My Husband's Step-father Has A Secret Kabanata 34 Altar Akala ko nagkataon lang ang lahat. ‘Yong malaking pagkakatugma ng boses ni Luciano sa boses ni Levi. ‘Yong pagkakapareho ng kulay ng balat nila, ng mga mata nila pati na ang tangkad. Pati iyong mga maliliit na detalye na napapansin ko na pinilit kong balewalain. At ang pamilyar na init at sensasyong idinulot niya nang halikan niya ako kahapon sa ilog... Buong akala ko’y dala lang lahat ng iyon ng matinding pangungulila ko kay Levi kaya nakikita ko siya sa katauhan ni Luciano. Pero nitong narinig ko si Benilda na tinawag siyang Levi ay nagulumihanan na ako ng husto. Gusto ko na namang kumbinsihin ang sarili ko na baka dinaya lang ako ng aking pandinig kanina. Na baka nagkamali lang ako ng pangalan na narinig ngunit nahihira