Hailey | Flasback continued I went on with my life after that day. Hindi na ako sumama uli kay Dom kung kami rin lang dalawa ang lalabas. If Hope can come or Ate Nikki sasama ako. Minsan sinasama namin si Raven. Bata pa kasi eh kaya palaging bitbit nina Ninang Shelly. She's only 9. Napag isip isip ko, wala namang mangyayari sa nararamdaman ko kay Dom eh. Ni hindi ko nga alam kung anong tawag dito. Infatuation? Talaga namang pogi sya. Kaya nga habulin ng mga babae. But that's exactly my point -- habulin. Ibig sabihin marami akong karibal. At wala akong balak makipag kumpetensya sa kanilang lahat. Isa pa, kapag nalaman nya itong nararamdaman ko dalawa lang yan. Either i-reject nya ako o kaya magiging awkward kami sa isa't isa. At parehas lang iyon na masakit! Byernes na naman at nasa ar