Chapter 13
Sa loob ng opisina niya
"Ano ba ang nangyari, baks?", umpisa niyang tanong habang kinukuha ang medicine kit sa isang kabinit na naroroon sa loob ng kanyang opisina.
"Ang popogi ng mga Fafa na iyon, hayyy sarap magkaroon ng jowa na kasing tulad nila.. yummy!", nangangarap na sabi nito nangalumbaba pa
"Hoy bakla !", tawag pansin niya dito na sinamahan pa niya ng sampal sa braso
"Aray ko naman bru..
" Bagay sa iyo para matauhan ka sa panaginip mo..baklang 'to.. hindi sila pumapatol sa bakla na katulad mo ' noh.",
"Ano ba ang kinain mo bru..ampalaya kasi ang bitter mo e.. "
"Tseh!..
"Magkwento ka nga kung anong nangyari. ", utos niya sabay dampot ng cotton at binuksan ang alcohol.
"Ouch dahan dahan naman bru, may galit ka yata sa akin e." reklamo nito
" Lumabas ako diba para kumuha ng kape,tapos nung nasa labas na ako..naiisipan ko nang pumili ng cake , sinamahan pa nga ako bg waitress mo sa nakadisplay na mga cake.. 'yun may biglang tumama na kamao sa facelak ko . .. of course I'm not expecting na mangyari yon sa beauty ko kaya napatumba nga ang lola mo sa floor..", maarte nitong pahayag
"Baka naman may atraso ka doon kaya ganun na lang ang ginagawa sa iyo.", usisa pa niya
"Jusko po Rudy, first time ko siyang makita pero kung nakita ko man siya noon pa man baka boyfie ko na siya", malandi nitong pahayag
"Arayy ko naman dahan dahan naman..
"Ang landi mo kasi ,nasaktan ka na nga ganyan pa mga iniisip mo...mga ganung lalaki hindi pang boyfie boyfie material.",
"Bakit alam mo,bru..ni isa wala ka ngang boyfie."
"Basta alam ko lang, 'yan ang bulak at gamot ilagay mo sa facelack mo...ikuha kita ng kape para kabahan ka naman sa mga sinasabi mo.",
"Baliw, paano ako kakabahan e kayang kaya ko naman.. kiligin baka puwede pa."
"Bahala ka nga.. mamatay ka sa ilusyon mo baks!", pagkasabi naglalakad na siya palabas ng kanyang opisina
Paglabas niya nakita niya si Clint na busy sa pagtitimpla ng kape, nakahilira na ito sa counter na malapit dito.
"Hi, okay ka lang ?", tanong niya na alam niyang hindi ito okay
"Marami lang tayong customer ngayon, kaya meju busy pero kaya pa naman.", pahayag nito
"Gagawa lang ako ng kape para doon sa bak este kay Andrew.. tapos tutulungan na kita. ", saad niya
"Sure!.. sagot nito na ang nakatutok ang tingin sa ginagawa.
Tapos niyang itimpla ang cafe americano para kay Andrew ay naglalakad naman siya papunta sa mga estante ng cake at nagslice ng orange almond flavor at nilagay sa plate na dala saka niya ipinatong sa tray na naroon sa tabi ng counter.
Para sa kanya ay ang coffee Chocolate marble cake
Pabalik na siya ng kanyang opisina si Catherine ng lapitan siya ni Leah
"Miss Catherine, bumalik po ang nanggugulo kani- kanina lang", saad ni Leah
"Sabihan mo ang ating guard na palabasin ang lalaking 'yon.", utos ni Catherine
"Hinahanap po kayo, Miss Catherine",
"Sabihin mo siya na wala akong oras at busy ako.", utos ni Catherine kay Leah
"Tumawag kayo ng police kung manggulo ulit,at sabihin mo kay Rubin na 'wag na papasukin ang lalaking 'yon dito sa ating coffee shop. banned na kamo.", pagkasabi ay naglalakad na siya patungo sa kanyang opisina kung saan naghihintay sa kanya si Andrea o Andrew
"Sir,hindi po kayo maharap ni Miss Catherine sa mga oras na ito, napaka- busy po niya e.", pahayag ni Leah kay Taemon
Lumapit naman sa dalawa ang guard in duty na si Rubin
"Busy o nagpapaka - busy sa kanyang boyfriend.", si Taemon na nakatingin pa sa loob ng restricted area na animo makikita niya ang opisina ni Catherine
"Sorry po Sir, marami lang po kasi kami ngayong transaction.",paliwanag ni Leah
"E kung nagpaka busy man si Miss Catherine sa boyfriend niya e boyfriend po niya 'yon Sir..at wala po si Miss Catherine obligation sa inyo. ", pahayag ni Leah
Tinignan naman ni Taemon ng masama ang waitress na matabil ang bibig.
Napaatras naman si Leah baka biglang magwala ang lalaki.
"Sir lumabas na lang po kayo ng mahinahon ", ang guard na si Rubin
Napatingin na ang iilang customer sa kanila
" Ito ang sabihin niyo jan sa amo niyo na babalik ako at kailangan niya akong harapin.", saad ni Taemon
Naglalakad na si Taemon palabas ng coffee shop, palingon lingon ito sa likod.
"Sir pina banned na po kayo dito ni Miss Catherine, yan po ang order sa akin na kailangan ko po na sundin. ", saad ni Rubin
"Anong sinasabi mo!", nanlisik ang mata ni Taemon nakatingin sa guard
"Ang sabi ko po pina banned kayo ng boss ko, bakit may angal kayo Sir!", saad ni Rubin na hinawakan pa ang service firearms.
"Wala akong paki- alam sa banned banned na iyan..babalik ako sa gusto ko.", Naglalakad na paalis si Taemon naiwan naman ang guard na napakamot na lang sa batok
"Rubin, umalis na ba?", tanong ni Leah
"Oo pero sabi babalik daw siya at wala daw siyang paki- alam sa banned ni Miss Catherine sa kanya. ", pahayag ni Rubin
"Bakit mo pa kasi sinasabi ang tungkol sa banned, wala ka talaga sa ayos Rubin, pero ang sabi ni Miss Catherine, tatawag daw tayo ng police kapag manggulo pa iyon ulit dito.. sayang ang guwapo pa naman basagulero pala.", si Leah
"Alam ko na 'yan tsaka kahit na huwag na magtawagng police kayang-kaya ko 'yon.. Tsaka Ikaw guwapo lang alam, makakita lang ng guwapo... ako hindi nakikita..bumalik ka na nga sa trabaho mo.. malaki kang marites!", taboy ni Rubin kay Leah
"Heh! hindi ako marites 'no..jan ka na nga ,baliw!", pikon na sabi ni Leah
"Mas baliw ka, bulag pa!", asar ni Rubin
Wala namang nakakarinig sa asaran nila ni Leah dahil nasa entrance sila ng coffee shop
"Sunday na bukas, tuloy ka ba sa blind date na sinasabi mo sa akin?", paalala ni Andrew kay Catherine
"Basta mabait siya ah, ", panigurado ni Catherine
"Oo naman bru.. may attorney ba na loko-loko ..saan ka makakakita?", pahayag ni Andrew
"May lakad ako bukas kasi, dadalo ako sa inauguration ng bagong bahay ni Amaya sa Cavite. ", paliwanag ni Catherine
"Much better..isama mo problema ba iyon... May makikita na ang mga kaibigan mo na may ka- date kana... good idea dava?", saad ni Andrew na may papitik pa ng mga daliri
"Huwag ka ngang ganyan, kakadiri ka...ang laki ng katawan pero babaeng babae kung umasta.", sita ni Catherine
"Ang sabihin mo ,daig kita sa aura ko.. bruha!", saad ni Andrew sa boses inipit
"Yucky! daig your face!.. kumain ka na nga lang.", asar na bara ni Catherine sa kaibigan
Ang dami pa nilang napag- usapan dakawa nakarating na sila ng Europe at kung saan- saan pa. Hanggang inabot na ng hapon si Andrew sa opisina ni Catherine.
Sa opisina na rin sila nananghalian dalawa. Syempre ang dumayo ang taya, ganoon ang patakaran ni Catherine sa buhay.
Umuwi din si Andrew ng sumapit ang ala singko ng hapon.
Nang sumapit ang alas-otso ng gabi umalis na si Catherine sa coffee shop. Tinapos niya ang kanyang mga orders ng coffee na ang iba ay sa ibang bansa pa at ang iba sa Batangas galing ang coffee na kanilang ginagamit
"Ingat po kayo Miss Catherine.", ang guard na kapalitan ni Rubin na si Bernie
"Ano bang nangyari sa iyo T.. hindi ka naman dating ganyan.. aminin mo nga inlove kana ba doon sa kaibigan ng asawa ni Gio?", tanong ni Radli
Kasalukuyan silang nasa isang sikat na bar sa Taguig
"Oo nga, nakaka-panibago ang mga kinikilos mo, nanugod kana lang ng suntok na ngayon lang nangyari. ", sigunda ni Carmelo
Nakatingin lang ang iba pa sa nakayokong si Taemon at inalog-alog ang baso na may lamang alak.
Kahit si Taemon hindi na rin niya nauunawaan ang kabilang sarili, kung makita niya si Catherine na may ibang kausap ang sarap bogbogin at pagbabasagin ang mga pagmumukha ng mga lalaki na kausap nito.
"Mga ganyan na kilos, kapareho 'yan sa mga ikinikilos ng taong umiibig na... naalala niyo noon si Gio,nakita niya lang may lalaking nagtatanong ng diriksyon kay Amaya , binangasan niya na ang lalaki.", si Hans
"Takot lang ang isang 'to na umamin dahil sa pustahan natin", si Uilliam
"Yan lang ba ang problema, e 'di itigil na natin..siya naman ang nanghamon sa pustahan na iyon.. sa akin hindi naman importante ang pustahan, kayo ang importante sa lahat ang pagkakaibigan natin.", napalingon ang lahat sa nagsasalita sa likod ng lahat nakaharap kasi si sila sa lamesang pa- rectangular na walang iba si Gio the married man and loyal.
"Oy Pare!", si Uilliam unang nakabawi.. at nakipag secret handshake dito
Sumunod naman ang tatlo pa maliban kay Taemon na wala pa rin sa huwisyo.
"Mabuti naman nakarating ka," si Carmelo
"Oo nga pare," si Radli
"Ayoko sana kaso pinagtulakan na ako ni kumander, hinagisan pa ako ng damit na pang- alis... you know naman na preggy si kumander kaya mainit ang ulo.", pahayag nito
Natawa naman ang iba pa sa narinig mula kay Gio.
Pero nagulat na lang ang lahat na wala na sa kinauupuan si Taemon
"Nasaan na yun?", si Hans
"Gago talaga , matindi ang problema talaga.. hindi niya ba alam na andito tayo para damayan siya, siraulo ang anak ng puta!", inis na saad ni Uilliam
"Hayaan niyo na malaki na 'yon at hindi na bata pa.. uminom ka na lang Pre Gio.", pahayag ni Radli
"Bawal sa buntis ang amoy nang alak. ", si Carmelo
Si Taemon naman ay lulan ng kanyang sports car gusto niyang puntahan si Catherine sa coffee shop nito.
Naguguluhan din si Taemon sa mga inaasal niya na hindi niya naman mapipigilan ang sarili na huwag gawin, Tinamaan na nga ba siya ng pana ni kupido.
Ayaw niya ng ganito pero ito siya ngayon gusto niyang puntahan sa coffee ang babae na dahilan ng lahat.
Naghanap si Taemon ng pagkakataon upang igilid ang kanyang sasakyan, hindi tama na pasundan niya ang nais ng puso, kailangan utak ang gamitin niya sa pagkakataon na ito.
Hindi puwede na matulad siya sa ina at tiyahin na nagpakaalipin dahil sa pag- ibig.
Nakakuha siya ng tyempo at nakapag- U- turn siya, uuwi na lang siya. Nawalan na rin siya ng gana bumalik sa mga kaibigan tiyak pagkakantyawan lang siya ng mga iyon.
Nakarating na rin si Catherine sa bahay ng mommy niya na agad naman siyang pinag- buksan ng guard na makita ang kanyang sasakyan.
Naipark niya nang maayos ang kanyang kotse nang mapansin ang isang sasakyan na McLaren
"Kuya kaninong kotse ang isang iyan?", tanong ni Catherine sa kanilang guard
"Good evening Miss Catherine.. ah iyan po ba ,bisita ng mommy mo 'yan.. kaibigan niya po si Ma'am Kaithleen.
"Salamat po kuya," pahayag niya sa guard
Nagmamadali siyang naglalakad papalapit sa kanilang main door
"Good morning po Miss Catherine ", si Vilma na katulong ng mommy niya
"Asan po sila ni mommy, ate?", tanong niya dito
"Nasa itaas po Miss Catherine sa may living room.", pahayag ng kasambahay
"Salamat po,ate.. paki padalhan po ako ng pagkain ko doon.", saad niya
"Naroon na po Miss Amaya.. kompleto po doon. ", pahayag nito
"Ahh Okay po, ate Vilma.. Salamat po, kumain na po kayo?", tanong niya
"Salamat po Miss Catherine pero tapos na po kami"
"Sige po Ate,aakyat na po ako",
"Sige po Miss Catherine, kanina pa rin po kayo ng mommy niyo inaantay.",
"Salamat po"
Nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa second floor kung nasan naroon din ang kanyang kuwarto.,nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan dinig niya na ang usapan ng mommy niya at ni Tita Kaithleen na mommy ni Amaya.
May living area ang kanilang 2nd floor, pagkasampa mo nang hagdanan bubungad na ang malalaking sofa ng private living room.
Mga piling bisita lang ang puwede sa kanilang living room sa itaas mostly mga family lang talaga ang puwede.
"Good evening everyone, "bungad niya
"Maria, nariyan ka na pala.. dito ka na kumain at pinaakyat ko na dito ang pagkain mo dahil nandito ang Tita Kaithleen mo.", saad ng mommy niya
Lumapit siya sa mga ito nag-bless sa mommy at pagkatapos sa kay Tita Kaithleen na mommy ng kanyang besty na si Amaya.
"Wala pa ring kupas ang beauty niyo po Tita, Kumusta nga po pala kayo ni Tito?", pahayag ni Catherine
" Wow, talaga hija,nagsasabi ka talaga ng totoo..hindi katulad nitong mommy mo napaka kj ayaw tanggapin na mas maganda talaga ako kesa sa kanya.", saad ni Kaithleen
Kinindatan naman ni Catherine ang mommy niya
"Ke tanda-tanda na nagpapaniwala pa sa pambobola nitong si Maria na number bolera ito." ang mommy niya
"Palibhasa ikaw kasi Mercedes sa lahat ng minana mo kay Tita Efepania ang kanya pa talagang ka kj... hindi marunong maka-appreciates ng magaganda",pahayag ni Kaithleen
Palipat lipat ang tingin niya sa dalawang hindi malaman kung nag- aaway na ba o ano.. pero may isa lang siyang naalala.. alam niya kung paano pahintuin ang dalawa. Tumayo siya nagtungo sa counter kung saan ang coffee maker. Iniwan niya ang dalawa na nagsagutan pa rin.
Gumawa si Catherine ng tatlong Coffee Caramel
"Magkape muna kayong dalawa, dahil sa ginagawa niyo mukhang abutin kayo ng umaga,hindi pa rin kayo matapos.", pahayag ni Catherine
"Ohhh how thoughtful, thank you hija ",
"Ito po sa inyo Tita, " inabot niya kay Kaithleen
"Here's for you, mom!", sabay abot ng kape sa kanyang mommy
Umupo siya sa katabing inuupuan ng mommy niya at kumuhsma ng plate pagkatapos nilagyan ng kanin at sa isang mangkok naglagay sinigang na hipon na kanina pa siya natakam naantala lang dahil sa dalawang oldies