Chapter 15

3317 Words
Chapter 15 Nagkasayahan pa rin ang lahat pagkatapos ng seremonyas sa blessing sa bahay nina Amaya at Gio at pagkatapos ng kainan, pero hindi na naa- appreciate pa ni Catherine ang mga ito. May nagkantahan at ang iba naman ay sumasayaw. Kasalukuyan siyang nasa veranda ng bahay sa ikatlong palapag tinatanaw niya ang mga bisita sa ibaba. Nagpaalam na rin sa kanya si Atty Gil , may client daw na biglang tumawag na alam niyang isang alibi lang ito pero wala naman siyang magawa , nahihiya nga siya dito dahil sz ginawa ng nanay niya dito. Hinatid naman ito ni Andrew dahil walang sasakyan si Atty na dala dahil nakisabay lang sila kay Andrew papunta ng Cavite at bilang bayad purwesyo na rin kay Atty na kinaray -karay pa nila sa malayo. THROWBACK "Salamat talaga ng marami Atty at sorry po sa inasta ng mommy sa iyo kanina sa loob", pakumbabang paghingi ni Catherine ng paumanhin "It's okay, I know how to deal sa mga ganung treatment sa akin I'm not intimidating by that kind of actions. Hindi lang lang siya mas malala pa nga ang iba.. as my twelve years in service as a criminal defense lawyer and litigation lawyer at the same time.", mahabang pahayag ni Atty Gil Hindi niya nauunawaan ang sinasabi nito pero tumatango naman siya "Your the best na talaga attorney, sa akin ka na lang ", malanding singit ni Andrew na lumalabas talaga ang tunay kapag sila- sila lang , tinapik naman ni Attorney ang balikat nito "Poro ka kalokohan, Baks.. sige umalis na kayo,may kliyente pa si Atty baka maghintay ng matagal 'yon", sakay ni Catherine sa paalam ni Attorney kung bakit uuwi na ito. Alas siete na ng gabi ang oras kaya okay na kubg uuwi na ito, sobrang abala na rin niya sa abogado kung saan titignan na anggulo. "Mukhang marami pa akong dapat matutunan about sa batas- batas na 'yan", dagdag pa ni Andrew na ikinatawa nilang dalawa ni Attorney "You can visit me anytime in my lawfirm, my secretary discuss you about the law,then. ", alok ni Attorney Gil na ikinangiwi ni Andrew "Alam ko na pala ang batas, like Criminal Defense Lawyer ka diba,Atty?",panigurado pa ni Andrew na ikinatango ni Attorney "Madali lang unawain defensive lawyer ka yan ang ibig sabihin hehehe ", kalokohan sabi ni Andrew natawa naman sila ni Attorney. "Ingatan mo si Attorney, baks baka kung saan mo pa 'yan dadalhin alalahanin ang client.", birong bilin ni Catherine Bago tuluyang umalis ang dalawa na hindi akalain na isa dito ay kasali pala sa ABC community at iyon ay si Andrew o Andrea sa gabi. Nagyakapan muna sila ni Andrea o Andrew hindi niya akalain ba gagaya rin pala si Attorney kaya ginantihan rin no Catherine ng yakap pero walang malisya Ang hindi alam ng tatlo may mga matang kanina pa gusto silang sugurin at ang kawawang bote na lang ang napagtuunan ng pansin dahil sa selos na hindi mailabas. Naisip ni Catherine ang veranda sa third floor na masarap tambayan naiisip niya na ito kaninang sa paglilibot nila kasama ang pari na nangunguna sa seremonya ng house blessing. Pero bago siya umakyat kumuha muna siya ng dalawang inumin para hindi siya mabagot. Hindi niya alam kung saan ang mga kaibigan si Monique at Jessica kaya tuluyan na nga siyang umakyat sa hagdanan bitbit ang malamig pa na inumin. End of throwback "Anong ginagawa mo dito mag-isa,nalulungkot ka dahil wala na ang mga lalaki mo?", pagkarinig ni Catherine sa baritonong boses ni Taemon nagpanting agad ang kanyang taynga. Dahan dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses ng hudyo na nakayayo na pala sa may gilid ng barandilya kasalukuyan kasi siyang nasa balkone kung saan tinatanaw niya ang mga tao sa garden na nagkasayahan "Ano kailangan mo.. andito ka ba para insultuhin ako, tsaka teka lang as far as I know and I remember we are not close, even friend here.", inis niyang sabi na bigla siyang tumayo at aalis pero hinarangan naman siya ng hudyong lalaki. "Padaanin mo kong animal ka!", pigil galit niyang singhal dito "Bakit takot kang, hindi ka makakabingwit ng mga lalaki ngayon dit.. hindi na natapos ni Tapos ang sasabihin ng lumagapak na ang palad ni Catherine sa mukha niya "Wala kang karapatan na insultuhin at bastusin mo ako!... animal ka! anong akala mo sa akin, hindi ako nandito para maghahanap ng mga lalaki, gago ka!", nanginginig na sa galit na mura ni Catherine kay Taemon mabuti na lang at walang mga tao sa malapit sa kanila "Wala kang paki- alam sa buhay ko, kaya pack off!", ulit niya sabi na sapo sapo ang pisngi na nasaktan Sa lakas ba naman ng pagkasampal niya dito. "May araw ka rin sa akin,bastos na mayabang ka!, Tabi..!", saad niya ulit kay Taemon sabay tulak nito at mabilis na naglalakad paalis. Napasandal naman si Taemon sa barandelya ng terasa habang sapo pa rin ang nasaktang kanang pisngi , habang dindungaw ang maari niya babagsakan kung siya ay nahulog sa ibaba kung wala ang matibay na rehas na bakal. Walang nakapansin sa dalawa dahil nasa 3rd sila ng bahay nila Amaya. Sising sisi naman si Taemon sa ginawa napaupo naman siya sa upuan, hindi sana 'yon ang gusto niyang mangyari. Pero naiinis kasi siya sa yakapan na nakita niya sa kay Catherine at doon sa dalawang lalaki na kasama.Kahit nasa ispirito siya ng alak, alam pa rin at nmtanda niya ang kanyang nakita at ginagawa. Halos pukpukin niya na ang kanyang ulo sabunutan ang buhok dahil sa aksyon niya kay Catherine. "Tanga- tanga ko talaga", sisi niya sa sarili Habang patakbo naman si Catherine naglalakad pababa ng hagdanan galing sa veranda ng bahay ni Amaya, muntik pa niyang mabangga ang dalawang kaibigan ni Taemon na si Hans at Uilliam pero wala siyang paki- alam tuloy lang siyang bumaba palayo sa dalawa na alam na ang dahilan kung bakit "Oppss.. si Uilliam na muntik nang mabangga ni Catherine kung hindi lang mabilis ang reflexes ni Uilliam magka- banggaan na talaga sila ng dalaga. Napalingon naman si Hans sa dalaga na busangot ang mukha nito. "Ca-Cath..!", bati ni Catherine pero deadma ang dalaga at patuloy sa pagbaba "Mukhang may hindi magandang nangyari sa dalawa ah", si Hans " Malamang kaya bilisan natin, baka anong na ang nangyari sa gagong Taemon bakit na lang ganun ang hitsura ni Catherine.", si Uilliam kay Hans "Makakatikim talaga itong kupal na ito sa akin, ang akala ko pa naman ay makikipag- usap siya para magkaayos na silang dalawa", si Hans na gigil na sa kaibigan at ang tinutukoy ay si Taemon "Ang daming mong sinasabi, bilisan mo nga jan.", si Uilliam na inunahan pa si Hans pag- akyat Binilisan nga nila ang pag- akyat papunta sa veranda na nasa ikatlong palapag ng bahay Nakarating na si Catherine sa pinaka ground floor, kung saan ang receiving area imbis pumakaliwa pabalik sa garden, dere- deretso siyang lumabas at hindi na narinig ang pagtawag ni Minerva sa kanya. Tuloy siyang lumabas pagkatapos kinausap ang guard upang Ihatid sa highway nang sa ganun ay makasakay siya ng sasakyan pabalik ng Manila "Ma'am nagpaalam na po ba kayo kay Ma'am Amaya?", pag- uusisa ng guard "Yes po kuya, tapos na at ang sabi niya sabihin ko raw sa inyo na ihatid niyo ako sa sakayan sa labas ng subdivision", alibi niya "Teka lang po,tawagan ko lang po si Ma'am Amaya.. magpaalam lang ako Ma'am.", pahayag ng guard sa kanya "Ayyy nako kuya, may bilin siya sa akin na huwag na daw siyang distorbuhin dahil masama ang kanyang pakiramdam... alam niyo na buntis ang kaibigan ko na 'yon." kumbinsi niya na parang maka-totohanan " Kay Sir Gio na lang po", saad pa ulit ng Guard na meju makulit din , pero mahinahon lang si Catherine "Magkasama po sila kuya ngayon kaya wala kang makausap.", pagsisinungaling niya ,makaalis lang siya "Ihatid mo na si Ma'am ganda Bakas ako na muna dito.", pahayag ng isang guard na bagong dating Laking pasalamat naman ni Catherine "Dito po tayo Ma'am sa go cart sasakay ", aya ng guard sa kanya na ikinatango niya lang Samantalang nakarating na si Uilliam at Hans sa veranda na pinanggalingan ni Catherine at kung saan nandoon pa rin si Taemon Nakita nilang nakayoko ito sa lamesa na nakaupo sa pang- isahang upuan at mahimbing ang tulog tulo laway pa. Niyogyog ni Hans ang balikat nito "Taemon dude, gising!", saad ni Hans Nagising naman ito, dahil nga lasing nakatulog kaagad ilang minuto pagkaalis ni Catherine "A- ahnong nhangyari?", si Taemon na lasing dahil ininom ang dalawang buti pa ng beer na dala ni Catherine na naiwan sa lamesa "Ang gagong ito, ikaw nga dapat naming tanungin kung anong nangyari dito sa inyo ni Catherine e", pikon na sabi ni Uilliam kung hindi lang lasing ang kaibigan kanina pa niya binatukan "Wha-wala e, nhadala a-ako sa hikk sa sa shelos kho... nhakita yhakap yakap niya y-yong dhalawang fanget na mga iyon" "Tarantado ka pala e, normal lang 'yong yakapan kapag nagpapaalam dahil uuwi na sila ng Manila.. ano naman ginawa mo?", inis na saad ni Hans "Ang labo mo talaga,dude.. tas ito ka natutulog ka pa dito.. sarap mo ihulog talaga nang matauhan ka.", pahayag ni Uilliam na napasuklay pa ng sariling buhok "Oo ghago thalaga a- ako hikk!", sagot naman nito "Shana nga nhahulog na lhang ako kanina sa phagtulak ni- niya sha aakin.", pahayag nito "Sana nga, Ewan ko sa iyo kundi ka ba naman isa't kalahating shunga, sana naging maayos na kayo ngayon ng iyong inirog.", si Hans na meju kumalma na Napayok-yok naman si Taemon sa lamesa sa sobrang lasing "Bantayan mo 'tong gago na ito baka tatalon jan sa rehas, kukuha lang ako ng kape para mabawasan ang pagkalasing niyan. ", utos ni Uilliam kay Hans "Hayaan mo kapag hindi pa ito umayos sa susunod ako na talaga maghulog nito dito.", pahayag ni Hans "Baliw , bantayan mo 'yan. ", pahayag ni Uilliam naglalakad na papasok sa pinto para makababa sa ground floor May naiisip naman na kalokohan si Hans sa kay Taemon.. kinuha ang sariling cellphone at kinuhanan ng video ang lasing na kaibigan na nakayokyok sa lamesa at pinopost sa IG na may captions "Too much love will you" Nakabalik naman agad si Uilliam sa veranda "Sino pa ang paiinumin mo niyan e deadbat itong isa ", si Hans na itinuro pa si Taemon "Paupo nga, napagod lang pala ako sa wala, ", reklamo ni Uilliam Walang kaalam alam ang iba pa nilang mga kaibigan sa nangyari kay Taemon. "Tara na nga at luluwas pa tayo ng Manila , may maaga akong tripping bukas sa Bulacan.", si Hans "Paano itong isang 'to?", si Uilliam na ang tinutukoy ay si Taemon na natutulog. " Ipakuha na lang yan dito ni Gio kung gusto niya.", pahayag ni Hans sabay tayo mula sa kinauupuan at naglalakad palabas. Tumayo na rin si Uilliam pero bago ito lumabas hinubad myna nito ang coat na suot at ipinatong sa balikat ni Taemon bilang kumot saka sumunod kay Hans naabutan naman ng huli sa may hagdanan "Akala ko magpapa- iwan ka doon. ", asar ni Hans kay Uilliam "Malaki na siya ", maikling saad ni Radli Pagkababa nila ,nagsipa- uwian na pala ang mga bisita at ang natira ay mga malalapit na kaibigan ng pamilya nila Amaya at Gio. "Kayo ba ay hindi pa uuwi?", bungad ni Hans sa dalawang kaibigan. Radli na kausap ang nobyang si Arabella at Carmelo kausap naman si Clariss na nililigawan nito pero kumakain na sa iisang plato. "Mamaya- maya pa kami uuwi, right hon?", saad ni Radli na tinatanong ang kasintahan "Ang sabi mo uuwi na tayo kapag nandito na sila.", pambubuko ni Arabella kay Radli Napakamot naman si Radli sa hindi pakikipag- cooperate ng nobya sa kanya. "Sige, mauuna na lang pala kami ni Hans ", saad ni Uilliam sa mga kaibigan "Oo nga, abala lang kayo sa amin dal..", si Carmelo na tinignan naman ni Clariss ng warning look kaya tumahimik "Uuwi naba kayo, Hans?", si Gio na papalapit sa kanilang lima "May maaga pa akong tripping bukas, pagalitan na naman ako ni tanda kapag hindi ako sasama.", sagot ni Hans kay Gio "Ang sabihin mo takot ka sa buntot ng pagi na lagi nitong ipinamalo sa iyo", pambubuking ni Carmelo "Tang'na mo Carmelo.", inis na saad ni Hans "E ikaw Hon anong kinakatakutan mo sa Papa mo?",si Arabella kay Radli Nagtawanan naman ang mga kaibigan ni Radli sa tanong ng girlfriend nito. "Wala Hon, my Dad is disciplinary but not hitting me, since a kid.", sagot ni Radli "Weeeehhh", sabay sabay na saad ni Hans at Uilliam na ikinatawa naman ni Carmelo at Gio "Umalis na nga kayong dalawa , bolabog lang kayo dito", pikon na sabi ni Radli "Okay lang yan hon.. love pa rin naman kita kahit ano pa ang kinatakutan mo.", pampalubag ng loob ni Arabella kay Radli "Mahal din kita,Hon", sagot ni Radli dito "Get a room Rad, respito naman sa single", si Carmelo na ang tingin kay Uilliam "Anong tinginan 'yan ,Carmelo.. gusto mo bangasan ko 'yang bilbil mo na lumalaki?", si Uilliam "Tara na, huwag mo na pansinin 'yan, palalim na ang gabi.", hila ni Hans kay Uilliam "Sige dude, Gio mauna na kami ", paalam ni Hans Tumayo naman ang dalawa si Radli at Carmelo para sa isang secret handshake nilang magkakaibigan. Kahit nagkabardagulan man sila kadalasan magkakaibigan ang respito sa kanilang secret handshake ay nanatiling sagrado. "Hans drive safely!", pahabol na sabi ni Radli "I will!", sagot naman ng huli "Nakakatuwa kayong magkakaibigan, magulo pero cute.", puna ni Clariss "Ganun lang talaga kami, babe!", si Carmelo sa kay Clariss "Babe your face, at kailan pa kita sinagot?", bara ni Clariss kay Carmelo "Parang aso at pusa kayong dalawa.. bagay na bagay", si Arabella na sinamahan pa ng halakhak " Ito kasi feeling na feeling niya girlfriend niya na ako.", sagot ni Clariss kay Arabella May ibinulong si Radli kay Arabella na tumango naman ito at tumayo tsaka nilapitan nito si Clariss. "Pahiram muna kay Clariss, okay lang ba?", tumingin naman si Carmelo kay Clariss "Payagan muna sila baka gusto ng girl bonding ", si Radli "Diyan lang kami ,promise hindi kami mawawala.", segunda naman ni Arabella "Sige pero huwag kayong lalayo ah", panigurado ni Carmelo "Oo diyan lang kami.", sagot ni Arabella Umalis na ang dalawa at nagpunta sa loob ng kabahayan naghanap sila ng powder room. Habang si Jessica at Monique hinahanap nila si Catherine na bigla na lang nawala sa umpukan nilang magkakaibigan kasama ang mga sisters na invited din. Pababa sila ng hagdanan mula sa ikalawang palapag kung saan doon ang kuwarto nilang tatlong magkakaibigan. Dahil wala nga si Catherine kaya naisipan nilang hanapin ito sa ibaba. Paakyat naman sila ni Gio, Carmelo at Radli sa hagdanan dahil pupuntahan nila si Taemon sa veranda. "Omg paakyat sila Radli dito", bulong ni Jessica kay Monique "Huwag kang maingay, as if ka na lang na hindi mo sila nakikita ", pahayag ni Monique habang nakawak sa braso ni Jessica "Guwapo pa rin talaga si Rad,' no?", saad ni Jessica hinila naman ni Monique ang braso para tumigil sa pagsasalita. Nang malapit na ang tatlong lalaking magkakaibigan "Hi Monique at Jessica", bati ni Carmelo sa kanila "Hello din po", sagot ni Jessica pero si Monique tahimik lang na nasa gilid ni Jessica "Hindi pa ba kayo matutulog na dalawa?", si Gio "Hinahanap po namin si Catherine, kuya Gio.", si Jessica "Hindi ba siya nagpaalam sa inyo?", usisa ni Gio "Kaya nga po namin siya hinahanap dahil kanina pa namin siya hindi makita.", pahayag ni Jessica "Bumalik na lang kayo sa kuwarto niyo at wala na siya dito,baka sa mga oras na ito nasa kanila na 'yun.", paliwanag ni Carmelo Tahimik lang si Radli na nasa likuran ni Gio "Ahh sige po, babalik na lang po kami sa aming kuwarto.. salamat po sa inyo mga kuya.. Hoy Monique wait antayin mo ako. ", si Jessica Bigla na lang kasi itong tumalikod at tumakbo na pabalik sa silid nila. "Anong nangyari doon,", nagtatakang tanong ni Gio sa biglang pagtatakbo ni Monique "Matagal ka kasing nasa Italy ,marami ka tuloy hindi nalalaman ", si Carmelo "Ang daldal mo Carmelo, dinaig mo pa ang bagong tugpa na inahing manok mula sa pugad", si Radli "Ayaw mo bang malaman ng kaibigan natin,Rad?", tanong ni Carmelo Nagpapatuloy silang tatlo sa pag- akyat patungo sa ikatlong palapag "Bakit anong kinalaman ni Monique dito ,sa aksyon niya ngayon ngayon lang?", tanong ni Gio "Huwag mo nang bigyang kahulugan 'yun ,dude Gio.. baka biglang sumakit ang tiyan kaya nagtatakbo pabalik sa kuwarto nila.", paliwanag ni Radli "Ang sabihin mo affected pa rin siya sa presence mo, bakit noknokan ka ng bobo,Rad.. manhid mong gago ka!", naiinis na rin si Carmelo kay Radli "Huminahon ka ,Carmelo.. mukhang gets ko na ang ibig sabihin noong pag- walk- out ni Monique... she's your woman, Rad?!", hindi makapaniwalang tanong ni Gio kay Radli "Of course not!", depensa nito sa sarili "Ganito kasi 'yan Dude, lagi kami sa kanila ni Taemon at syempre they are twins ni Monique, naging close din siya sa amin particularly kay Radli, make the story short nagtapat si Monique one day kay Rad na mahal niya daw si Radli... dahil sa rules natin kaya ayon basted si Monique kay Radli... mula noon hindi na sila nag- uusap ,kapag pumunta kami Kela Taemon hindi na nagpapakita si Monique sa amin... end of the story!", mahabang salaysay ni Carmelo "Bakit ba kasi nagkaroon ng rules?", tanong ni Gio " Si Uilliam at Taemon ang may pakana niyan dahil siguro naman alam mo naman si Hans dakilang womanizer kaya habang maaga, iniiwas na ni Taemon si Monique kay Hans kaya may rules" Bawal ligawan ang kapatid o pinsan nang ka Bro.", pahayag ni Carmelo na tahimik lang si Radli sa paglalakad. "Gusto mo rin ba si Monique, Rad?", tanong ni Gio dito "Ayokong sagutin 'yan.. huwag na natin pang ungkatin.", seryosong sabi ni Radli Tahimik na lang si Gio, nagkibit balikat na lang si Carmelo. Sa kuwarto nila Jessica at Monique "Monique hoy babae", natigil na lang si Jessica dahil nakita niya si Monique na nakadapa sa kama nito Lumapit naman si Jessica dito " Monique, o- okay ka lang ba?", tanong ni Jessica na wala siyang nakuhang sagot mula dito. Napansin niya ang pagtaas baba ng balikat nito tanda na umiiyak ito. "Akala ko ba,wala na sa iyo si Radli.. bakit ka affected sa kanya, sabi ko sa iyo hindi siya ang lalaki para sa iyo at may lalaki na ibibigay si Lord para sa iyo .. 'yong mamamahalin ka rin pabalik.", pahayag niya sa kaibigan habang hinahaplos ang likod nito "Tigil na,sinasaktan mo lang lalo ang loob mo ,ang damdamin mo sa ginagawa mo na 'yan.", dagdag pa ni Jessica " Please Jes, iwan mo muna ako dito... don ka muna sa bed mo, huwag kang mag- alala iyak ko lang ito maging okay na ako pagkatapos. ", saad ni Monique "Huhayy sige ikaw ang bahala.", si Jessica Napahagulgol naman si Monique sa sakit na naramdaman, buong akala niya wala nang epekto sa kanya si Radli dahil sa tagal na na panahon hindi nila pag- uusap at pagkikita pero bakit heto na naman ang puso niya. Awang awa namang nakatingin si Jessica sa kaibigan. Nakarating na si Catherine sa kanilang bahay sa Valle Verde sa may Pasig. Hinatid na siya ng Guard na ginamit ang sasakyan na instead ang go cart at sa labasan lang sana siya ng Subdivision magpahatid pero dahil sa bagal ni kuyang guard nalabasan sila ni Gio at wala na siyang magawa kundi ang magsabi ng totoo kung bakit siya uuwi na ng Manila nauunawaan naman ni Gio ang paliwanag niya. "Kuya mag- ingat po kayo pauwi at salamat po sa paghatid.", pasalamat ni Catherine "Salamat po Ma'am, " at pagkasabi ay umalis na ito

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD