ang documentary stamp at capital gain taxes?”
“Pursigido po ang pamilya na mabawi ang lupa nila. Naniniwala kami na default judgement ang ilalabas ng hukom dahil mas matibay ang mga dokumentong hawak ng mga Portales.”
Wala man akong hustong maintindihan sa topic nila ay nakakaramdam ako ng pride para sa boyfriend ko. I know he's doing great in terms of his profession.
Tumaas ang sulok ng labi ni Dad. “You better tell your clients to withdraw the lawsuit and agreed to the Foscos offer. Hindi ninyo kilala ang binabangga ninyo, Attorney.”
Napatuwid ang gulugod ko sa sinabi ni Dad. Ewan ko kung ako lang ba pero nabasa ko sa tono niya ang pagbabanta.
Naunang tumayo sa upuan si Dad kahit na wala pa siyang nagagalaw na pagkain sa pinggan niya.
“I am done. It's nice to meet you, Attorney De Armas.”
Tumayo rin kaagad si Levi at inilahad ang kanyang kamay pero nauna nang tumalikod si Dad. Sumunod kaagad sa kanya si Mommy na bago tumalikod ay tinapunan muna kami ng matalim na titig.
Nakita ko ang pagkapahiya sa ekspresyon ng mukha ni Levi. I took his hand na nakamuwestra pa rin. Pinisil ko iyon. I sweetly smile at him when he turns to look at me.
“It’s okay, mahal ko. Huwag mo nang isipin sila Dad at Mommy. Ipinaglihi lang talaga sa sama ng loob ang mga ‘yon.” Yumapos ako sa kanya ng mahigpit. Natigilan ako nang maramdaman ang kakaibang init ng katawan niya.
Dali-dali akong kumalas sa pagkakayakap sa katawan niya at nag-aalala siyang tiningnan. Sasalatin ko na sana ang noo niya nang mapalingon ako kay Helga nang magsalita ito.
“Bitawan mo ang kaso ng mga Portales.”
Nasa pinggan nito ang atensiyon ni Helga. She doesn't look up at us. Seryoso ang kanyang ekspresyon as usual. She's always like that, unreadable and icy.
“We are not talking to you.” Mataray na sabi ko kay Helga.
“Why?” Napasinghap ako nang magtanong si Levi sa kapatid ko.
Binitawan ko siya at nagtatampong humalukipkip. I don't like him talking to my sister. Lahat kasi ng nagugustuhan ko before ay nagkakandarapa kay Helga. I love Levi so much and I trust him pero hindi magawang makampante ng dibdib ko. Yes, I don't know how to handle my insecurities.
“Dad has the forty percent shares of Fosco Properties and Finance. Nag-invest ng fund si Dad para sa lupang iyon na hawak mo ang kaso. I know you're smart enough to analyze the situation.” Helga raises from her seat and fixed us a warning look.
“You should also consider the common patterns of the Portaleses' previous lawyers deaths, Mr. De Armas. It's either you withdraw your legal services for the Portaleses or you'll have the same fate as those lawyers who handled the case which you have in your hands at the moment.”
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ni Levi na mahigpit na kumuyom. Marahas kong tinitigan si Helga ngunit nakahanda na itong tumalikod.
“And good luck to your relationship, Hilaria.”