"Elisse, okay na ba ang project mo? Nahihirapan kasi ako e. Pwede bang tulungan mo ako?" Tinignan ko ang katabi ko at kanina pa siya tingin ng tingin sa folder na binigay ng teacher namin last week. Bukas ng umaga ang pasahan non pero gaya nga ng sabi niya, hindi pa daw siya tapos.
I'm Elisse De Castro, 16 years old and a senior high school. Hindi ako member ng goody good shoes dito sa school. Hindi din ako sikat at hindi din ako member ng mean girls. I'm just an average girl. Meaning, nasa middle lang ako ng society.
"Dianne naman e. Pasaway ka talaga kahit kailan. Alam mo namang bukas na ang pasahan nan tapos ngayon ka pa gagawa. Punta ka na nga lang sa bahay mamaya, don na kita tutulungan. Di din kasi ako pwedeng magtagal dito sa school e, alam mo namang walang magbabantay kay Erin gabi pa ang uwi ni Mama." Tumango lang siya sakin at ngumiti ng kay lapad.
She's Dianne Rodriguez, my best friend. We're best friends since first year high school. Halos mag-kaparehas kami ng ugali kaya kami nag-click na dalawa. Member siya ng school arts club nung high school, kagaya ko kaya mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Sabi pa nga nila para na daw kaming kambal kasi lagi daw kaming magkasama sa lahat ng bagay. Well, ganun naman talaga ang best friend.
"So, halika na balik na tayo sa room. Tapos na din ang break time natin e." Tumango ako sakaniya at sabay kaming lumabas ng canteen. Parehas kaming natigilan ng may marinig kaming kumakanta sa loob ng computer lab. Madadaanan mo kasi ang lab na to kapag pupunta ka sa mga rooms. "Girl, baka multo yan. Gosh! Scary!" Nangangatal siyang kumapit sakin at pilit niya akong hinihila palayo doon. Tinanggal ko ang kamay niya at tinignan siya ng masama.
"Ganitong ka-aga may multo? Nasisiraan ka na ba girl? Tsaka parang familiar yung boses. Halika nga dali tignan natin." Magrereklamo pa sana siya pero wala na siyang nagawa ng hilahin ko siya palapit doon. She has no choice kundi samahan ako. Dahan dahan kaming lumapit don at sumilip sa maliit na iwang sa may pintuan. Sapat na yon para makita namin kung sino man ang nandon sa loob.
"s**t. Diba si Grey yon? Yong crush na crush mo, girl!" Bulong niya. Umoo ako sakaniya at tumingin ulit sa lalaking nakaupo sa tapat ng isang computer at kumakanta. Nakatungo siya at seryoso lang siya habang nakatingin sa baba. Naka-cap siya kaya mahirap makita ng maayos ang muka niya.
He's Grey Yexel Lim. My one and only crush. He's handsome and super hot. Section A din siya kasi matalino talaga siya, samantalang section C naman ako kasi nga average girl lang ako. Haha. Ang layo layo niya talaga sakin. Para bang langit siya at lupa naman ako. Aside from that, he's also very talented. He can cook, he can paint and he can sing tulad lang ngayon. That's the reasons why I'm so into him. He's really different to other boys dito sa school na walang alam kundi magpa-cute lang sa mga babae.
Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya binansagang 'Mr. Heart breaker?' Eh, muka naman siyang good boy e. Ang amo amo kaya ng muka niya. Ang sarap kaya niyang titigan. Hihi!
I know you've never loved the crinkles by your eyes when you smile
You've never loved your stomach or your thighs, the dimples in your back
at the bottom of your spine
But I'll love them endlessly
I won't let these little things
Slip out of my mouth
But if I do
It's you
Oh it's you
They add up to
I'm in love with you
And all these little things
Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya sa pagkanta. Iba kasi talaga ang dating ng boses niya. Ang lamig ng boses kaya ang sarap sa tenga. Bukod sa gwapo siya, talented talaga si Grey. Total package na talaga siya. At ang swerte swerte ko kapag naging boyfriend ko siya. Gosh! Di ko na ata maantay na mangyari na 'yon. Hahaha.
You can't go to bed without a cup of tea
And maybe that's the reason that you talk in your sleep
And all those conversations are the secrets that I keep
Though it makes no sense to me
I know you've never loved the sound of your voice on tape
You never want to know how much you weigh, you still have to squeeze into your jeans
But you're perfect to me
I won't let these little things
Slip out of my mouth
But if it's true
It's you
It's you
They add up to
I'm in love with you
And all these little things
Naalala ko nung una ko siyang nakita. Kaka-enroll ko lang nun dito sa St. Therese High School. Na-love at first sight talaga ako sakaniya non. He's playing basketball that time at kahit pawisan na siya ay ang gwapo pa din niya. Kumbaga, nakadagdag ng hotness niya 'yon. Matangkad kasi siya at ang manly ng itsura niya. Medyo chubby pa siya ng time na 'yon at totoy na totoy pa siya pero gwapo na talaga siya. After non, malimit ko ng makita ang sarili kong sinusundan siya kahit saan at inaalam lahat about him. Hanggang sa nafeel ko na nga na may crush na ako sakaniya. What I mean is, nagka-gusto na agad ako sakaniya. He's my first love and katangahan mang sabihin but I want him to be my last.
I signed up sa Arts Club just because of him. Suplado at tahimik kasi siya kaya ang hirap niyang kilalanin. Kaya gumagawa talaga ako ng way para mapansin niya ako. Naging President ako ng club na yon kaya malimit ko siyang makasama dahil siya naman ang Vice President. Since then, di pa niya ako kinakausap until now. Kasama ko lang siya pero hindi kami naguusap ng ayos. Weird right? Pero, yun ang totoo. He's really something kaya lalong gusto ko siyang kilalanin.
Kung sino ba talaga si Grey Yexel Lim.
"s**t! Nakita niya ata tayo, Elisse. Let's go umalis na tayo dito." Hinawakan ni Dianne ang kamay ko at hinila ako palayo sa Computer Lab at kasabay non ang malakas na pagbukas ng pintuan nito. Lumabas siya na nakakunot ang noo at masama siyang tumingin samin. Hala. Patay na!
Nakatingin lang din naman ako sakaniya at hindi na maiwasan ng puso kong tumibok ng sobrang bilis. Ikaw kaya ang tignan ng lalaking gustong gusto mo, ewan ko na lang kung di mo maramdaman tong nararamdaman ko.
Muli ko siyang tinignan at hindi naman nagbabago ang expression sa muka niya at nakatingin pa din siya ng masama samin especially sakin, bago siya tuluyang pumasok muli sa computer lab.
Gustong gusto ko talaga siyang makilala. Gustong gusto kong mapalapit sakaniya.
Argh! Gagawin ko talaga ang lahat para lang mapansin niya ako!
Walking distance lang ang bahay namin from school. Kasama ko ngayon si Dianne since tutulungan ko nga siya sa project namin.
"Bili muna tayo ng ice cream. Alam kong favorite ni Erin 'yon e." Pumasok kami sa 7/11 at bumili ng Selecta Mango Flavor. Mahilig kasi ang little sister ko sa ice cream at mango nga ang favorite flavor niya. She's only 5 years old pero matalino siyang bata. She thinks like an adult at kung minsan pa ay mas muka siyang mas matanda kaysa sakin.
Papasok na sana kami ng bahay ng may mapansin kaming kotseng nakapark sa katabing bahay lang namin. Ferrari red ito at base sa plate number ng sasakyan ay alam kong kay Grey to. Yeah, call me stalker. Wala e, ganun naman ata talaga kapag gusto mo ng sobra ang isang tao.
Aalamin mo ang lahat tungkol sakaniya. Teka ano naman kayang ginagawa niya dito sa subdivision namin? Nilakasan ko ang loob ko para lapitan siya nang hawakan ako ni Dianne sa braso.
"Wag ka ng lumapit don. Halika na sa loob. Tunaw na ang ice cream oh." Inangat pa niya ang hawak niyang plastic at oo nga nawala sa isip ko ang ice cream na binili namin. Kapag talaga nakikita ko siya nawawala ako sa sarili ko. "Tsaka, ayan na sila oh. Diba kapit bahay niyo si Aira? Yung classmate ni Grey na mahinhin pero nasa loob pala ang kulo?" Tuloy tuloy na sabi niya.
Nawala na sa isip ko na kapit bahay ko nga pala si Aira. Feeling ko naman kasi ako ang pinuntahan ni Grey. Hays, asa pa naman ako. Eh ni kausapin nga sa school ay hindi niya magawa. Puntahan pa kaya ako sa bahay? Ilusyunada talaga!
Tinignan ko silang dalawa at sumakay na sila sa kotse ni Grey.
Aira Mae Garcia is Grey's girlfriend. Sikat din siya sa school like him. Member siya ng cheering squad namin. Sexy siya at maganda talaga, muka nga siyang manika e. Madami ding nagkakagusto sakaniya kahit pa boyfriend na niya si Grey. Sabi nga nila, perfect couple daw ang dalawa. Bagay daw ang mga ito.
Pero para sakin, hindi. Kasi masakit sila sa mata.
"Halika na nga sa loob." Hinila ko na siya ng makalampas na ang kotse ni Grey sa tapat namin. Praning lang ba ako o ano, pero parang nakatingin kasi siya sakin. Pero siguro, assuming na naman ako. Hindi naman niya ako kilala kaya bakit niya ako titignan diba? Hays. Ang sakit sakit pala talagang magkagusto sa taong ang hirap kuhanin.
Sinuot ko ang jacket ko at lumabas muna ako para magpahangin. May maliit kaming garden dito sa bahay kaya alam kong makakatulong ito sakin para makapag-relax naman kahit papano at alisin sa isip ko ang dalawang taong nakita ko kanina. Kanina pa din umuwi si Dianne at tulog na din sila Erin at Mama kaya ako na lang magisa dito. Office clerk si Mama sa isang construction firm sa Makati at si Daddy naman ay nasa UAE, Accountant siya don. Pero, yearly naman siya umuuwi dito. Lagi pa din naman kaming nag-skype kaya parang kasama na din namin siya.
Umupo ako sa duyan namin at tumingala sa langit. Naaalala ko na naman yung sinabi ni Mama sakin last time.
Elisse, once you fall in love you will do anything for him. Even the impossible things. I know in time, maiintindihan mo din yung lagi kong sinasabi sayo. Okay?
Mukang tama nga si Mama, kasi nagagawa ko nga ang lahat para sakaniya. Kahit ang pinaka-impossible. Which is yung magustuhan din niya ako. Hays.
Hays, Grey. Pwede bang hayaan mo na lang ako kilalanin kang mabuti? Pwede bang hayaan mo na lang ako malapit sayo? Tandaan mo, nandito lang naman ako e. Nandito lang ako para sayo kahit anong mangyari at hinding hindi kita iiwan kahit kelan. Hays.