Story 16-WHEN SHE MEETS HER PRINCE

3263 Words
Title: When A Cold Hearted Pricess Meets Her Prince Author: Chell and Sena Emperial Main Characters Jelly Shainylle Chavez Clint Kenzer Chua Jiezl Mariz Chavez More.. (Jelly POV) Ako si Jelly Chavez ang nagiisang anak ng pinakamayamang pamilya sa Chavez Province! May ari ng niyogan, sugarcane farm and factory, manggahan, naglalakihang lupain, poultry, haceinda at marami pa. Lumaki ako sa luho at namuhay bilang prinsesa! Spoiled, cold at mapagmataas. Pero nagbago ang lahat sa isang iglap lang! *** Naalimpungatan ako! Damn! Bakit ang dilim! Di ako makakita! Wala akong makita. "Why?! I can't see anything! What happened?!" Sigaw ko! Nagulat ako nung may humawak sa balikat ko. "Relax. Dahil sa bindahe sa mga mata mo kaya di ka makakita." Boses lalaki! Hinuli ko agad ang kamay niya! "Sino ka? Bakit mo ako kinidnap!" Singhal ko! "Anong kinidnap?! Niligtas kita! Tumakas ka sa mansion at maraming humahabol sayo! Nahulog ka sa hukay kaya kita niligtas. Malaki ang sugat mo sa may kilay kaya may bindaheng nakaharang sa mga mata mo!" Sagot nito. Naalala ko na. Pinasok ang mansion namin at pinatay ang ama at ina ko. Tumakas ako. Isa lang ang pinaghinalaan kong gumawa nung pagpatay. Ang tita at tito ko dahil gusto nilang sila ang pumalit sa pamamahala! Damn them! Sa pagtakas ko napahamak pa ako mabuti na lang nailigtas pa ako. Salamat kung sino man tong lalaking nagligtas sakin! "Nga pala. Anong pangalan mo? Sino ka!" Tanong ko. "Makikilala mo rin ako. Basta pagaling ka at sundin lahat ng sasabihin ko para sa kaligtasan mo!" Aniya. "Pero kailangan kong balikan ang mga magulang ko!" "Sa kalagayan mo ngayon di mo pa kayang puntahan sila at may panganib pang nagaabang sayo doon. Kung ako sayo magpalakas ka muna!" Aniya. Mapagkakatiwalaan ko ba ang lalaking to? Bakit niya to ginagawa? "They are still tracking you. They'll hurt you or even kill you when they caught you!" Aniya. "Bakit mo to ginagawa? Mapapahamak ka dahil sakin. Alam mo yon!" Kako. Well okay na rin yong tinulungan niya ako para makapaghiganti ako sa mga sumira ng buhay ko! "Ano ka ba, nature ko ang tumulong at kung takot ako sakanila eh di na sana kita niligtas!" Aniya haplos ang ulo ko kaya winaksi ko ang kamay niya. Such a p*****t touching me! Tsk. "Hahaha fine. I will not touch you again. You better rest. Don't worry about your living and treatment cost I will take care of it. Tommorrow I will take you to a safer place!" Dagdag niya pa. Bakit niya ba talaga ako tinutulungan? Alam niya namang delikado ang buhay niya kapag napalait siya saakin. "Siguro boring ang buhay mo kaya gusto mong magulo ka!" Kako at humiga na ulit. "Well, you are right! My life is quite dull I want to light it up." Tawang sagot niya! Who are you? Why are you helping me? Who ever you are, thankyou for this. Kinabukasan lumipat agad kami sa isa daw sa mga safehouse niya. Tanggal na ang harang sa mga mata ko at nakita ko ang gwapong mukha niya! Wala parin akong tiwala sakanya. Hindi ko parin alam ang motibo niya sa pagligtas saakin. Nagbangka kami sa sapa. Nanghuli ng mga isda. Naligo. Naghiking. Nanghuli ng mga paniki. Pumasok sa mga kuweba. Sabay magpractice magluto. Nanood ng sunsets at natulog sa kawalan sa ilalim ng mga bituin. Tinuru-an niya din akong gumamit ng baril at martial arts. Ang mga nakalipas na buwan ay tahimik at masaya kasama ang taong hindi ko parin kilala. 5 buwan na pala ang nakakalipas at balita ko sa palasyo ay ang bagong prinsesa ay ang pinsan ko. Ang tito at tita ko na ang namamahal sa buong mansion namin. Anak ako ng pinakamayaman sa buong lugar na ito. Nagiisang tagapagmana ng mga lupain, hacienda at lahat ng ariarian ng mga magulang ko. Parang prinsesa ang pamumuhay ko sa mansion hanggang sa pinasok ang mansion, pinatay ang mga magulang ko at pinagtangkaan ang buhay ko! Pero may nagligtas saakin. Ang lalaking ito, alam kong may buhay siyang iba pero mas pinili niyang alagaan at bantayan ako! Tuluyan na akong gumaling at handa na ako para maghigante! Malapit ng magbalik ang prinsesa at handa na siyang bawiin ang kaharia-an niya! "Di ka kaya hinahanap ng mga kamag-anak mo? Ilang buwan ka ng nandito kasama ko." Kako higa sa tabi niya sa damuhan pagkatapos kong napatumba lahat ng lata gamit ang baril! "Bakit mo ako tinulungan at tinutulungan?" "Maniniwala ka ba kung sabihin ko sayong na love at first sight ako sayo? Nung una kitang nakita sa haceinda kasama mo pa noon ang mga magulang mo." Seryosong sabi niya. "Ano? Baka nagkakamali ka. Ako yong tipo ng babaeng di magugustuhan ng mga tao dahil sa ugali kong spoiled-brat at mapagmataas. Noon hanggang ngayon di nagbabago. Kaya kailangan kong magmadali para makuha ang dapat ay akin! Pagbabayarin ko lahat ng sumira sa buhay ko!" Determinadong utal ko! "Pwede bang manatili ka na lang sa tabi ko at hayaan akong mahalin at alagaan ka habang buhay? Maari bang kalimutan mo na lang ang paghihigante at samahan ako sa pagtanda?" Aniya at dahan dahang kinabig ang labi ko. Anong gagawin ko? Manatili sa piling niya o tuparin ang pangako kong paghihiganti at bawiin ang lahat ng dapat saakin?! ** (Jelly POV) Continuation. Credits: Chell Emperial Isa, dalawa, tatlo..lima..pito..sampu..walang forever...isang taon (hahaha! nabaliw nako ng tuluyan eh.) Nakapagtataka mula nung nakilala ko si Clint naging masayahin na ako. Isang taon na magmula ang pagkamatay ng mga magulang ko at isang taon narin kaming magkasama ni CLINT CHUA ang taong siyang tumulong sakin. "Jel, kailangan ko munang umuwi samin. Babalik din ako sa susunod na araw." Paalam niya sakin, walang emosyon ko lang naman na tinitigan siya saka tumango. Agad niya naman akong hinatak papalapit sakanya at niyakap. "Huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo habang wala ako dito." Bilin niya. Hindi ako sumagot. Hinalikan niya ang noo ko saka hinaplos ang mukha ko. Naramdaman ko ang init ng mga palad niyang nagkulong sa pisngi ko at ang mga mata niyang puno ng pagpapahalagang nakatitig saakin. "Sa susunod na pag-uwi ko, isasama na kita at ipapakilala sa mga magulang ko." Utal niya kaya bahagya naman akong nagulat pero agad din namang bumalik sa walang emosyon ang mukha ko at bumuntong hininga. "Kapag sinama mo ako at ipakilala sakanila paniguradong hindi nila matatanggap ang isang katulad ko na masama ang ugali at ulila na." Malamig na pahayag ko sakanya "Mabait ang mga magulang ko at paniguradong matutuwa sila kapag nakilala ka Jel." Nakangiting sabi niya. "Sige na, umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sakanya dahil baka humaba pa ang usapan namin at tinatamad na akong magsalita! "Sige, mag-ingat ka dito at ang bilin ko, tandaan mo." Sambit niya at saka ako ninakawan ng halik sa labi at tumatakbong lumabas ng safe house. Nagulat ako! Napa make-face na lang ako sa ginawa niya! Adik magnanakaw ng halik!!! (3 days later) =CLINT'S POV= "Anak naman, kadarating mo nga lang noong isang araw tapos aalis ka nanaman?" Reklamo ni Mama habang nag-aayos ako ng mga gamit ko. Kailangan ko na kasing balikan si Jelly dahil baka ano nanaman ang gawin nun na ikakapahamak niya, matigas pa naman ang ulo ng isang yun! "Ma, intindihin mo na lang kasi ako." Sabi ko sakanya kuha ang kamay niya. "Ewan ko sayong bata ka! Nag-aalala lang naman ako sayo, kung anong mga pinaggagawa mo diyan." Malungkot na sabi ni mama kaya agad ko naman siyang niyakap. "Ma, huwag ako ang alalahanin mo yang sarili mo dapat ang iniingatan mo, tigasin tong anak mo kaya huwag ka ng mag-alala sakin." Sabi ko sakanya meron kasi siyang sakit sa puso... "Syempre naman, anak kita eh! Sa akin ka yata nagmana!" Biglang sulpot naman ni papa galing kung saan. "Pabayaan mo na yang anak mo Monaliza, malaki na yan at alam niya na kung ano ang makakabuti para sakanya." Dugtong ni papa. "Ewan ko sayo Emmanuel, kung ano-ano kasing pinagtuturo mo diyan sa anak mo eh, kaya ganyan!" Sagot naman ni mama "May tiwala ako sa anak natin." "Huwag na po kayong magtalo dahil kailangan ko na talagang umalis, mag-ingat po kayo dito. Mahal na mahal ko kayo." Paalam ko saka binitbit na ang bag ko. Tinapik naman ni papa ang balikat ko. "Ingat ka din nak." Sabi ni papa saka kinindatan pa ako. "Bye ma,pa!" Paalam ko sa nakasimangot kung nanay saka siya hinalikan sa pisnge at saka lumabas na ng bahay. Agad naman akong sumakay ng motor ko at pinaharurot patungong safehouse kung saan si Jelly. (1 hour later narating ko ang safe house) "JEL!JELL!!" Tawag ko kay Jelly pagkapasok ko ng safehouse pero walang sumagot kaya agad kung tinungo ang kwarto niya. Napasapo na lang ako sa noo ko habang umiiling, wala siya dito! Agad kung tinawagan ang cellphone niya pero nakapatay ito! Napabuntong hininga na lang ako saka inopen ang tracking device na nilagay ko sakanya bago ako umalis pero laking gulat ko ng hindi yun gumagana. Di ko siya ma track! "f*****g s**t!!" Inis na singhal ko at napahilamos na lang sa mukha dahil sa sobrang frustration! Jelly, what have you done again? Mababaliw na ata ako dahil diyan sa katigasan ng ulo at puso mo!! Naagaw naman ng pansin ko ang isang newspaper na na nasa sidetable ng kama niya, agad ko namang dinampot yun at binasa. =A MASQUERADE PARTY for Jiezl Faith Chavez at the Chavez Palace! The new Chavez' Princess!= Damn! Iling-iling na sabi ko, saka pumunta na lang sa kwarto ko para mag-ayos dahil paniguradong doon pumunta si Jelly... Jelly hindi pa ito ang tamang panahon sa pagbalik mo pero masyado kang nagmamadali. Handa ka na ba talaga?! ** (Jelly POV) *AT THE CHAVEZ PALACE* Busing-busy ang lahat ng nasa palasyo para sa gaganaping party samantalang tahimik naman na nagmamasid habang nagkukunwaring isa sa organizer ng event si Jelly. She disguised herself so that nobody could know that it's her. She smiled devilishly ng mukhang umaayon sakanya ang panahon, siya kasi ang inassign para sa projector. "Hoy ikaw!!" Maarteng sigaw sakanya ng pinsang Jiezl. Bakit niya ba to naging pinsan? Demonyo! "Ye-yes maam?" Takot kunwaring sagot ko. "I want you to handle your job properly, this is very important event and I dont want someone to ruin it. Intiendes?!" Mataray na sabi nito sakanya, tumango naman siya habang nakatakip ang buhok niya sa mukha niya. Pagkatapos sabihin ang pakay nito ay agad din namang umalis si Jiezl. Napaigting na lamang ng bagang ko dahil sa sobrang inis! "As you wish my dear cousin, I'll give you the best party you can't imagine!" Nakangising bulong ko sa hangin habang masamang tinititigan ang likod ni Jiezl. Lumipas ang mga oras at nag-umpisa naring magsidatingan ang mga bisita. Mga mayayamang negosyante, haciendero, lahat halos nandun sa nasabing kasayahan, lahat nakamaskara tulad ng nasabing tema ng party. Napangiti naman ako, tahimik lamang na nag-aantay ng tamang oras ng matanaw ko sa mga dumarating ang mga inaasahan kong panauhin sa okasyong ito. "Good evening ladies and gentlemen!!We are gathered here tonight for this very special occassion." Panimula ng emcee. "Our very owned Jiezl Faith Chavez again held this event and pick the theme Masquerade."Dugtong nito "Aside from this yearly event, young lady Jiezl has already choosen her soon to be husband and to tell us about that...Let us all welcome and bow down to our Princess..Jiezl Faith Chavez!!"Anunsiyo ng emcee. Bumukas ang spotlight na nakatutok kay Jiezl. Nagtayuan at nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon Nakatitig lang ako ng masama sa malditang pinsan ko habang pababa. Madapa ka sana ilusyunada ka! Bulong ko. " Good evening everyone.Thank you so much for coming in this very special event for me." Maarteng sabi ng pinsan ko. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinagsasabi ng Jiezl inayos ko na ang aking plano! Nagsimula ang sayawan, hudyat na kailangan ng umpisahan ko ang aking plano! Pasimple akong lumabas ng control area kung saan ako nakapwesto. Nasa ikalawang palapag ng mansion ang control area kung kaya't malaya akong nakaakyat patungong 5th floor ng walang humaharang sakin dahil lahat ng bantay ay nasa baba kung saan ginaganap ang kasayahan. Lahat focus doon! Nang makarating ko ang 5th floor agad kong binuksan ang nag-iisang pinto na naroon. Ito ang aking kwarto kung saan ako lamang ang nakakaalam kung paano buksan! Pagkapasok ko sa kwarto, napangiti ako. Ganun parin ang ayos nito mula ng lisanin ko ang lugar nato para tumakas! Dumeritso ako sa walk-in closet ko para kumuha ng damit na susuotin. Suot ko ang kulat gold na gown na may mga kumikinang na diamonds bilang desinyo. Regalo ito ng daddy ko personalize. Dahil ang mga diamonds na nakadikit dito ay galing kay mommy. Suot ang color glass high heels. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. The real princess is back! Miss ko na mga magulang ko! Matapos magbihis at mag-ayos. Agad ko ng sinuot ang kulay silver na maskara na may halong ginto at saka lumabas na ng kwarto para bumaba. Maingat at para di mapansin. Masaya namang nagsasayaw at nag-uusap ang mga tao sa baba, lahat walang kamalay-malay sa kung ano ang pwedeng mangyari sa gabing iyon. Nandun nadin si Clint. Halata ang pagaalala sa mukha nito at parang may hinahanap. Ilang sandali pa at umakyat narin si Jiezl para ianunsiyo ang nais niyang sabihin! "I know that all of you are eager to know the lucky man." Sabi nito na huminga muna ng malalim bago magpatuloy. Pangiti ngiti pa ito. Nakakirita! "He was my childhood bestfriend and mga bata pa lang kami pero mahal na namin ang isa't isa and now I was here to say and fulfill our promises with each other...Clint Chua I'm going to marry you like what we did before but this time it's the real one." Pahayag ni Jiezl atsaka tumutok sa kinatatayuan ni Clint ang spotlight! Gulat naman ang mukha ni Clint na natatakpan ng maskara hanggang sa lumapit sakanya ang nakangiting si Jiezl. Nagulat rin ako! Si Clint? Anong ibig sabihin nito?! Matagal na bang alam ni Jiezl na nasa puder ako ni Clint? Hindi maaring niloko din ako ni Clint!! Kahit na gulat parin si Clint ay sinayaw niya parin si Jiezl! At ** *(Narrator)* Alam ni Clint na naruon si Jelly at ayaw niyang iba ang isipin nito! Totoong childhood bestfriend ni Clint si Jiezl pero kahit kailan hindi niya ito minahal at tanging kaibigan at parang kapatid lamang ang turing niya dito dahil dati pa lang ay si Jelly na talaga ang mahal niya kahit na lagi itong walang emosyon at di siya pinapansin. Nagalit siya kay Jiezl sa ginawa nito kay Jelly. Habang nagsasayaw sila nagulat naman ang lahat ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw, nagsimula naring magpanic ang iba! Kasabay ng pagbukas ulit ng mga ilaw ay napalitan ang mga picture nina Clint at Jiezl sa projector ng isang eksena na nakapagpagimbal sa tito at tita ni Jelly! Usapan nila iyon tungkol sa pagplanong pagpatay sa mag-asawang Chavez at ang mga illegal na pinaggagawa ng mga ito, tulad ng pagtutulak ng bawal na gamot ng mga ito, mga milyon-milyong ninakaw nila sa company ng mga Chavez para lang masunod ang mga luho nila at marami pang ibang mga illegal nilang gawain! Gitlang-gitla naman ang tito at tita ni Jelly habang hindi naman makapaniwala si Jiezl sa napanood na video! Nagsimula naring magbulungan ang mga taong nandun pero agad ding napatigil ng may magsalita "How does it feel to be on top by ruinning someone's life?" Malamig ang tinig nito. Iba narin ang lumalbas sa projector, masasayang araw ng pamilya ni Jelly Chavez! "Jelly ,baby!Come on! Face the camera and smile!!" Pamimilit ng mommy ni Jelly habang tinututok sakanya ang camera. "Mom! Stop it, get off that camera on my face!" Walang emosyon naman na sabi ni Jelly habang tinatabig ang camera. "My princess, just for once try to smile because when you smile you'll look prettier." Ngiting sabi ng dad niya. "Fine! As if I had choice, alam ko namang hindi niyo ko titigilan ee." Pagsukong sabi ni Jelly saka ngumiti ng totoo sa harap ng camera! Napakacute na bata! Ang sumunod naman na eksena ay ang nakakaawang pagpatay sa mag-asawang Chavez...Mga halang ang kaluluwa! Mga demonyo!! Nagulat ang mga tao. Dahil ang akala nila nabura na nila lahat ang record ng CCTV. Matapos ng nakakaawang eksena na yun walang emosyon na mukha ni Jelly ang sumunod. "It's my turn now to take back what is mine because the real QUEEN is back!!" Malamig na saad nito saka natapos ang monitor. Bumukas naman ang isang spotlight na nakatutok sa babaeng eleganteng-elegante na naglalakad pababa ng hagdan Nakasuot ito ng long gold tube gown na kitang-kita ang perpektong hugis ng kanyang katawan at merong mahabang slit na na-exposed ang maganda at mahabang legs niya, meron din itong suot na maskarang kulay silver na may halong gold. Kumikinang sa ganda at nakatulala ang lahat sakanya. Sobrang pagkamangha sa nakita nila. Agad namang tumakbo papalapit si Clint sa babae ng makilala niya ito at inalalayan pababa ng hagdan. Kilala niya agad ito sa hubog palang ng katawan at kung paano ito gumalaw. "You haven't informed me about this kind of show that you've planned!" Bulong niya kay Jelly. Bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Do I need to inform you?" Malamig naman na tugon ni Jelly na may halong pagkasarkastiko saka siya pumunta sa gitna ng stage. "I'm the real princess and now a QUEEN!! The one and only Jelly Chavez and no one could ever replace me in that!!" Malamig na tugon ni Jelly. Wala paring imik ang lahat sa pagkagulat. Mga pa ay nagbulungan ang mga ito. Agad niya ding hinubad ang maskarang suot niya na nakapagpatigalgal sa lahat ng nanduon lalo na ang tatlong salot ng buhay niya. Salot na anlng dahilan ng lahat ng pasakit niya. Kahit na walang emosyon ang mukha nito ay hindi parin maikakaila ang kanyang angkin na kagandahan dumagdag pa sa malamig niyang presensiya ang may kalakihang peklat sa may bandang kilay niya. Hinubad narin ng mga kapulisan ang suot nilang maskara at saka pinalibutan ang tiyahin at tiyuhin ni Jelly para arestuhin ang mag-asawa! "You'll rot in jail!! You will experience too how you made my life miserable and I'll make sure of that dummies!!"Singhal niya sa mga ito bago sila tuluyang akayin ng mga kapulisan. "Everyonee!!The show was done the party was overr!!" Malamig na anunsiyo ni Jelly saka walang lingong dumeritso patungo sa payapang lugar na kung saan siya lagi tumatambay kasama ang mommy niya. Garden sa likod ng palasyo nila. Para makatakas sa mga matang kapagmataas at masasama. Habang tahimik na nakaupo sa bench at nakatingala sa mga bituin, may tumabi naman sakanya at kahit na hindi parin siya masaya. Napangiti siya. "Thankyou so much Clint. For helping me in this!?" Aniya. Napangiti naman si Clint dahil sa sinabi niya "It's my pleasure to stay by your side my dearest cold-hearted princess.......No MY QUEEN rather." Sabi ni Clint sakanya "I was so thankful that you came in my life and become the prince who save me and who melt the ice that sorrounds me....MY KING!" Sabi naman ni Jelly. Hinila siya ni Clint pabalik sa event area. Wala ng mga tao doon. Binuksan ang ilaw at pinatugtog ang kantang On This Day by David Pomeranz. Hinila siya ni Clint papunta sa gitna si Jelly at dahan dahang isinayaw sa gitna ng napakalawak na tanggapan. Nagtitigan sila at buong pagmamahal na siniil siya ng halik ni Clint na taos puso niya namang ginantihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD