Hailey Tinotoo nya ang sinabi nya. Natulog lang talaga kami ngayong gabi na yakap nya ako. Tahimik kaming nanood ng tv habang nilalaro laro nya ang buhok ko hanggang hilahin na ako ng antok. Nagising ako ng maaga kinabukasan at nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan sya. Gusto ko na sanang hawakan ang mukha nya kaya lang ay ayaw ko syang magising. He is slightly older now at 24 pero mas lalong gumandang lalake. I have been admiring this face -- scratch that, this man for the last 8 years and now we just spent last night in the same bed. Naalala ko pa ang sinabi nya sa akin kagabi habang kumakain kami. He sounded so casual. Ikaw lang naman ang mahal ko. Ikaw lang naman ang mahal ko. Ikaw lang naman ang mahal ko. Haaaaay! Ang aga aga pa para mag day dreaming. Makabangon na nga at makap