Story 9-HIS FALLEN ANGEL

3945 Words
Title: His Fallen Angel Author: MaidenRose7 (Characters) Letizia Perez- Laxus Zyron Acosta- Earl Zyron Acosta Jr.- Celestine Vidad- Xean Castro- Chell Bermudez- Si Zia(Letizia) ay undergraduate sa kursong pagtuturo, mahilig sa bata at no boyfriend since birth. Sa ngayon nagaapply siya bilang babysitter abroad, habang hinihintay ang result ng application niya, tinanggap niya ang offer ng kaibigan niyang si Celestine na magbabysit o tumulong na muna sa nursery ng boyfriend nitong si Xean. Dahil na rin sa mahilig siya sa mga bata kaya tinanggap niya agad ang offer magtrabaho sa Rainbow Nursery at doon niya nakilala ang mag amang sina Laxus at Earl Acosta. Mapalambot niya kaya ang parehong puso ng mag-ama? His Fallen Angel(all rights reserved) By:MaidenRose7/Sena Emperial *** Chapter 1 (Letizia POV) Waaaaaah takbo Zia!!! Ano ba yan? Ito ang unang araw ko sa trabaho bilang baby sitter sa nursery na pagmamayari ng boyfriend ng bestfriend kong si Celest na si Xean, late pa ako! Kailangan ko din ang trabahong to baka kase may karagdagang requirements ang inaapplyan kong trabaho abroad at mabuting pagkakaabalahan din to habang hinihintay ang result ng application ko. Nakikita ko na ang harapang ng Rainbow Nursery(Ito ay isang malaking room kung saan iniiwan ng mga magulang ang mga anak nila sa tuwing may trabaho sila, ang mga makakasama ko dito ang mga bata at ang mga magtuturo,magbabantay at makikipaglaro sa mga batang naririto). May isang matangkad na lalaki at cute na batang lalaki ang ang nakatayo kaharap sina Celest at Xean. Siguro iiwan pansamantala ng lalaki ang anak niya, ano pa nga ba? "Waaaaaah goodmorning, goodmorning." Hingal na bati ko sa kanila pagkalapit na pagkalapit ko. "Uy bebs, mabuti naman at nakarating kana. Late ka ng halos isang oras." Bati ni Celest. Nakatingin silang lahat saakin. Nginitian ko ang cute na batang lalaking hawak ng ama niya yatang mukhang masungit. "Pasensya na!" Utal ko. "Your baby to sit is here!" Ngiting utal ni Celest turo ang cute na bata. "Good timing Zia, this is Earl, my friend Laxus' son. Ikaw ang magbabysit sakanya habang may business meetings kami ni Laxus." Ani Xean. "Wow cutie pie, I'm Zia, please to meet you and I'll do my best to teach and take care of you." Pakilala ko sa bata. So, kaibigan pala ni Xean ang gwapong ama ng batang si Earl, hmmmp. "Hmp, siya ba? She's late and too young. Seems that she has lacks of experience too. I cant leave my son under her care." Derederetsong sabi ni Laxus. Wow ha! Judgemental!!!! "Excuse me, I can get along with any child and I'm polite and funny to be with too plus I really love kids." Kako sa mukha niya. "Wala na ba kayong mas responsible and credible sitter for my son? I can pay double." Baling ni Laxus kay Xean. Aba! "Sandali! Sinasabi mo bang di ko magagawang bantayan ng maayos ang anak mo? Oo, first time ko to,pero wag kang mag alala, aalagaan ko ng mabuti ang anak mo. I'll make sure of that!" Determinadong utal ko kaya napabaling uli si Laxus saakin at tiningnan ako ng boring niyang tingin! "Wag kang makipagtalo sa magulang bebs." Pigil ni Celest saakin. Kase ee! "But...It is still no!" Ani Laxus saakin. "Dad, I like her!" Ani cute na boses kaya napayuko kaming apat. Si Earl. Waaaah he is my angel! Buti pa ang bata, like ako. "Oh, really Earl? Then it cant be help. I'll leave him to you." Ani Laxus abot ang isang card saakin. "What's this?" Tanong ko tanggap ang card. "Tawagan mo ko kapag may emergency. Aalis na ako. Ingatan mo siya." Ani Laxus yoko halik si Earl at naglakad na papunta sa kotse nito. Napailing na lang ako at hinawakan ang kamay ni Earl. Napayoko ako at nagabot ang ngiti ko at ng bata. "Hon, alis na rin ako!" Paalam ni Xean sa girlfriend niyang si Celest. "Sige, magiingat ka." Ani Celest at kinawayan si Xean na sumunod na kay Laxus. "Pasok na tayo!" Yaya ni Celest saamin ni Earl papasok ng nursery. "Magkakilala ba kayo ni Laxus?" Tanong ko kay Celest. "Hmp, hindi masyado ee. Pero kababata siya ni Xean." "Ganon ba?" Utal ko na lang, marami pa sana akong itatanong ,tulad ng kung saan ang asawa ni Laxus at kailangang ipanursery pa si Earl,kaya lang baka sabihin ni Celest na interesado ako sa judgemental na Laxus na yun! ............... Masayang naglalaro ang mga bata sa loob ng silid maliban kay Earl na nasa sulok lang ng silid. Haist, masyado naman yatang mabait ang batang ito. Mukhang nasa 4 or 5 years old na ito at halata ang lungkot sa mukha niya. Napailing na lang ako. "5 pm na pala,uwian na!"Ani Celest sabay pindot ng buzzer hudyat ng labasan na. Sa labas marami nang magulang na sumundo sa mga anak nila. Nakita kong lumabas si Earl. "Bebs, bakit lumabas na si Earl?" Tanong ko kay Celest. "Baka uuwi na!" "Pero wala pa si Laxus." Kako sabay habol si Earl. "Earllllll baby sandali!" Pigil ko ang kamay nang bata! "Ate Zia?" Utal nito. "Saan ka pupunta?" "Uuwi na ako ate!" "Teka? Wala pa ang dad mo!" "Look, I have keys!" Ngiting utal ni Earl pakita ang mga susi ng bahay yata nila. "Paano ka uuwi?" "School bus! Paalis na!" Turo ni Earl ng bus. Damn! "Sasamahan na kita!" Kako habol ang makulit na si Earl at sumakay na rin sa bus. Ang kulit naman ng batang to! ........... (Acosta's House) Tumambad saakin ang napakalaki at napakagandang bahay pagkapasok namin ni Earl sa malaking gate. "Dito ka ba nakatira? Saan ang mga tao dito?" Tanong ko. Ang gandang bahay, promise. "Yes, ate Zia. Maupo ka. Anong gusto mong inumin?" "No thanks. Sinong kasama mo dito?" "Only dad. Ayaw niya ng may kasama dito." Malungkot na utal ni Earl upo sa sofa. "Saan ang mommy mo?" "She's not here! " Obvious nga. "Wala bang maids?" "Ayaw ni dad, wala siyang tiwala sa ibang tao!" "Waaah nako, siguradong magagalit yon kapag nakita ako dito. Anong oras ba uuwi yon?" Mukhang masungit,arogante at salbahe pa naman yon! Naku! "Di ko alam ee. Kadalasan tulog na ako pagdating niya! Umaga ko na siya nakikita." Malungkot na utal ni Earl. "Wow, anong klaseng ama yon, hinahayaan ka lang niya dito magisa!" Iling ko. "Nasanay na ako. Pero ate, pwede bang dito ka na muna, saka ka na umalis kapag nakatulog na ako." Pigil ni Earl sa kamay ko. Makakatanggi pa ba ako? Tsaka siguro hintayin ko na muna si Laxus makauwi, di ko kayang iwan magisa si Earl dito. "Kumain kana, magbihis tsaka magpahinga!" Kako. Tumakbo agad si Earl papunta sa taas. Nakatingin lang ako sa cute na si Earl habang mahimbing na natutulog sa kama niya. Wala parin si Laxus. Anong klaseng pamilya ba ang meron ang batang to? Ano ba tong pinasukan ko? Mag10 pm na. May narinig akong kaluskos sa baba kaya nagpasya akong bumaba. Baka may magnanakaw! Patay! Hinawakan ko ang dustpan na nakita ko kanina at dahan dahang bumaba papunta sa sala! Nagulat ako nung naabutang naghuhubad si Laxus! What the hell? DAMN! "What are you doing here!" Gulat na gulat na utal ni Laxus nung makita ako. "We....welcome....home..." Yon lang ang nautal ko dahil di ko alam ang sasabihin at di ko maipaliwanag ang naramdaman ko habang nakatingin sa katawan niya. ... (Letizia POV) "What are you doing here!" Gulat na gulat na utal ni Laxus nung makita ako. "We....welcome....home..." Yon lang ang nautal ko dahil di ko alam ang sasabihin at di ko maipaliwanag ang naramdaman ko habang nakatingin sa katawan niya. "So, ano nga ang ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit upo sa sandalan ng sofa harap ako. Napalunok ako at umiwas ng tingin. "Ano kase....hindi ko maiwang magisa si Earl. Pasensya na!" "Tss sanay na siyang umuwi magisa at ayaw niyang may kasama!" Aniya kaya napatingin uli ako sakanya. "Nagkakamali ka,oo, ayaw niyang makipaglaro sa iba pero kita kong nalulungkot siya magisa! Kailangan ka niya!" Utal ko. Masyado na yata akong nangingialam. "All he wants is my ex girlfriend. At ayaw niya talagang makipaglaro at magpagod dahil may asthma siya. Kaya as much as possible ayaw kong pinapagod niya ang sarili niya." Aniya hawi ang buhok. Ex girlfriend? Kahit gwapo o mala anghel ang mukha niya hindi parin maitago ang sungit sa mukha niya at bukod pa doon ang sakit at pagiisa sa mga mata niya. "Aside from that, ano pang alam mo tungkol sa anak mo? I guess wala na. I think, as his father dapat di mo siya hinahayaan magisa o gumawa magisa at iiwan ng matagal!" Napalakas yata ang boses ko nung nasabi ko yon. "Teka, ano bang paki alam mo. Ano bang alam mo? Sinabi ko na sayo, ang gusto niya ay ang mom niya! Who do you think you are getting involved in this. LEAVE!!!" Aniya hila ako palabas ng pinto at sinarhan. Wow naman! That bastard! Wala man lang puso! Walang konsiderasyon! Pinauwi ba naman ako ng ganitong oras? Kababae kong tao! Bastos yon ah. Ang layo ng mukha niya sa ugali niya! Pero kahit sabihing masungit siya halata ko parin ang pagaalala niya kay Earl. Haist bakit ba ako masyadong nakikisawsaw sa magamang yon, ito tuloy naglalakad ako sa dilim! Kaasar! ........ (Kinabukasan) "Goodmorning Earl. Hows your sleep?" Bati ko kay Earl pagdating nito sa nursery. "It's fine Ate Zia. By the way, thankyou for the company last night." Ngiting utal nito. "So, iiwan ko na si Earl sa inyo!" Ani Laxus kay Celest. "Wag kang magalala, ligtas ang anak mo kay Zia, halata namang gusto nila ang isat isa." Ani Celest. "Yeah, it's the first time, na may gustong ibang tao si Earl bukod sa mom niya,isn't it Laxus?" Ani Xean. Umiling lang si Laxus at tinapunan ng tingin ang anak bago tumuloy na sa kotse niya. Haist, di man lang ako tinapunan ng tingin at hindi man lang nagsorry dahil sa ginawa niyang pagpapalayas saakin kagabi samantalang nagmagandang loob lang naman ako! Asar! ..... "Today, babasahan kita ng magandang kwento, na maraming aral!" Kako kay Earl pagkapasok namin ng nursery. "That's boring Ate." Aniya lapag ang bag sa upuan. "Eh, how about puzzle?" Iling iling lang ang sagot nito. "Hmp, lets play musical intrument? How bout that?" "No, makakatulog lang ako." "Eh, how about drawing?" "Sure Ate Zia, that's nice." Aniya kuha ang mga gamit sa bag niya. Ah mas gusto niyang magdrawing! How cute. Tumabi na lang ako sakanya at nagdrawing na rin. It's so peaceful beside this cutie boy. ..... "Tadaaaaaaaa, I'm done!" Kako wagayway ang drawing kong waterfall. Napatingin ako kay Earl, nakatingin ito sa may playground, sa mga batang naghahabulan. Hindi kaya gusto niya rin maghabulan? "Earl?" "Eh,sorry ate, here done." Aniya pakita ang drawing niyang si dad niya at siya naghabulan sa may swing. Wow ang galing naman! "Earl, gusto mo bang maglaro sa labas?" "Baka magalit si dad." "Wag kang magalala, akong bahala sakanya!" "Talaga ate, tara! Gustong gusto ko!" Aniya sabay takbo palabas. Yeah, he is still a kid,wants to play. I will be his playmate, I will be his angel watching him! ..... (Fast Forward) "Pwede mo bang ipaliwanag to? Bakit parang pagod na pagod si Earl? Sinabi ko na sayo na bawal siyang magpagod!" Bulyaw ni Laxus saakin. 6 pm. Sinamahan ko na naman kase pauwi si Earl dahil napagod ito kakatakbo at kakalaro sa playground. Subrang cool niya nga tingnan at talagang mukhang bata talaga siya. Kaya lang mukhang napaaga ang uwi ni Laxus at ito ngayon galit na galit na naman. "Earl wants to play, he is a kid too. He needs to strech!" "I told you he has an asthma! How dare you decide on your own! Dam! I was so stupid leaving him to you!" Sigaw nito. "But he wants to play and he is happy to do so!" "Bukas, ililipat ko na siya ng nursery!" "Aba teka, anong karapatan mong magdesisyon agad ha." "Who else would deside then? YOU?" Galit na talaga to. "Ang akin lang naman, wag ka munang magdesisyon ngayon dahil galit ka!" Bulyaw ko rin. "Dad, Ate Zia, wag na kayong mag away please!" Ani Earl. "Listen Earl!......Earl?" Gulat na utal ni Laxus nung matumba si Earl at nahirapan ng huminga. "Inhaler!" Utal ko. "Earl.......baby?" Alalang utal ni Laxus yapos ang anak. "Earl." "I TOLD YOU!!! IF ANYTHING HAPPENS TO HIM, I WILL........DAMN!" Aniya karga palabas ng bahay si Earl. Damn! Sana walang mangyaring masama kay Earl. Nanghalungkat ako sa drawer at nung makita ko ang inhaler tumakbo agad ako kasunod ng magama! "Sandali, hintayin niyo ko!" ...... "Here, here." Bigay ko nang inhaler kay Earl na nasa loob na nang kotse ng dad niya at paalis na yata papuntang hospital. "Dad, I dont want to go to the hospital. I'm fine now!" Ani Earl pagkasakay ni Laxus sa kotse niya. "But son." "I'm fine dad, I'll be so much glad if ate Zia will take care of me." Ani Earl nginitian ako. Tiningnan ako ni Laxus. "Ah eh, mukhang okay naman na si Earl, ako nang bahala sakanya!" Kako alalay pababa ng kotse si Earl pabalik sa bahay. "Well then, take care of him." Ani Laxus. "Thanks dad for listening to me." Ani Earl sa dad na. "If it's you, I'll listen." Ani Laxus sa anak. Haist. Ang sincere naman ng mag amang to. Di ko mabasa ang mukha ni Laxus. ....... Nilinis, pinakain at pinatulog ko agad si Earl para makapagpahinga. Puro ngiti lang ang bata saakin. Ang weirdo nang pakiramdam. Ang saya kasama ni Earl at parang napakaimportante ko dahil parang kailangan niya ako. Inayos ko ang kumot ni Earl saka sinuklay ang buhok niya ng marahan. "Tulog na ba siya?" Biglang sulpot ni Laxus sa silid ni Earl, mukhang kakaligo lang nito dahil basa pa ang buhok. Mas gwapo pala siya kapag nakapantulog lang. "Yeah, I'm sorry about this. Nga pala may ipapakita ako sayo!" Kako kuha sa bag ang drawing ni Earl at inabot kay Laxus. Napatigil at nagulat si Laxus nung makita ang drawing nang anak. "Akala ko mas gusto niya sa mom niya ! At gusto niya pala talagang maglaro. I'm such a failure being his dad, I dont even know such things about him." Utal nito. "Dont say that. Earl loves and respect you. Palagi ka nga niyang inaalala. Ayaw niyang magalit siya sayo. At isa pa. Sa paglalaro ng tama lang maeexercise ang baga niya.Earl always wants to play with you." Kako nginitian siya. Napatitig ito saakin. "I guess I owe you a lot." Aniya hawak ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nung unting unting nilapit nito ang gwapong mukha niya saakin. "Would you like to go a date with me sometimes?" Aniya sa mga mata ko, kaya nagulat talaga ako. Anong ibig niyang sabihin? *** Finale/Ending (Laxus POV) Hindi ako naniniwala sa mga anghel noon o sa kung ano mang spiritual forces. But when Zia came, she changed everything. She made everything light, I think she is my angel. She's our fallen angel. Alam kong nagulat si Zia nung yayain ko itong lumabas pero seryoso ako. Mula nung iniwan ni Chell saakin ang pangangalaga ng anak naming si Earl, naging mahirap na saakin ang humanap ng babae. Dahil ayaw ni Earl sa lahat nang dinadala kong babae sa bahay. Ang gusto niya lang ay ang mom niya. Kaya nagulat talaga ako nung napalapit agad ang loob ni Earl kay Zia. Siya ang kaunaunahang babaeng nagustuhan ng anak ko. Well, bukod sa kakulitan ni Zia halos lahat naman sakanya kagusto gusto. Cute siya, sweet, mabait, yun nga lang napakaprangka niya. Masyadong open at deretso kung makapagsalita akala mo alam niya lahat. Nakatingin lang ako kay Earl at Zia na magkatabing natulog sa kama. Hindi man lang siya nakakain,dahil na rin sa pagasikaso sa anak ko. Nagpasya akong bumaba papuntang kusina upang ipagluto si Zia nang makakain. Saka ko na lang siya gisingin kapag nakapagluto na ako. ..... Dali dali akong nagluto at hinanda ang mesa. 9 pm. Malalim na nga ang gabi kaya mas mabuting dito na muna si Zia matulog. Pagkatapos maihanda ang lahat umakyat agad ako sa silid ni Earl upang gisingin si Zia. Grabe ang himbing ng tulog niya at parang ayaw kong sirain ang malaanghel niyang mukha habang natutulog. Mukha talaga siyang anghel. Para siyang anghel na hinulog sa lupa para saamin. "Zia, kailangan mong kumain!" Yugyog ko sakanya. "Ummmm." Ungol lang nito at tumihaya. Napailing na lang ako. "Hey!" Yugyog ko ulit. Nagulat ako nung hilahin niya ang braso ko at niyakap ako pahiga! Damn! Mukhang ayaw ko nang bumangon. Bahala na, dito na rin ako matulog katabi si Zia at Earl. Napangiti na lang ako at pumikit na. "Goodnight sleepy heads." ..(Kinabukasan).. (Letizia pov) Naalimpungatan ako nung nakaramdam ng init sa mukha ko. Arghhh ano ba yan, baka di ko nasara ang bintana sa kwarto ko kaya pumasok ang sikat ng araw. "Sandali! Kwarto ko!?" Gulat na utal ko nung maimulat ang mata at napansing wala ako sa silid ko at yakap yakap ko pa itong napakagwapong lalaking mahimbing na natutulog. Omg Lax? And Earl? "What the! I'm sorry!" Kako talon sa kama. "Arghh you're noisy!" Reklamo ni Laxus hilod ang mata. "Pasensya na talaga! Kung dito ako nakatulog at isa pa.Sanay kase akong may niyayakap matulog. Pasensya na talaga." Yukong utal ko. "Wala yon. Tsaka, maligo ka na muna at iwash and dry yang damit mo para may maisuot ka mamaya pagalis mo. Suutin mo na muna ang mga damit kong makita mo habang papatuyuin ang damit mo. " Ani Laxus at bumangon na rin. "Morning dad, morning ate Zia." Ngiting bati ni Earl na nagising din dahil sa ingay ko. "Morning baby." Sabay pa naming utal ni Lax. "I'm hungry." Reklamo ni Earl. Dali daling tumakbo palabas ng silid si Lax, baka siguro magluto. Sumunod naman si Earl. Hinanap ko agad ang silid ni Lax para makagamit ng banyo at makaligo na rin. ...... (Hapag kainan) "Bukas magkikita kayo nang mommy Chell mo. Excited ka na ba?" Ani Lax kay Earl habang kumakain kami. "Yes dad, excited na akong makita si Mommy uli. But dad pwede ko bang isama si Ate Zia?" Ani Earl. Ngumiti ako. "Okay lang saakin, gusto ko ring makita ang mom ni Earl." Kako kay Lax. "Baby, may lakad kami ni Ate Zia bukas kaya kayo na lang ni Mom mo ha. Susunduin ka ni Chell dito nang maaga." Ani Lax. Waaah may lakad? Kami? Saan? "Waaah, okay dad, basta paguwi ko sa gabi nandito ka at si ate Zia?" Ani Earl. "Ofcourse, hintayin ka namin." Ani Lax sabay punas ang mukha ko. "May sauce ka." Ngiting utal nito hawi ang buhok ko. Nagulat ako nung pumatong si Earl sa bangko niya at halikan ako bigla sa pisngi. "Ate Zia, thankyou for being here. It's the first time to see dad, talk and smile to a girl for a long time now." Ani Earl. Napatingin ako kay Lax na namumula. Napailing na lang ako. Ang cute nila pareho magama. Sigurado akong maraming babaeng gustong mapabilang sa pamilyang to. ..... (Kinabukasan) "Ingatan mo si Earl, by 6 pm dapat naibalik mo na siya." Ani Lax kay Chell. Maaga kase akong pumunta sa bahay nila para lang makita ang exgirlfriend ni Lax. "Sure darling, Earl and I will have fun." Ani Chell. She's really pretty ang cool. "Bye dad, bye Ate Zia, see you later!" Kaway kaway ni Earl saamin habang paalis ito kasama ang mom niya. Every saturday pala ang bonding nila magina. Halatang excited talaga siyang makasama ang mom niya. I wonder kung bakit naghiwalay sina Lax at Chell samantalang bagay na bagay naman sila. "Zia, I already cancelled all your overseas applications!" Biglang utal ni Lax. "Ha, sandali? Bakit? At paano mo nalaman?" Gulat na utal ko. "Pinaimbestigahan kita at nung nalaman kong nagapply ka pala abroad,pinacancel ko na. Mas gusto ko kaseng dito ka lang!" Aniya pa. "Teka sandali, hindi mo pwedeng gawin yon." "Zia, gusto mo bang maging mommy ni Earl? Gusto mo bang maging asawa ko?" Seryosong utal nito kaya nagulat talaga ako at di makapagsalita. "I want to know more about Earl, I want to spend more time with him and I want you beside me. I need you here. I want you to teach me. I want to impress you. Alam kong ikaw na talaga. Ikaw lang ang nagbigay ng init sa puso ko na hindi ko naramdaman kay Chell noon. Sabihin mo lang kung anong gawin ko pumayag ka lang maging asawa ko." Seryosong utal nito. "Sandali, bakit parang masyadong mabilis." "I know I love you. Unang kita ko palang sayo. Kaya kita nasungitan dahil di ko alam ang iaasta ko sa harap mo. First time kong mahiya sa isang babae ,sayo lang lalo na nung pinagsabihan mo ako tungkol kay Earl. Kaya gusto kong patunayan sayong pwede akong maging best dad." Aniya pa. Aminin ko. Gusto ko na siya noon pa man, sino bang di makagusto sa gwapo ba naman, bango,tindig, talino at yaman niya,pero ang tanong karapatdapat ba ako para sa magama? "The person that I love is you and Earl, Zia, I know I'm not worth your love but please give me a chance. You are my angel fall from above. You saved me!" Aniya. Nagtiptoe na lang ako,pinulupot ang mga braso sa leeg niya at hinalikan siya. Damn! ............ 1 month later. Magisang buwan na kaming nagdedate ni Lax. Nakilala ko pa siya ng husto. Napakacaring niya at sa seryoso kapag sa negosyo na. Palagi niya akong sinusundo sa bahay at kilala na sila ni Earl sa pamilya ko. At halos dito na nga ako nakatira sa bahay nila. "Earl, baby dad is going to get married." Biglang utal ni Lax. "No dad, I dont want that. I only want Ate Zia, I only want to be ate Zia always!" Makdol ni Earl. "Yeah, I know baby, that's why I'm going to marry your Ate Zia, to make our family complete." Yukong utal ni Lax sa anak. What? Me? "Really dad? That means ate Zia will be my mom? Wow Mommy Zia ,Dad?" Tuwang utal ni Earl yakap ang paa ng ama. "Yeah, pero hindi ko alam kong papayag siya." Ani Lax baling ako. "Will you be my mom?" Ani Earl. Napalunok ako. "Would you like to be a part of this family? Will you?" Ani Lax dukot ang singsing sa bulsa niya sabay luhod. Napangiti na lang ako. "I'll be glad to." Kako yakap si Earl at Lax. "Together, we'll live happy,forever. I love you both." Ani Lax halik ang pisngi ko at noo ni Earl. "Finally, I have a complete family! I always prefer Mommy Zia than Mommy Chell. I'm so happy that we found you mom." Tuwang utal ni Earl. "No guys, I found you." Ngiting utal ko at niyakap ulit sila. "So, Earl, anong gusto mong kapatid? Babae o lalaki?" Tanong ni Lax sa anak. Aba loko to. "Waaah dad, I want baby girl! Mom, go make a little girl with dad." Ani Earl. "My God Lax, hindi pa nga tayo nakakasal eh." Kako duro si Lax. Tumawa lang ito. "Your hand!" Aniya kuha ang kamay ko sabay suot ng singsing. Palakpak ng palakpak naman si Earl. "Baby girl. I want a baby girl." Kumakanta pang utal ng anak naming si Earl. "Soon honey." Kako buhat si Earl. Hinalikan naman ako ni Lax sa pisngi Mukhang maganda ang future ko kasama ang dalawang to. Yeah, I am an angel, and I'm here for them, sent to care,give love and to be their strenght. Thank God I found them. ...The End.. For more story just search MaidenRose7.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD