Simula
Ngayon na tatanghalin kung sino ang magiging bagong reyna ng Ilo-ilo City. Maraming tao ang dumadalo ngayon. Nasa isang sulok ako at tahimik akong nanonood. May mga naghihiyawan upang sabihin kung sino ang mga pambato nila. Kung sino ang mga gusto nilang manalo sa kompetisyon na ito. Tulad ng dati, marami pa rin ang kasali. Maraming naghahabol sa mga pangarap na balang maging isa silang beauty queen. Nang sumagi sa isipan ko tungkol doon ay ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Ramdam ko ang mainit na likido na umaagos sa aking pisngi na agad ko din pinunasan iyon. Nagngingitngit ako sa pinaghalong galit at sakit.
Nang banggitin ang emcee kung sino ang nanalo bilang bagong reyna sa beauty pageant na ito ay umakyat naman sa stage ang pumapangalawa sa akin. Hawak niya ang sash, naggagandahang bouquet. Nakipagbeso-beso siya sa nanalo. Isinuot niya sa bagong reyna ang hawak niyang sash at inabot ang malaking bouquet. Inilipat niya ang korona sa nanalo.
Halos hindi ako makahinga nang makita ko 'yon. Dapat ay ako 'yon... Dapat ako ang nagpasa sa kaniya ng korona na napaplanunan ko noon. Ang korona na pinaghirapan ko sa loob ng maraming taon na pag-eensayo ko sa paglalakad, sa pagproject sa harap ng maraming tao, kung papaano ko sasagutin ang mga mabibigat na tanong mula sa mga judges. Kung papaano gumalaw ng malumanay, at pagiging cariñosa. Kung papaano manamit nang disente. Dapat ay ako iyon... Hindi ang pumapangalawa sa akin.
Napabaling ako sa direksyon kung nasaan ang mga judges. Umaawang ang bibig ko nang masilayan ko doon si Ruslan Chua, ang apo ng dating Congresswoman. Isa din siya sa mga hurado. Seryoso siyang nakikipag-usap sa mga katabi niya. Hindi pa rin mawala sa kaniya na maging pormal kung sinuman ang makakausap niya. Mas lalo bumigat ang aking dibdib nang makita ko siya sa lugar na ito nang hindi ko inaasahan. Ang buong akala ko ay hindi na siya babalik. Ang akala ko, mananatili na siya sa Maynila. Pero malaking pasasalamat ko na din dahil hindi niya ako nakita o nakilala man lang dahil sa iba na ang hitsura ko. Na hindi na ako tulad ng dati...
Kinagat ko ang aking labi at umalis ako sa lugar na iyon na may bigo sa aking kalooban. Maayos kong isinuot ang aking balabal at niyakap ko pa ang aking sarili habang naglalakad ako palayo.
Kung hindi ba ako naaksidente noon, magiging maayos pa ang buhay ko? Kung hindi ba ako nagkaroon ng malaking sugat sa mukha, hindi ba ako lalayuan ng mga tao? Hindi ba magiging masama ang tingin nila sa akin? Kung hindi ba nangyari ang bangungot na iyon sa buhay ko, may karapatan pa rin ba akong maging masaya? Magkakaroon pa rin kaya ako ng maayos na trabaho? Hindi ba nila ako pandidirihan? Hindi ba sumpa ang turing nila sa akin?
"Oh, narito na naman ang aswang!" malakas na pagkasabi ng mga bata na nakakasalubong ko.
Dahil sa hiya ay mas tinakpan ko pa ang aking mukha ng balabalpara hindi ako mapansin ng mga tao pero huli na yata ako biglang inagaw ng isa pang bata ang aking balabal kaya naexpose na ang mukha ko nang tuluyan. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Ang iba sa kanila ay pinagtatawanan ako. Kinakantyaw at binabato ako ng mga pangalan na kung anu-ano. Mangkukulam, pangit, anak ng engkanto at kung ano pa.
Mabigat man sa kalooban ko ay pilit ko silang harapin pero masyado silang marami. Hindi ko sila kakayanin lalo na't mag-isa lang ako. Pinagbabato nila ang balabal ko kung kani-kanino. Wala akong mapagpilian kungdi habulin at pilit bawiin ang balabal ko.
Sa hindi ko na namamalayan ay nasa kalsada na ako. Natigilan lang ako nang may paparating na isang itim na SUV at mahaba itong bumusina. Pumikit ako ng mariin. Gustuhin ko mang gumalaw ang katawan ko upang maiwasan ko ang sarili mula sa paparating na sasakyan ay hindi ko magawa. Mas bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa takot.
Ilang segundo pa ay idinilat ko ang mga mata ko. Tumambad sa akin ay ang kalsada. Dahan-dahan akong sumulyap sa gilid ko. Umaawang ang bibig ko na nakatigil ang sasakyan sa tabi ko. May nagbukas ng pinto mula sa driver's seat. Isang may edad na lalaki na hindi maipinta ang mukha.
"Nagpapakamatay ka ba?!" bulyaw niya sa akin.
Inilapat ko ang mga labi ko at yumuko.
"Tang ina, umalis ka nga d'yan! Hara-hara ka sa daan!" sunod pa niyang bulyaw.
Minimal lang ang galaw ko dahil nanginginig ang mga binti ko dahil sa takot. Pero may nagbukas pa ng pinto mula sa backseat ng sasakyan na iyon. Hindi ko inaasahan ang isang tao na lumabas mula doon. A-anong ginagawa niya dito?!
Seryoso siyang tumingin sa direksyon ko. Nilapitan niya ako. "Miss, ayos ka lang ba?" malumanay niyang tanong sa akin.
Parang sasabog na ang dibdib ko dahil hindi ako makapaniwala na nasa harap ko ulit siya! Nagawa pa niya akong hawakan! Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang nakaawang ang aking bibig.
"Miss? May problema ba? Gusto mo bang dalhin kita sa Ospital?"
"Ruslan..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
Kita ko na kumunot ang kaniyang noo. Alam kong nagtataka siya kung bakit alam ko ang pangalan niya pero hindi niya ako kilala. Kinakastigo ko ang sarili ko dahil alam kong hinding hindi na niya ako makikilala pa dahil sa kalagayan ko ngayon, lalo na sa mukha ko. "Do you know me, Miss? Have we met before?"
Napangsinghap ako't magsasalita sana nang biglang may nagsalita mula sa sasakyan. "Ruslan!"
Sabay kaming napalingon doon. Hindi ako makapaniwala na kasama niya ang babaeng pumapangalaw sa akin—si Digna! Papaanong nangyari na magkasama sila?! Anong ugnayan nila sa isa't isa?!
"What are you waiting for? Let's go!" pag-aamok ni Digna sa kaniya. Bumalik ito mula sa sasakyan.
Bumaling sa akin si Ruslan. Tumitig pa siya sa akin ng ilang saglit. Ang akala ko ay bibitawan na niya agad ang kamay ko pero nagkamali ako. Binalingan niya ang driver ng itim na SUV. "Ihatid mo na siya sa bahay nila. Dadalhin ko lang ito sa Ospital."
"Pero ser..."
Hindi niya pinansin ito. Dinukot niya ang kaniyang cellphone at may tinawagan siya. Bumaling siya ulit sa akin. Binawi din niya iyon nang may kinakausap na siya. "Gayla, sunduin mo ako dito. Itetext ko sa iyo ang address. May susugurin tayo sa Ospital." binaba niya ang tawag at bumaling ulit sa sasakyan na kakaalis lang.
"Kaya mo pa bang tumakbo?" bigla niyang tanong sa akin.
Napaamang ako. "H-ha?"
Ngumisi siya at walang sabi na hinatak niya ako kung saan habang tumatakbo kami. May rinig na naman kaming boses. Boses ni Digna!
"Hoy, Ruslan! Bumalik ka dito! Arghhh!"
Pagkalingon ko sa direksyon ni Digna ay nagpapadyak na ito dahil sa inis. Inilipat ko ang tingin ko kay Ruslan na ngayon ay malapad ang ngiti. Teka, bakit niya tinatakbuhan si Digna?
Nang nakalayo na kami nang tuluyan at doon na kami tumigil. Hingal na hingal kami pareho. Napasapo ako sa aking dibdib. Siya naman ay tumingala siya habang nakapameywang siya. Nang bumaba na ang heart rate namin ay nagkatinginan kaming dalawa.
"Kamusta ka na, Tishana?" nakangiting tanong niya sa akin.
"P-papaanong..." hindi makapaniwalang sambit ko.
"Papaano ko makakalimutan ang mga magaganda mong mata? Ang malalambot mong kamay na palagi kong hinahawakan noon? Hmm?" hindi mawala ang ngiti niya sa akin.
Paatras ako. Ayaw kong dumating sa punto na itatanong niya kung anong nangyari sa mukha ko. Umaahon ang pangamba sa aking sistema. Pero isang bagay lang ang makakapigil sa mga negatibong bagay na 'yon. Ang mga yakap niya.
"I miss you, Tishana." sambit niya nang mas hinigpitan pa niya ang pagkayakap niya sa akin. "Matagal na kitang hinahanap..."
"Ruslan..." pumikit ako ng mariin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Yeah. Ruslan Philipp Chua is my ex, at the same time, my first love.