chapter.7:the conversation

1312 Words
Chapter 7 Marky's pov Siraulo ka talaga em..bakit mo sinend?!inis kung sigaw dito..baka iba isipin nun? Sos kunwari ka pa kuya, alam ko crush mo sya..wag ka nga jan...!tinulungan na nga kita eh...sabi nito.. Akala ko ba matinik ka sa chick's,o bakit parang tiklop ka sa isang dj?hmm...dagdag pa nito..shut up,em! Inis na talaga ako kasi iba na tumatakbo ko sa utak...sana hindi sya magalit dun sa message ko.....tsk.wala naman masama sa sinabi ko ah nagtanong lang naman ako,atska hindi lang naman ako siguro nagmessage sa kanya ng ganun....para na akong siraulo dahil kinakausap ko sarili ko..haizt!sino ka bang dj ka,? Bakit iba epekto mo sa akin..... Kuya,ok ka lang ba?tapik ni em sa akin,narinig mo ba sinasabi ko?para kang tanga,bigla ka na lang natulala jan...tanong nito... Natauhan naman ako...ha?May sinasabi ka,em?..tanong ko dito.. Hay naku kuya may tama ka na kay amira...dont worry I will help you,boto ako sa kanya,kesa dun sa malanding Connie na yun..nagpout pa ito... Gf ko si Connie,at hindi ito gusto ng mga kapatid at pinsang kung babae...ewan ko sa mga yun,,wala naman ginagawa sa kanila yung tao pero ang taas ng dugo nila dito...biglang tumunog cp ko...May message galing kay dj...parang tumalon yung puso ko... Angel voice:ahm yeah I remember,,hello...sorry baka naisturbo ko pagtulog mo that time!(peace sign).send Iniba ko talaga name nya sa phone ko...ewan ko ba pero iba talaga epekto ng dj na to sa akin... Me:ok lang what time end ng program mo..baka nakakaabala na ako..sige salamat!send Amira's pov Nagtext ulit si marky...hindi na ako nagreply at magclosing spell na ako... Thanks everyone sa pagsama nyo na naman sa akin ngayong hapon sa aking program..I really really appreciate your kindness and love,kahit hindi tayo nagkikita,nagtitiwala kayo sa akin..gobless everyone..this is dj chaks,signing off!bukas po ulit,bye!..paalam ko at nagsalang na ako ng 2 last song ko,kasi andito na din si ate mariane,sya naman papalit.... Tsut!sitsit ni ate mariane sa akin at lumapit naman ako....May nagpadeliver na naman ng foods sayo..walang name nakalagay... araw araw na ako nakakatanggap ng mga gifts at mga meryenda,masarap sa pakiramdam dahil marami nakaka-appreciate sa ginagawa ko,,nagkaroon na din ako ng maraming kakilala,,,hindi naman ako gala na tao,,,nakakagala lang ako kapag kasama mga kaibagan ko,nasa bahay lang ako palagi at inaabala sarili ko sa pagbabasa o kay pagsusulat ng kwento kapag nasa mood!..tumanggap ka na ba ng manliligaw ? Tanong nito... Alam kasi nito na wala pa ako bf at hindi rin ako nagpapaligaw...kahit dito sa compound may nagpapalipad din ng hangin,kaso dedma lang sa akin,wala pa nga kasi sa isip ko magkabf.. ganun ba te,sige daan muna ako sa office,,mauuna na din ako umuwi sayo,kunin ko lang gamit ko sa office.paalam ko dito....sumasabay na ako sa kanya ng uwi simula nung magwork na ako dito..kasi kami na lang dalawa naiiwan ,kaya hinihintay ko lang matapos program nya tapos hinahatid nya muna ako sa bahay...kahit malapit lang din naman bahay namin dito sa radio station... Off mo naman bukas ah.bakit ka maaga uuwi...May lakad?tanong ulit nito,habang namimili na ng mga song na papatugtugin sa program nya.. Wala te no!birthday kasi ng pamangkin ko kaya maaga ako uuwi,may family dinner kami ngayon...sagot ko dito..sige te bye,at humalik ako sa pisnge nito,saka lumabas sa radio booth.,,tango na lang sinagot nito at nagopening spell na... Paglabas ko ng gate,pumara na lang ako ng tricycle.nagpadaan muna ako sa bakeshop kung saan ako nagpagawa ng cake para sa pamangkin ko..surprise ko din to sa kanya,,,ayaw nga nito magcelebrate ng birthday kahit may panghanda naman..kaya maliit na salo salo na lang gagawin at malalapit lang sa pamilya namin ang mga bisita...hindi ko na pinaalis si manong tricycle pagdating namin sa tindahan,nagpahatid na lang din ako deretso sa bahay..dinagdagan ko na lang ang bayad sa kanya.. Pagdating ko sa bahay,nakaabang si kuya mike sa akin sa may gate at kinuha nito ang dala kung cake.. Late na ba ako?tanong ko kay kuya....hindi naman,,wala pa naman si hannah,sabi ni kuya nasa school pa daw...dito na lang daw dederetso...sagot ni kuya mike...surprise talaga namin to sa kanya,ako nagplano hehehe,,sya kasi unang pamangkin ko..kaya close kami,,graduating na to sa highschool at matalino din... After dinner,medyo gabi na din natapos yung celebration,kasi may mga games din kaming ginawa kaya sobrang saya talaga,,,nagpalit na ako ng aking pantulog,at humiga na sa aking kama...naalala ko cellphone ko na inoff ko pala kasi nga maingay,dahil kahit wala na ako sa fm,marami pa din dumadating na mga text message...nagscroll muna ako at nag bura na din ng ibang messages...nagtataka naman ako dahil madaming messages kuya ni em....binasa ko to lahat... Em's brother:Hi good evening..nasa house ka na ba..Ingat.. Em's brother:pwede ba kita makikilala ng personal...? Em's brother:maganda ka siguro sa personal kagaya ng boses mo...masarap pakinggan...parang angel! Em's brother:busy?sorry baka nakakaabala ako...thanks! Em's brother:goodnight, sana dumalaw ka sa panaginip ko... Napataas ang kilay ko sa huling text nito...May saltik yata kuya ni em ah..feeling close lang..nasabi ko sa sarili ko..hindi pa naman ako inaantok kaya makikipagusap muna ako dito.. Me:good evening,,pinatay ko phone ko kanina and medyo busy din ako sa bahay...bday kasi ng pamangkin ko...bakit gising ka pa ng Gantong oras? Maya maya nagreply din ito. Em's brother:andito ako sa kubo namin,nagbabantay kasi ako sa kalabaw at mga pananim namin...baka may magnakaw. Em's brother:Hindi nga ako dalawin ng antok eh..iniisip kita...kaylan kaya kita makikita..? Me:wow ha,,bakit mo naman ako iniisip?matulog ka na lang..sige good night!...reply ko dito..napangiti ako,ewan ko pero ang bilis ng t***k ng puso ko...uminom muna ako ng tubig bago nahiga na ako.. Marky's pov Hindi ako dalawin ng antok..andito ako sa kubo namin,nanakawan kasi kami kagabi kaya kaylangan ko magbantay ngayon...nakinig muna ako radio kanina at naghapunan na din bago ako natungo dito,medyo malayo to sa bahay namin..panahon ng mais ngayon at manga...May isang ektarya kami ng manggahan at taniman ng palay..pagsasaka lang ikinabubuhay ng pamilya namin,at malayo din sa bayan itong Lugar namin..kanina pa ako tumitingin sa cellphone ko,at sa sa isang numero na nakalagay dun...nagdadalawang isip ako kung magtetext ba ako o hindi...ngayon lang ako nahiya ng ganto...kung tutuusin..hindi ko naman problema ang mga babae,sila pa nga ang kusang lumalapit sa akin..sabi nila chickboy daw ako,,,,kasalanan ko ba kung malakas talaga karisma ko....pero ito,sa isang dj na ito,nahihirapan ako...sana nga makita kita...mababaliw yata ako...hindi talaga ako mapakali kaya nagtext ako.. Me:Hi good evening..nasa house ka na ba..Ingat... Walang reply mula dito...haizt bakit ba ako nageexpect na magreply sya,baka tulog na yun ngayon..sinubukan ko ulit pumikit... Waaah...ano ba nangyayari sa akin..bakit hindi mawala sa utak ko ang boses ng babaeng yun?nagsend ulit ako ng message.. Me:pwede ba kita makikilala ng personal...? Me:maganda ka siguro sa personal kagaya ng boses mo...masarap pakinggan...parang angel! Lord sana naman magreply sya....dasal ko habang tumingin sa taas..*f k!..baliw ka na talaga... Pero parang ayaw talaga papigil ng mga kamay ko.. Me:goodnight, sana dumalaw ka sa panaginip ko... Marky tama na...matulog ka na pwede ba..wag kang umasa na magreply sya..nasa trabaho sya kanina kaya nagreply yun sayo...sabi ko sa sarili ko pinapagalitan ito...itinabi ko na phone ko at pimikit na ako ng biglang may nagtext,,dali dali ko kinuha eto..ganun na lang ngiti ko ng makita ko kung kanino galing ang message...ang bilis ng t***k ng puso ko,juskolord...nagkakagusto ba ako sa babaeng hindi ko pa nakikita... Angel voice:good evening,,pinatay ko phone ko kanina and medyo busy din ako sa bahay...bday kasi ng pamangkin ko...bakit gising ka pa ng Gantong oras? Ang lapad ng ngiti ko pagkabasa ng reply nya...dumapa ako at nereplyan ko din ito.. Me:andito ako sa kubo namin,nagbabantay kasi ako sa kalabaw at mga pananim namin...baka may magnakaw. Me:Hindi nga ako dalawin ng antok eh..iniisip kita...kaylan kaya kita makikita..?magkasunod na text ko dito... Angel voice:wow ha,,bakit mo naman ako iniisip?matulog ka na lang..sige good night...napangiti ako sa sagot nito...nilagay ko pa phone ko sa may dibdib....saka pumikit,hindi na ako nagreply baka nakakaabala na ako...satisfied na ako sa usapan namin mahalaga nagreply sya... To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD