Humarap ako sa salamin para i-check kung ready to go na ba ako. I'm wearing black fitted dress and blouse na may maliit na scarf. Sinuklay kong muli ang buhok ko bago kinuha ang shoulder bag ko at mga libro na gagamitin ko para sa klase ko mamaya at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, amoy na amoy ko na agad ang niluluto ni Mama na bacon and egg. Hmm! Ang bango! Nakaramdam naman ako bigla ng gutom. Lumapit agad ako kay Mama na busy sa pag-hahain. Tumingin siya sakin at ngumiti. "Oh kain na anak. Para di ka malate sa school." Tumango ako sakaniya at humila ng upuan. Kumuha agad ako ng kanin at ulam at nagsimula ng kumain. Pinagsalin pa ko ni Mama ng fresh milk. Sweet naman talaga ng Mama ko. "Kain ka na din Mama." Alok sakaniya. "Sige, mamaya na lang. Nabusog ako sa pa