Chapter 02

2012 Words
Dalawang oras na siyang nagmamaneho at nasa SLEX na siya at pasalamat siya na nakatakas siya sa apat niyang abductor. At maging safe na, marami na rin siyang nakasabayang mga sasabihin. Kailangan niyang mag-iingat ngayon dahil may tao palang galit sa mga sisterhood at nakidnap pa siya ng dalawang araw. Nakarating na siya ng Alabang ng may biglang nagprenong sasakyan sa harapan niya na hindi niya naagapan at nabangga niya ang bumper nito. Hindi niya napansin na red light na pala. Paktay siya ngayon nito, lalo pa't hindi naman ito sa kanyang sasakyan. At mukhang mamamahalin pang sasakyan ang nadali niya. Todas na siya. Nakaligtas nga siya sa mga kidnapper, sa pagkakakulong hindi niya ata ito malusutan . Ang tanga naman kasi ng kotse na sinundan niya. Bigla bigla ba namang pomreno. Nakita niyang gumilid ang sasakyan isang bugatti chiron sports car. Parang gusto niya nang maiyak. Kaya gumilid na rin siya para hindi magka cause ng traffic. Inayos niya ang sarili para kahit papano ay presentable siyang humarap sa driver. Daanin niya na lang sa charm niya kung sino man ang pontio pilato na driver. Nakita niyang bumaba ang driver na ikinalaki ng mga mata niya. Omg mas lalong patay siya, bakit sa dinami-daming mabangga niya ito pang hambog na kaibigan ni Giovanni. Kumakatok na ito sa side niya pero hindi niya binuksan ang pinto kahit ang salamin ng kanyang bintana. Pero ang hudyong lakaki mas lalo pang kinalampag ang kanyang bintana. "Kaya sa inis niya, bigla niya itong binuksan ng pintuan kaya napaatras ito dahil sa lakas ng pagbalibag sa pinto ng kotse na ginagamit niya. "Mr mayabang na hudiyo ka, hindi ka ba marunong magdahan dahan sa pagkatok!", saad niyang nanggigil na siya Lumapit naman ito sa kanya. "Ikaw?!", hindi makapaniwala na ako ang nakita "Ako nga", na tumayo na ako para hindi ako nakatingala sa hambog na lalaking ito. "You mean to say, your the driver who's bumped my baby?", tanong nito na nakaduro duro pa ang daliri nito sa mukha ko "Technically hindi ko kasalanan, ikaw itong nagpreno bigla e!", pagmanasungit ko, idaan ko na lang sa tapang "Anong ako , hindi ka ba marunong tumingin sa stop light?!.. o kailangan mo pa nang lecturer para matuto ka!", tinignan ko naman ito ng nakakamatay na tingin Maya maya lang may dumating na, na taga traffic police group o traffic inforcer. "Ma'am/ Sir.. anong problema po niyo?", nakita ang damage ng mamahaling kotse. "Sir mukhang kasalanan po ito ni Ma'am, kayo po ang agrabyado dito at kayo ang binangga..anong plano niyo po Sir dito kay Ma'am na maganda.",lumingon naman sa akin ang hudyo sa narinig ng police inforcer. "No problem about my car , the insurance will covered it...",na ikinasama ko ng tingin sa narinig dito na wala naman palang problema at may insurance naman pala ang kotse nito .. e anong ginagawa niya pa dito. "But this woman, needs to educate about the signs and signals", na ikina init ng ulo niya pero kelangan niya maging diplomatic para makaalis na siya baka mahabol pa siya ng mga taong kumidnap sa kanya. "Puwede na po ba akong makaalis, since wala naman palang problema..at may insurance naman pala itong expensive car ni Sir Dems", pahayag niya na ikinalingon nito sa kanya. "Ano po Sir, gusto na ni Ma'am umalis, kayo po ang magdesesyon dito, Pero kung ako tatanungin,..arigluhin niyo na lang ito kesa magkaroon pa ng record si Ma'am.", pahayag ng traffic inforcer "Give me your calling number first before you leave, kapag may problema...tatawagan kita", demand nito sa kanya "Give me your phone and I will save my number", binigay naman nito sa kanya at nagtype na siya ng kanyang number at na save niya na. Binalik niya na ang phone dito. "Can I go now?", tanong niya "Next time ma'am be vigilant para hindi tayo magkaroon ng violation at record.", tumango naman siya sa police at nagpasalamat na. Akma na rin siyang sasakay ng kanyang dalang kotse para umalis na nang magsalita si Mr Dems as in Mr Demons Ako lang nagbigay sa kanya ng pangalan dahil ang hangin na nakakainis na lalo na sa kasal ni Amaya, sarap niyang iloblob sa ilog Oasis. Teka umabot na ako sa Oasis na 'yon na puwede naman jan lang sa malapit na may creek..Napapangiti ako sa naiisip ko sa gagawin ko sa lunatic na ito. Pangalan nito Tae sorry sa words pero yun talaga pangalan niya e Taemom haha ang baho ng pangalan nang nems**l na ito. Mas lalo akong natawa sa pangalan. Yucky! pero bagay talaga din naman sa kanya puwede i- plush sa toilet. "Are you a psychopath or what?!", napatingin naman ako sa kanya "Tseee... mind your own business!", sabay daan sa harapan nito at sinadya ko pang banggain ang hudyong lakaki. "Attempted physical injury, yan ginawa mo Ms.Krung", nilingon ko naman ito "A-anong Ms.Krung?", nagtatakang tanong ko kay Mr Dems "Hindi ba obviously I am referring to your behaviour?!", tumatawa nitong sabi "Magdiwang ka ngayon , Mr Toilet..akin ang huling halakhak.", Pagkatapos kong sabihin tumawa ako na parang nakakaloko. Paglingon ko sa aming gilid pinagtitinginan na pala kami ng mga ibang motorista.. kaya pumasok na ako sa aking sasakyan at iniwan ang Mr Toilet na bitbit ko ang namumulang mukha. "Tragis talaga ang lalaking yon.. papansin kahit kailan.. mula pa sa kasal ni Amaya. Nakakahb siya ay hindi lang pala, nakaka diluted siya ng aking hemoglobin. Kung ganun lagi niyang makakasama sa araw araw na lalaki siguro maaga siyang mag menopause Flashback Asan ba dito ang reception ng kasal ni Amaya , habang nakatayo siya at tinitignan ang tatlong pinto na nasa harapan niya. Hindi kasi siya sumama kanina nila Jessica at Monique. Dead batt pa naman ang phone niya, any my ni mo na lang ba ang gagawin niya. Pero magmukha siyang ingot kung ganun nga ang kanyang gagawin. Pero napatigil siya sa sana gagawin niya na nasa isip nang may kumalabit sa kanyang balikat. Pero binalewala niya muna dahil sa nag-iisip siya kung tama bang gawin niya ang any my ni mo nang may kumalabit na naman sa kanya. "Ano ba argghh, disturbing a person is a crime!", sabay harap niya sa taong panay kalabit sa kanya. "Hoy Miss gawin mo ang trabaho mo ,hindi yong kustomer niyo pa ang maghahanap sa inyo. ", pahayag ng estranghero nito sa kanya na ikakunot ng kanyang noo dahil wala siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi nito. "Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo Mister Pilato ka!.. na napagkamalan pa ata siyang receptionist. Sabay tingin niya sa suot niya. Mukha ba talaga akong receptionist sa paningin ng lalaking ito? tanong sa isip " Sir hindi po ako dito... " Miss dapat hindi ka dito nakatayo na akala mo nagbibilang ka ng mga tao na dumadaan, doon ka dapa sa puwesto mo.. Tignan mo oh ang dami ng nakapila sa reception area at ikaw pagala gala ka pa sa oras ng trabaho.. nako Miss kung ako boss mo kanina pa kita sinisisante, employee's negligence at working hours.", tuloy tuloy na pahayag nito sa kanya na ikinatanga niya at tama siya napagkamalan talaga siyang receptionist ng mokong na ito. "Hindi nga po ako rito nagtratrabaho ", sabi ko na sinisipat pa akong mabuti. "Master Catherine!", Napalingon silang dalawa sa sumigaw ng kanyang magandang pangalan. Nakita niya si Mariel na papalapit sa kinaroroonan nila ng lalaking kaharap. "Tara na po Master , sabay na po tayong pumasok ", aya sa akin ni Mariel na nagpatangay na lang ako sa paghila nito kesa naman kaharapin ko pa rin ang lalaking walang modo. Tinaasan ko muna ito ng kilay niyang pamatay sa ganda. Bago pumasok sa venue ng kasal ni Amaya. End of Flashback Hindi niya makakalimotan ag lalaki na 'yon. Pagdating sa loob ng reception area, nagkasalubong na naman sila ng landas at inaasar lang naman siya ng hudyong lalaki, kapareho ko raw kasi ang damit ng mga receptionist na sa tingin ko iba naman ang sa kanya meju hawig sa kulay pero ibang iba talaga. Malapit na siya sa kanilang training ground ng maalala ang sasakyan na kanyang gamit kung anong gagawin niya dito na hindi naman sa kanya. Kaya dumaan siya sa isang police station at isurrender niya ang sasakyan na baka nakaw pa ng mga kidnapper. Sasabihin niya ang totoo kung magtanong kung paano niya nakuha ang sasakyan may ibedensya naman siya na.. nakidnap siya sa training ground niya na lang pagawan ng medical record itong mga pasa niya sa pulso at sa binti. Alas onse na ng gabi at may nakita na siyang police presint.. Ipinarada niya ang sasakyan pero bago siya pumasok kinuhanan niya muna ng picture ang lahat ng anggulo ng sasakyan pagkatapos pumasok na siya sa loob, may naabutan siyang mga police na nagkakape.. May babae rin na police kaya doon siya lumapit. "Good evening Ma'am, may ipaglilingkod po ba ako sa inyo?", masaya siya sa approach sa kanya ng police woman na ito na binasa niya ang nameplate sa kanang bahagi ng uniform SPO1 Sanchez M. "Ma'am andito po ako para mag surrender po ng isang sasakyan po na hindi naman sa akin", sa sinasabi niya nakuha niya ang atensyon ng dalawang police na nagkakape. "Bakit niyo ginagamit kung hindi naman pala kayo ang may-ari?", tanong ng policewoman "Anong sinasabi niya sa iyo Spo1 Sanchez?!", tanong ng isang police na meju maganda ang katawan ..wag na kayong umangal pa.. sa talagang ganito ako mag describes ng appearance ng isang police . "Anong klaseng sasakyan po ito Miss at bakit nasa inyong pangangalaga.", tanong ng babae na police pero hindi siya sa sumagot "Wag kang matatakot Miss, andito ka na kaya panindigan niyo na... ako pala si SPO1 Sanchez , itong mga kasama ko si Spo2 Suarez at Po2 Arguelles... wala ka po ikabahala sa amin mga matitino kaming police at lahat nang mga napag- uusapan dito Miss naka record po ito. Hindi naman siya takot sa police ang inaalala niya ay baka saan pa ito makakarating ang paglalapit niya sa mga police. "Isa po ito maroon na Honda Crv at wala po itong plaka... sa katunayan po n'yan nakidnap po ako.. Two days ago po when I was attending my friend wedding... Pagkatapos po ng reception ng kasal habang pasakay na po ako ng aking sasakyan nang may tumakip sa ilong ko tapos nagising na lang ho ako nasa isang parang bodega po s'ya..mabuti na nga lang po at nakatakas po ako.", pahayag ko sa kanila tatlong police. "Saang lugar ka uma-attend ng kasal", tanong ni Spo2 Suarez "Sa may Sto . Domingo Church ,Sir", sagot ko "Sa Sto Domingo Church ka kamo umaattend ng kasal.", pahayag ni Spo1 Sanchez "Yes po, Ma'am pagkatapos po ng kasal nakarating pa ako ng reception sa may Dela Fort Midtown Hotel and Casino po. Yun nga po doon sa labas po ng hotel ako kinuha. apat na lalaki po sila. ", tumango tango naman ang mga police na kausap ko. "Recorded po ito Miss..?" "Dela Peña po", dugtong ko rito "Paano na- involved ang sasakyan?", tanong ni SPO1 Sanchez "Nalinglang ko po ang isa sa apat na kidnapper akala po niya na may gusto ako sa kanya, ginamit ko po ang pagkakataon na iyon para makatakas ako sa kanila....ginamit ko po ang sasakyan na tamang tama po nakakabit pa ang susi sa ignition kaya po nakatakas ako. ", paliwanag ko "May idea ka ba kung bakit ka nila kinidnap?..at two days ka sa kamay ng mga kidnapper mo", napatingin siya sa mga ito "Wala po e,"pahayag ko dito "Ganito na lang Miss Dela Peña, iwan mo sa amin ang contact mo , then, update ka na lang namin sa aming gagawin na imbistigasyon related sa case mo.", paliwanag ni Spo1 Sanchez "Paki permahan niyo po ito ,Ma'am ", inabot sa akin ang complain ko ni Po2 Arguelles "Paki basa na lang bago permahan ", si Spo2 Suarez Sinunod niya naman at pagkatapos ay umuwi na siya binigay niya rin kay Spo1 Sanchez ang susi ng kotse at nag grab na lang siya papunta sa training ground.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD